WAKAS!

16K 431 123
                                    

NOTE: Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa kwento nina Gero at Kaiicen. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi magiging success ang kwentong ito. Salamat sa mga nagbasa,vote,comments mula umpisa hanggang dito sa huli. Dont worry,may Epilogue ito,hindi ko kayo hahayaang malungkot.

Bago ko ihandog sa inyo ang pinaka huling kabanata. Gusto kong malaman nyo kung san ko nakuha ang title nito. Nakuha ko ito sa gwapong FB Friend ko,nagpost sya ng pic na nasa library sya at may caption na "MUMU SA LIBRARY" at dun na nga po ito nagsimula,naisip kong mas mainam kung ang anak nina KREYD at PRUE ang bida,and voila! Ito na ang kinalabasan :D

Again,maraming maraming salamat po sa inyong lahat! May Epilogue pa! Enjoy reading. :)

-----

Gero's Point of view

Since that day,naging mas maalaga at lalo ko minahal si Kaiicen,napilit namin syang magpa duktor at para ma confirm ang sakit nya. At ayon sa resulta,totoo nga,may Alzheimer's disease sya,nung sinabi ng duktor yon gumuho ang mundo ko,literal akong nanlambot ang mga tuhod at napaluhod sa sahig. Pero salamat kay Mama,Papa,tropa at Kheem dahil napapainum na namin sya ng gamot. Though malaki ang binagsak ng katawan nya,pinapakita nyang malakas sya at hindi apektado. Kahit na araw araw ay nasasaktan ako,araw araw ay para akong pinapatay dahil araw araw,pumapasok sa isipan kong isang araw ay mawawala na sya sa akin.

Malugod nyang tinanggap ang sakit nya,kahit malaki ang pinagbago ng pisikal nyang anyo ay nanatili syang matatag,pinaparamdam nya sa akin kung gaano nya ako kamahal,minsan magigising syang hinahaplos ko ang buhok nya habang lumuluha,ngingiti lang sya,sasabihin pa nyang "Hindi pa ako namamatay umiiyak ka na? Pano pag namatay na ako?" kaya ang nangyayari,napapahagulhol na ako at yayakapin ko na lang sya ng mahigpit hanggang sabay kaming makatulog.

"Papa Kaii! Ang daya nyo ni tita Chichi eh!" ang biglang outburst ni Jaiiro,4 years old naming anak through surrogacy,sperm ko ang ginamit,sya ang nagpapadagdag ng lakas kay Kaiicen,family day kasi namin kaya magkakasama kaming lahat. Apat na taon,apat na taon na ang lumipas mula ng magkasakit sya,ang bilis ng panahon. At nagpapasalamat ako na dinidinig ng Dyos ang araw araw kong hiling na huwag muna,hindi ko pa kasi kaya eh. Hindi ko pa naiisip ang buhay ko kung wala sya,ayoko pa,kaya hindi pa din ako tumitigil sa pagdadasal sa Diyos.

Tumahimik si Kaiicen,lahat kami tumahimik,by now,alam naming lahat na inaatake na naman sya ng sakit nya. Nandito lang ako sa di kalayuan kasama sina Kuya Zandro,kuya Myk at kuya Kebin.

"Dali Papa Kaii! Ulit ulit na!" ang masiglang sabi ni Jaiiron. Pero tiningnan lang sya ni Kaiicen.

"Sino ka? Ang cute mo namang bata. Kaninong anak ka?" napatayo agad ako,hindi sanay si Jaiiron pag nagkakaganyan ang Papa Kaiicen nya.

"Anak nyo po ako ni Papa Gero,ako po si Jaiiron." ang nakangiti pa ding sabi ng bata. Dahan dahan na akong naglakad palapit sa kanila.

"Huh? Hindi kita anak,wala akong anak,hindi kita kilala." sabi pa ni Kaiicen,tumulo na ang luha ng bata.

"Anak mo po ako,Papa kita." at umiyak na ang bata,mukhang naguluhan si Kaiicen,kinarga ni Nichi si Jaiiron at pinatahan,nilapitan ko naman agad si Kaiicen,kita ko ang lungkot ng buo kong pamilya,pero hindi ako susuko,mahal ko si Kaiicen.

"Mahal tara na,magpahinga ka na muna,pagod ka na." aya ko sa kanya at dahan dahan syang itinayo.

"Anak daw natin yung batang yon?" ani pa ni Kaiicen pero hindi ko na sya sinagot. Malapit na kami sa main door ng bigla syang mawalan ng malay,mabuti at maagap ako,lalo ako natakot. Dyos ko,huwag muna please.

"Papa! Papa Kaiicen ko! Tita Chichi si Papa Kaiicen!" ang nag iiyak na sigaw ni Jaiiron,natakot din siguro ang bata ng makitang nawalan ng malay ang Papa Kaiicen nya. Buhat ko si Kaiicen at dinala sa dati kong kwarto. Inihanda ko na ang mga gamot nya para ipainum pag nagising na sya. Hindi ko isinara ang pinto kasi alam kong susunod dito ang bata.

Mumu Sa Library (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon