Capítulo Tres: Que Noche

17.8K 428 13
                                    

[CHAPTER THREE: That Night]

[Hesiod's POV]

"Bespren, may pupuntahan ako mamaya" ang pangdidistract ni Jared habang pinagmamasdan ko ang mga luntiang dahon ng makahiya sa damuhan.

"Ano naman ngayon sa akin?" ang tanong ko pabalik. "Kung makikipagkita ka lang dyan sa kalablyf mo, go ahead. Hindi mo ako tatay para magpaalam pa sa akin"

"Hay naku, bespren. Sinunungitan mo na naman ako." ang komento niya. "Birthday niya ngayon kaya nagyayayang lumabas. "

"Sige lang. Wala akong balak panoorin ang pag-PDA niyong dalawa" ang tugon ko.

"Hoy, hindi kami ganyan, ha!" ang depensa niya.

"Hello, sinong hindi mang-iinit ang ulo sa ngitian at tinginan niyong dalawa. Ano yun high school lang?"

Tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Sus, bitter-bitteran na naman... Anyways, kasama naman natin yung ilang friends niya. Malay mo naman, oras mo na at makahanap ka ng someone sa mga kaibigan niya" ang pangungumbinsi niya sa akin.

"No, thanks. Alam mo namang social hermit ako at ayaw na ayaw kong nakikihalubilo sa kung sino-sino"

"Pwede bang kahit minsan, umarte kang twenty-first century teenager. Hindi ka caveman!" ang sabi niya sabay batok sa akin.

"Aray!" ang eksklamasyon ko sabay ayos sa nagulo kong spectacles. Ang sarap hambalusin nitong lalakeng ito.

"Sasama ka sa akin, sa ayaw at gusto mo. Kahit na na kaladkarin kita mula sa bahay niyo." ang pagbabanta niya. Ayaw ko talaga pero wala naman akong magagawa.

"Saan niyo ba balak pumunta?" ang tanong ko.

"Dinner sa Giligan's tapos hang-out sa kung saan man sa Legarda" ang tugon niya.

"Hindi ako umiinom, di ba?" ang tanong ko.

"Huwag kang uminom. Hindi yun problema" si Jared. Napabuntong-hininga na lang ako. This is why I hate him. Kung hindi ko lang talaga siya bestfriend...

"Sige na nga" ang pagpayag ko. Pagkatapos ng normal kong buhay estudyante sa BSU ay deretso akong uwi. Karaniwan akong naghihintay ng jeep papuntang Baguio sa isa sa limang gate ng unibersidad. Tatlumpong minuto ang itatagal ng byahe. Bababa ako malapit sa Baguio City Hall at maglalakad patungo sa palengke kung saan ang paradahan ng jeep patungo kung saan ako nakatira. Pagkarating ko ng bahay ay dumeretso ako ng aking kuwarto. Nagbabantay si Mama sa aming munting sari-sari store samantalang si Papa ay isang OFW sa Dubai. Pagkatapos kong makapagbihis at maghanda para mamaya ay sinuri ko ang aking itsura... walang pinagbago: pangit pa rin. Nakastraight cut jeans, at gray gap hoodie na binili ni Mama sa ukay-ukay ng 120 pesos. Eyeglasses... at medyo magulong buhok na kahit na anong gawin ko ay tila wala nang pag-asa pang maayos. Pumasok ako ng store. Nadatnan ko si Mama habang nag-aayos ng paninda.

"Saan ka pa pupunta?" ang tanong niya nang makita ako.

"Birthday po ng kaibigan ko. May celebration po" ang paalam ko.

"Sinong kasama mo?" ang tanong ni Mama.

"Si Jared at Vlad po."

"Alam mo kakaiba yung Jared at Vlad na yun. May something sa kanila na hindi ko maintindihan. Para silang may relasyon"
 
"Hay naku, Mama. Close lang talaga sila" ang palusot ko. Hindi niya kasi alam ang pagkatao namin ni Jared. Hindi ko pa sigurado kung matatanggap niya ang tungkol dun.

"Kung sa bagay, iba na ang mga kabataan ngayon." ang komento ni Mama. "Ikaw ba? Kelan ka mag-uuwi ng girlfriend?"

"Mama naman!" ang reaksyon ko. "Wala akong oras. Tutok ako sa pag-aaral ko"

"Kung sa bagay. Sige, mag-iingat ka. Dito mo na patulugin si Jared at Vlad para may kasama kang umuwi" ang bilin ni Mama. Ganyan talaga si Mama, napaka over protective. Mag-isa ko lang kasing anak niya. Pagkatapos makapagpaalam ay nag-abang na ako ng jeep patungong town. Pagkalipas naman ng ilang minuto ay nakasakay na ako. Makikita ko na naman si Jared at si Vlad; ang kanyang boyfie. Bilib ako sa kanila.. hindi sila nagsasawa sa isa't-isa. Araw-araw ba naman kasing magkita. Mag-aalas syete na at alam kong hinigintay na ako ni Jared sa aming lugar hintayan: sa harap ng Mcdo Session Road. Nang makarating ay kaagad akong naglakad patungo roon. Sa tuwing may makakasalubong akong magjowa ay napapabuntong-hininga na lang ako. Nakakasawa na ang maglakad ng mag-isa; ng walang kasamang espesyal. Mukhang ganito na lang ang takbo ng buhay ko. Kahit kailan ay di naubusan ng tao ang Session Road. Pagkarating naman ay kaagad akong pumwesto sa harap ng fast food at ginala ang tingin sa paligid. Wala pa si Jared. Habang naghihintay ay gumala ang aking paningin. Mga iilang taong tumatawid ng kalsada kahit na pula na ang ilaw. Hindi lang talaga makapaghintay ang iba na makarating sa kanilang pupuntahan. Baguio is not a city for rushing. Masasaksihan mo ang kagandahan ng lungsod kung may tyaga kang maglakad. There's a lot more to see. Hindi nagtagal ay nasilayan ko ang mga pagmumukha nila Jared at Vlad.

"Bespren, sorry. Late kami" si Jared.

"Ngayon ko lang nalaman na 7:00 na ang 7:30" ang inis-inisan ko.

"Hesiod, sorry. May hinabol kasi ako sa lab namin" si Vlad na nag-aaral sa isa sa "Big Three". Gwapo at maporma ang lolo! Big catch for Jared. Siya na! Kelan naman kaya ako magkakaroon ng isang tulad niya? I'm hopeless T_____T

"As if may magagawa pa ako" ang tugon ko. Napangiti lang ang dalawa.

"Anyways, may ipapakilala nga pala ako sa'yo" si Vlad. "Hesiod, si Jeric. Friend ko. Jeric, si Hesiod, bestfriend ng babe ko"

"Hi" ang bati ni Jeric sabay alok ng kamay niya.

"Hello" ang walang interes kong pagbati pabalik. The two is up to something. Hay naku... Binaba ni Jeric ang kanyang kamay nang mapagtanto na wala akong balak makipagkamay sa kanya.

"So, let's go" si Vlad. "Walking trip tayo para masaya"

Nagsimula silang maglakad ni Jared. Kaagad naman akong sumunod. Nasa likod ko lang naman itong si Jeric. Sumabay si Jeric sa akin nang nasa Harisson Road na kami. Hindi pa rin kami nag-iimikan.

"So, saan ka nag-aaral?" ang pagbasag ni Jeric sa katahimikan. "SLU?"

"Hindi"

"UB?"

"Hindi rin"

"UC?"

"Hindi pa rin"

"Saan nga?"

"BSU" ang simple kong tugon.

"As in Baguio Central University?" ang sunod niyang tanong. I smirked when I heard that. Napaikot na lang ako ng mga mata.

"Benguet State University" ang pagtatama ko.

"Nice University" ang komento niya.

"Thanks"

"Pareho kami ng University na pinapasukan ni Vlad" ang kwento niya.

"I see. The University with a lot of publicity stunts" ang komento ko.

Magkabilang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon