// first meet

522 9 3
                                    

Kath's POV

Goodmorning SUNSHINE! Goodmorning world. Hahaha! Umaga na. (ay teh! obvious naman)

First day of classes today! Makapag ayos muna ng aking sarili. Nagpunta na ako ng bathroom at naligo na. Maaga ang klase ko eh, 7:30 am. Habang naliligo ako, magpapakilala muna ako.

Im Akira Kathryn E. Villafuerte. Currently living here at Quezon City. I'm 15 yrs. old studying at Monteclaro University. Actually public school yang Monteclaro, galing ako sa exclusive school for girls na Don Bosco Academy.

Kaya ako lumipat ay sirang sira na ang pangalan ko doon. Not totally sirang sira, may mga echoserang babae kasi ang naninira sakin dun. Mga insecure. Tss!

I'm living here with my parents. Only child lang ako kaya nasusunod lahat ng gusto ko. Hahaha. Wala eh, mayaman. Sikat ang company namin dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Magkaiba ang company ng dad and mom ko. Iyong sa daddy ko, company ng mga shoes and bags. Mapa lalake or pang babae. Yung mom ko naman is clothing line. Mga damit. Fashionista kasi si Mommy and at the same time, model din sya. Sikat sila dito at sa ibang bansa kaya pati ako sumisikat din. Minsan kasama ako sa mga interviews nila pero buti na lang hindi ako masyadong kilala. May make up and stuff kasi kapag sinasama nila.

Sa paglipat ko ng school, syempre parents ko ang nagayos lahat ng papers at documents, pinakiusapan ko yun mga teachers ko na wag sasabihin sa buong school namin kung sino at ano ako. Ayoko ng special treatment eh.

Isa din yun sa dahilan kung bakit umalis ako sa Don Bosco Academy. Masyado akong ginagawang VIP. Kahit hindi ko kailangan binibigay nila sakin kaya ang daming naiinis sakin gawa noon. Napili ko naman sa isang public school, kasi wala lang. Gusto ko naman makaranas ng iba no.

So, natapos na ko sa pagaayos ng sarili ko. 6:30 am na so nagpahatid na ko sa driver namin. Maaga akong papasok ngayon dito dahil ayoko ng attention.

Pati baka akalain nun mga students dun na nagpapasikat ako kasi nakasakay pa ko sa kotse. Nakarating naman ako sa school ng 6:45. 15 mins. lang yun byahe ko. Maaga pa, konti pa lang nun students na nandito.

Pumunta na ako sa room ko. Alam ko naman kung nasaan ito since noong vacation nun nagtransfer ako ay nilibot namin yun school. Ako pa lang magisa ang nandito. Sobrang aga ko, dahil 7:30 pa ang class namin, pero okay lang naman sakin yun.

Habang nagiintay ako sa mga classmates ko, nagbasa na lang muna ako ng wattpad. Nakakakilig kasi. Hahaha! Kahit naman ganto ako,marunong naman akong kiligin. And when I say ganto ako, means masungit. I forgot to tell you na masungit ako. Hindi ako namamansin unless kapag ikaw yun unang kumausap sakin. Matipid din akong sumagot.

Bihira ngumiti. Medyo mabilis akong mainis. Pero mabait naman ako. Yun lang mapambara at may pagka sarcastic. Hindi din ako masyadong nakikipagusap sa mga boys, kasi nga dba all girls ang school namin. Hindi ako sanay.

Unti unti ng dumadami yun mga students dito. Super out of place lang ako. Lumabas na muna ako ng room. Pinagtitinginan kasi nila ako. Pag dating nalang nung teacher tsaka ako papasok.

7:20 na sa relo ko. Ang tagal naman dumating nun. Diba dapat pag teacher maaga dumadating? Ganon kasi samin eh.

Maya maya may pumasok na yung teacher. Sigurado akong iyon ang adviser ko. Nameet ko na kasi sya nung nagtransfer ako at sinabi na din namin na lihim lang yun pagkatao ko. Makalihim naman ako parang kriminal lang. Hahahaha. Napatingin sakin yun teacher pagkapasok ko.

"Class. You have a new classmate here. She's a transferee."

Napatingin naman yun mga classmates ko sakin. Ang ayoko talaga sa lahat ay yung nasa akin ang buong atensyon.

Miss Sungit Meets Mister Yabang [KathNiel Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon