Say Hi! (One-shot story)

4 1 0
                                    

"Ellie Ellie Ellie!" Tumatakbong sigaw ni Meby at ni Monique papunta sakin, hingal na hingal silang dalawa na parang tumakbo sa marathon.

"Oh anong nangyare sa inyo? Para kayong hinahabol ng kabayo?" Pabirong sabi ko sa kanila.

"Tae di naman sa ganun, narinig kasi namin dun sa dalawang mukang hipon na nagchichismisan sa labas na break na daw kayo ng jowabells mo! True ba?" Hingal parin na tanong ni Monique sakin.

Para na naman akong napipi sa narinig ko, hindi parin talaga ko makapaniwala na wala na kami. Sht lang sinayang nya yung 3 years ha! As in 3 years! At ang masakit pa dun ipagpalit ba naman ako sa hipong baboy! Oo hipong baboy talaga bukod sa panget na nga muka niya ang taba taba pa! Eh anu kung hard ako? I'm just stating the fact here.

"Ah yun ba? Wala yon!" Pasimpleng sabi ko sa kanila na parang di ako nasasaktan, pero sa totoo lang parang pinipiga yung puso ko sa sobrang sakit. Ayoko namang umiyak na naman sa harapan nila kase tuwing magkakasama kami lagi na lang yung pangbababae ng ex ko yung lagi kong kwento, nakakasawa na din.

"So ganun na lang yun El? Tinapon nyo yung 3 years na parang wala lang?" Hindi makapaniwalang tanong sakin ni Meby.

"Sa tingin mo ba ganun ganun lang para sakin yun? Akala mo ba hindi ako lumaban?" Sa mga oras na to gustong gusto na kumawala ng mga luhang kagabi ko pa kinikimkim.

"Akala nyo ba basta na lang ako sumuko? Akala nyo ba hindi ako nahirapan? Sa araw-araw na kwento ko sa inyo tungkol sa pangbababae niya ganun lang ba yun? Sa bawat pagpapatawad ko sa kaniya na sinasayang niya lang" Hindi na kinaya ng mata ko kaya kumawala ang isang butil ng luha pababa sa pisnge ko na nasundan pa ng hagulgol.

Pumunta agad si Meby at Monique sa tabi ko para pakalmahin ako habang hinihimas ni meby yung likod ko binigyan naman ako ni Monique ng tubig.

Unti unti kong ininom yung tubig hanggang sa mahimasmasan ako.

"Ellie Marie Azuela tama na yan! Iuuwe na kita, dala ko kotse ko pinadala sakin ni Daddy tara na" yaya sakin ni Meby na nagmamadaling ayusin ang gamit niya.

Habang papunta kami sa kotse niya, natanaw ko sa di kalayuan ang hayop kong Ex na walang ibang ginawa kundi ang mangbabae, kasama yung higad na hipong baboy! Oo dinagdagan ko na ng Higad! Lingkis ng lingkis eh kating kati ang walanghiya.

Hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa bagong kotse ni Meby na Elantra, mukang bagong modelo regalo daw sa kaniya to nung daddy nya nung nag 18 siya last month.

"Hey El! Can you please tell me what happened?" Litong tanong ni Meby

"About what?" Mas nalilito ko pang tanong habang nakasakay sa shotgun seat.

"About You and that fcking guy named Troy Serino?" Inis na sabi ni Meby na mukang konti na lang eh sasapakin na ako sa sobrang pigil.

"I saw him yesterday sa isang convinience store with that bitch" sabay turo ko sa babaeng nakakawit sa braso ni Troy. "They were kissing as if na walang nakakakita sa kanila, palibhasa nandun sila sa sulok malapit sa mga beverages." Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa matapos ako magkwento.

"Ano yun pinaglaruan ka lang niya ng tatlong taon? Pinaikot ikot at niloko ng niloko. The hell with that guy! He's getting into my nerves! So that bitch is his new toy?" Gigil na gigil na tanong ni Meby sakin sabay point sa higad na hipong baboy na yun.

"I guess so." Tipid na sagot ko. She just shrugged her shoulder then start driving her car.

Di ko na namalayan na nasa bahay na pala ako. Pagod,sakit,lungkot,galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, para sa kanilang dalawa. Lugmok na napahiga ako sa queen size bed ko na pinalilibutan ng mga stuff toys kong baymax at minnie mouse with it's purple linens.

Say Hi!Where stories live. Discover now