Perfect Score

429 14 27
                                    

Perfect Score

©alviolaudable

 

 

“Uy… Xyril, kailan mo ba ako sasagutin?” ayan na naman po siya. Hindi ba siya nagsasawa? Ilang beses ko na ba siyang binusted? Isa? Dalawa? Tatlo? Maraming beses na!

“Tigilan mo na nga ako James! Hindi ka pa ba nagsasawa? Ilang beses ko bang kailangang ipaalala sa’yo na hindi pa ko ready?!” naiinis nasabi ko sa kanya.

“At ilang beses ko din bang sasabihin sa ‘yo na hindi ako susuko hanggat hindi ko nakukuha ang matamis mong oo?”

“Ugh! Ewan ko sa’yo! Bahala ka na nga diyan.” Tinalikuran ko na siya pagkatapos nun.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Marami namang babaeng nagkakandarapa sa kanya, pero bakit ako pa? Ako na walang paki sa kanya, at ako na walang paki sa pag-ibig na ‘yan?

“Uy… Hintayin mo naman ako Xy. Sabay na tayo, para namang hindi sa iisang lugar iyong patutunguhan natin eh.”

 

Inirapan ko na lang siya. Kahit ayaw ko siyang kasabay, wala parin naman akong magagawa eh. Sa tigas ba naman ng ulo niya, tiyak na hindi uubra ang katarayan ko sa kanya. Tama din naman siya eh, iisang lugar lang yung pupuntahan namin. At sa music club nga 'yon.

Pagdating namin sa club, tukso agad ng mga magagaling kong club mate ang sumalubong sa amin. Napabuntong-hininga na lang ako ng wala sa oras. Ganito naman palagi ang nangyayari eh. Hindi pa ako nasanay. Umupo na ako sa upuan ko. Lumapit naman sa akin ang bestfriend kong si Hazel.

“Uy… Ikaw, Xy huh. Napapadalas na yata ang pagsasabay niyo ni James. Don’t tell me, kayo na?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin. Binatukan ko naman siya dahil dun. “Aray! Bakit ka ba nambabatok diyan?!”

“Eh, nakakainis ka kasi?” singhal ko sa kanya. “Nagsabay lang, kami na agad?”

 

“Oh, sorry naman.” Umupo si Hazel sa bakanteng upuan sa tabi ko. “Eh, kung sagutin mo na lang kaya siya?” tanong niya sa akin, “Tutal almost three months na siyang nanliligaw sa’yo eh.”

 

Tiningnan ko siya ng masama. Bakit ba ang dali sa kanilang mag-desisiyon tungkol sa ganyang bagay? Hindi ba nila alam na sa pagpasok sa ganyang relasyon, maraming bagay ang maaapektuhan?

“Ewan ko sa’yo Hazel.” Naka-irap na sabi ko na lang sa kanya.

“Ano pa bang hahanapin mo kay James?” pagpapatuloy parin niya, “Gwapo siya, mayaman, matalino, mabait, sikat sa school natin, lahat-lahat na ng magagandang katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalake nasa kanya na.”

 

“‘Yon na nga Hazel eh. Don’t you think it’s just too good to be true? Ordinaryo lang naman ako tapos ang isang gaya niya lalapit sa gaya ko? Aba! Kalabisan naman na yata ‘yon.”

 

“What’s so ordinary about you Xyril? Duh! Tingnan mo nga sarili mo sa salamin. Tsaka, hoy! Kung ihahanay ka naman sa ibang babae diyan, ‘di hamak na lamang ka sa kanila ‘no.”

 

“Hay… Nasasabi mo lang ‘yan Hazel kasi kaibigan kita. Ttsaka, ‘wag na lang nating pangarapin ‘yong mga bagay na ‘di natin maaabot.” Naiiling na sabi ko na lang sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect ScoreWhere stories live. Discover now