1 - Ang Hirap Bumitaw

312 6 0
                                    

"Ang hirap bumitaw"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang hirap bumitaw"

Ang hirap mo pala bitawan. Dati iniisip ko pa lang na kalimutan ka parang ang dali dali. Iniisip ko pa lang na itigil itong masamang pagsasama natin ang daling isipin pero ang hirap gawin. Miss na miss na kita.

Naalala ko dati sabi mo baka ilusyon lang tong nararamdaman ko sayo. Pero sana nga oo kasi kung oo sana di ako nasasaktan ng ganto dahil paunti unti nawawala kana sakin. Alam ko ang tanga ko kasi pumatol ako sayo na sa una pa lang alam ko na wala naman patutunguhan to na talo na ako sa umpisa pa lang. Kasi may pamilya kana.. may anak kana. Pero alam mo ba kung bakit di agad ako makaalis sa presensya mo? kasi naalala ko yung sinabi mo na "ikaw ang pipiliin ko" haha nakakatawa kasi pinaghahawakan ko yan.

Ilang beses na kitang tinaboy dati kasi naawa ako sa bata. Ayaw ko na kamuhian ka niya pag laki kasi may naging babae ka habang may anak ka na. Pero nagpatuloy ka pa rin ako naman si tanga umoo. Minahal kita ng sobra kasi nirerespeto mo ako. Sa buong pag sasama natin wala pang nangyayari satin. Miss na miss na kita. Kahit ang sakit na lagi mo sinasabi na wala na kayo ng nanay ng bata, bale bata na lang ang nag coconnect sainyong dalawa.

Pero bakit tuwing magkasama kayo nakakalimutan mo ako? bakit hindi mo man lang ako matext, makausap. Sinasabihan mo pa ako na "Wag ka muna magtext" ang sakit lang.

One week, sa loob ng one week di ka nag paramdam. Handa na ako kalimutan ka eh. Bakit bumalik ka pa ulit? bakit bumalik ka at kinausap mo na naman ako ng katulad dati. Tas biglang wala na naman? di ka na naman nag paparamdam. Bakit bakit? kung kelan kaya ko na.. tsaka ka bumabalik?

Totoo nga ang sabi nila pag nagmamahal sila pa yung napaka tanga. Ang tanga ko kasi sobrang mahal kita. Ang tanga ko kasi tuwing lalapit ka bumibigay agad ako. Ang tanga ko kasi di kita mabitawan :(

- Blogger Secret Files

Tumblr

Unknown Secrets RevealedWhere stories live. Discover now