MLR1

115 5 4
                                    

Ala sais ng umaga nakatayo ako sa may waiting shed nag aabang ng FX pauwi. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Peak season nanaman, maraming irate customers. What a tiring day. Hindi pa ko masyadong sanay sa Call Center world. Fucked up schedule and sleeping pattern. Sorry for cussing but my body clock is really fucked up right now. But, I have to do this and I need to kasi kailangan.

Anna, 20, college student. I decided to work so that I could finance my studies. I'm having a serious problem right now. Mukhang maghihiwalay na yung parents ko. It's so jologs to say but I guess "wala talagang forever". Nakakalungkot, but I need to be strong. Not for them but for myself. For once, I need to prioritize myself, my future, yung ako naman. I'm getting older. Ewan pero I feel so 50 years old ngayong 20 nako. I know I have so much time ahead of me to spare pero parang nauubusan nako ng panahon.

Bigla nalang umambon. Ayan kasi enough of the drama. Nature can't handle all my issues in life. Tapos lumakas pa. Malakas na malakas na ulan. Sabi siguro ng langit I must be so unlucky. Tagulan na pala kaka summer lang tagulan nanaman. Ang bilis ng panahon. Pero bakit parang pakiramdam ko... naiiwan ako. My friends have already found their "the one". Eh, ano ako nganga. Sabi nila maganda naman daw ako, matalino. Eh, bakit parang wala namang lumalapit sakin. Siguro kasi sabi din nila I'm too intimidating. Tsss. If someone can't handle me at my worst, then no one deserves to have me at my best. Motto in life dapat!

Lumakas yung hangin at papunta na sa direksyon ko yung ulan. Wow, just wow. Basang basa ako! Napakaswerte ko naman. Tsss... Wala pa naman akong dalang payong!

Bigla nalang tumigil yung paghampas sakin ng ulan. Pagtingin ko sa harapan ko may payong ng nakaharang. Kaninong payong eh wala naman akong payong. Tiningnan ko yung mukha ng may hawak ng payong. Naka hoodie, all black pa ang theme ng outfit. Shet! Holdap ba to? Holdap ba to?! Okay kalma. Kalma. Woooh. Basta ibibigay mo lang yung bag mo. You're safe. Safe ka na. Sana hindi naman to rapist. Jusko wag naman.

Inabot ko yung bag ko sa kanya habang sinasabi na, "Huwag niyo po akong sasaktan. Please. Ito na po. Hindi po ko magsusumbong sa mga pulis. Promise!".

"What are you doing?" Ay! Taray nageenglish yung holdaper. Wow, iba na pala talaga ngayon.

"Mamang holdaper. Ahh, please kunin niyo na po to. Huwag niyo nalang po akong sasaktan. Hindi na po ako papalag."

"Are you serious?" Unti-unti niyang tinanggal yung hood niya tapos unti-unti kong nakita yung mukha niya. Ay, shet. Iba to. Iba yung feeling parang kumakabog yung dibdib ko mga 200 beats per second. Para akong nabibingi. Parang may slowmo. Astig. Ganito pala yung feeling.

"Hey! Ano tititigan mo lang bako. Ako na nga yung tumutulong napagkamalan pakong holdaper. Tsss." Oo na sorry na. Kung hindi kaba naman kasi naghood hood pa eh di sana hindi kita mapagkakamalan. Nag all black ka pa ano namang aasahan mo?

"Ah-h-hhh. Oo na. Sorry pala. And, thank you." Pabebe! Hahahaha pero okay lang wala akong masabi eh.

Bigla nalang niya akong hinatak papalapit sa kanya at... niyakap. Eto yung part na parang tumigil nalang bigla yung lahat. Yung pagpatak ng malakas na ulan. Yung ingay na dala nito. Yung mga ingay ng kotse at ng paligid. Para kaming naka-pause. At ayoko ng i-play pa... Dejk hahahaha. Sinangga niya yung tumalsik na tubig na dala ng dumaan na kotse. Yung akala mo sa palabas lang nangyayari well guess what, it can happen.

Dahan-dahan niya kong inaalis sa mahigpit na pagkakayapos. Medyo wet look kaya nung unti-unting tumambad yung mukha niya, na mala isang dangkal nalang sa mukha ko, wala akong masabi. Boom panes! Lord, nag eemote lang ako kanina tapos ito na kagad. Lakas ko sa inyo! Pwera biro he's such a nice person. I don't know bakit bigla nalang siyang nagpakita sakin 6 in the morning doing all these night and shining armory things. He must be something.

My Love RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon