The boy who cried my Name

25.2K 649 155
                                    

PLEASE PLAY THE VIDEO AFTER READING THE STORY. THANK YOU :)

Legend:

~ ~ ← flashback

- - ← another day [no specific timetable okay. So hindi ko sasabihin kung the next day, etc. Go with the flow.]

❖ ❖ ← :)


The Boy Who Cried My Name


"Rian!"


I flinched at the sound of my name.


Tumingin ako sa kaibigan ko na tumatakbo palapit sa akin, at nang makita niya ang reaction ko, napatigil siya at kita ang lungkot sa mukha niya.


Sigh.


"Sorry.." Unsure na sabi sa akin ni Shayne nang makarating na siya dito sa lunchtable at umupo sa tabi ko.


Agad akong umiling, "Ayos lang. Hindi pa rin siguro talaga ako sanay." Tumayo na ako, "Tara na?"


Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng cafeteria.


Hindi makakawala sa akin ang tingin ng mga estudyante na nadadaanan namin. Iba't-ibang mga ekspresyon ang nakikita ko sa kanila. Alam nila kung anong meron ngayon. Hay.


Hinawakan ni Shayne ang kamay ko at pinisil ito. Tumingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng isang ngiti.


Kahit nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko dahil sa halo-halong emosyon, I smiled back.


❖ ❖ ❖ ❖ ❖ ❖ ❖


"Rian Marie Castillo, ngumiti ka naman paminsan-minsan." Bumuntong hininga na lang ako at isinakbit sa balikat ang aking bag.


"Alam mo kasi girl, ewan ko ba sayo kung bakit allergic na allergic kang ngumiti. Lalo kang gaganda, I swear!"


Inikot ko na lang ang mga mata ko at lumabas na sa kwarto. Pero hindi ko kinalimutan na tingnan ang litrato nila Mama at Papa na nasa bedside table ko, at hindi nakawala kay Shayne ang lungkot sa mga mata ko.


Tinapik niya ang likod ko, "They're looking after you."


Sinagot ko siya ng isang matipid na ngiti, at agad niyang itinaas ang kanyang kamao, "Woo!! Konting push pa at mapapangiti ko na si Rian Marie Castillo! Ye boy!"


Napailing na lang ako at bumaba na sa may living room. Binati kami ng iba naming ka-dorm at masayang binati naman sila ni Shayne pabalik.


Ako? Isang tango lang.


Sanay na naman sila eh, tsaka hindi ko sila gaanong ka-close. Si Shayne lang ang nag-iisa kong kaibigan. Ang nag-iisang taong pinapasok ko sa buhay ko, bago pa mawala sa mundo sila Mama at Papa.

The boy who cried my NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon