THE REAL FINALE

18.3K 214 7
                                    

Hi All, I'm reposting this because madaming hindi makabasa kasi nakaprivate yung dati. Nagkaron ng changes sa wattpad kaya hindi siya available. Anyways, this one is in public. 

SO... ENJOY! :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=DJ’s POV=

Huh? Too late DJ, she already left.

Huh? Too late DJ, she already left.

Huh? Too late DJ, she already left.

Paulit ulit lang sa utak ko yan bago nag-sink in.

“HA!? Ate bat mo siya pinaalis!” Pagalit ko pang sabi sa kanya.

“Kasalanan ko pa ngayon!? Eh diba ginusto mo naman to!? 

"Sorry Ate, I didn't mean to shout."

"Hindi na kinaya ni Kath, bunso, masyado na siyang nasaktan, kakahintay na matauhan ka. DJ.. Alam niya na ang totoo.”

“Huh? Ang alin?”

“Nung unang gabi pa lang na andito siya, nasabi ko na sa kanya na wala kang amnesia.”

“Ha!? Eh bakit hindi niya sinasabi sakin??”

“Dahil gusto niyang ikaw ang magsabi. Na maramdaman mong andito siya para sayo. Gusto niyang marealize mo yun.” Sabay ng pagkalungkot ng mukha ni ate.

“A-atee…”

“Inuulit ko, masyado na siyang nasaktan Daniel. At isa pa, nagselos siya sa inyo ni Ysa, akala niya may mahal ka ng iba dahil lagi kayong magkasama.”

“Sinabi nga sakin ni Ysa yun dahil lagi niya daw nakikitang nakasunod samin si Kath pero hindi mo sinabi na pinsan natin si Ysa!?”

“Hoy DJ, sinusubukan ko pero lagi niyang iniiba usapan. At wag mo kong sisihin dahil dapat ikaw ang nagsabi sa kanya in the first place. Masyado mo kasing inuna yang pride mo!”

“Ate.. Sorry..”

Kasalanan ko naman talaga.

Sana sinabi ko na kagabi pa.

I’m already late. TOO LATE.

She left me and this is all my fault.

Another Chance Just for Love (Book 2) : "Last Chance"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon