L&Lforlast (Spin the bottle LAST SEQUEL)

23K 603 129
                                    

L&LforLast (Spin the bottle LAST SEQUEL)

By: butterfliesinmyhead

****

"Oh, ano guys? Paano na yung presentation natin bukas? Wala pa tayong props oh," sabi ni Anne na ngayon ay isa ng president sa klase namin. Galing no? Iba talaga pag-bida bida eh. 

"Hello, L ko..." bulong ng lalaki na yumakap mula sa leeg ko. Tumayo ang balahibo sa aking leeg at bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Oh, bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa rito. Paano kasi hindi man lang ako sinundo kanina.

"Eh kasi, pinatawag kami ni Sir Victor eh," bulong niya muli. 'Yung pisngi niya halos magkadikit na sa pisngi ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko at nararamdamanan kong namumula na ang aking pisngi dahil sa init nito. Ugh! Bat naman kasi ako kinikilig!

"Sus. Eh bat di mo man lang ako sinabihan, o tinext man lang? Anong silbi ng cellphone diba?" sabi ko sabay irap at tingin sa ibang direksyon. Kahit na nagpoprotesta ang kalooban ko ng ipaglayo ko ang pisngi namin. 

"Eh, nakalimutan ko kasi yung phone ko eh. Naalala ko nalang nung kausap ko si Sir Victor," pagdedepensa niya. Tinanggal niya yung pagkakaakap niya sa leeg ko at tuluyan na ring nawala yung pisngi niya na malapit sa mukha ko. Agaran siyang umupo sa harap ng pinagkakaupuan ko. Kaya ngayon magkaharapan na kami.

"Ikaw talaga..." aniya sabay pisil sa pisngi ko. "Sorry na, L ko..." dugtong nito at hinawakan a dalawa kong kamay. Wala na, game over na! Wala na 'yung galit ko! Hmpf!

Mga ilang minuto lang din kaming magkatitigan. Natatawa ako sa mga mata niyang naka-puppy eyes. 

"Tsk. Ewan ko sayo..." sabi ko nalang at tumingin sa ibang direksyon. Binitawan niya ang kamay ko na siya namang ikinaharap ko. 


Napatalon ako nang halos magkadikit na ang mukha namin sa isa't-isa. Ugh! Yung kabayo bumalik ulit sa puso ko, nagkakarera na ata. Ano ba ito! 'Di ko mapigilang mapatingin dun sa labi niya. Ugh!

"Sorry na ha. I love you..." sabi niya in a very sweet calm voice, sabay hinawakan muli ang magkabilang pisngi ko. Pinilit ko naman itong tanggalin sa pamamagitan ng pag-shook ng ulo ko kasi pakiramdam ko nararamdaman niya 'yung init ng pisngi ko! Nakakahiya!

"Ikaw talaga...." sabi niya at pinisil ang pisngi ko. 

"Aray..." sabi ko sabay pout. 

"Hm, ang cute-cute mo naman! Lalo na yang red rossy cheeks mo..." sabi niya sabay bumalik sa dati niyang pwesto. Ugh! Nakakahiya naman talaga! Uso naman siguro liptint sa cheeks noh? Sana 'yun nalang maisip niya! Ugh!!

"Ehem. Ehem," sabi ng mga kaklase ko. Shocks nakakahiya po ito.

"Kila Lara na lang daw tayo mag-oovernight!" sabi ni Paula na tumayo bigla sa pagkakaupuan niya.

"Huh? A-anong overnight?" tanong ko sa karamihan. Hindi ko kasi alam yung pinag-uusapan nila eh. Eto kasing si laurence! 

Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko habang kaming dalawa ni laurence ay hindi alam yung nangyayari. Ano bang nangyayari bakit ba sila tumatawa? (Insert dumbfounded face here)

"Bakit? B-baket? Ano bang meron?" tanong ko ulit sa kanila. 

"Teka nga... Tama nga muna yang tawa niyo!!" sigaw naman ni Anne na agad namang kinatigil ng lahat sa kakatawa. 

"Kasi naman Laurence eh... Dinadaldal mo kasi ako. 'Yan tuloy, napagtawanan ako..." sabi ko ng pabulong. "Dito ka nga sa tabi ko para hindi ka nahihirapan diyan." dagdag ko muli sabay tapik dun sa katabi kong bakanteng upuan. Wala pa kasi yung katabi ko eh. Agad naman siyang tumayo at tumabi sa katabi kong upuan. Naramdaman ko rin na kinuha niya yung isang kamay ko. Stop it!! Ugh! 'Yung puso ko!

L&Lforlast (Spin the bottle LAST SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon