Eroplanong Papel

72 1 2
                                    

Author's note:

Actually ginawa ko to para sa Buwan ng Wika namin (kwentong dagli),  pero yung una ay ginawa kong draft kasi mahaba ;_; Story of Evil naman yun. Eto minadali ko kahapon kaya *tenen* Paper Planes na XD Ewan ko, basahin niyo na lang ;_;

/sorry, wala akong alam sa Wattpad (sa pagpublish) so expect derpiness at my work >.>

-

RIN’S POV

Tumakbo ako palabas ng ospital, iniwasang makita ako ng mga nagbabantay sa akin. Umaasa akong makikita ka muli pagdating sa tagpuan natin. Ano kaya ang ikekwento mo sa akin? Sana isa itong mabuting balita, dahil kung hindi; baka hindi ko na makayanan.

Eksakto, sa kabilang bakod ay nakikita kitang masayang tumatakbo at kumakaway sa akin.

“Rin! Mabuti at nakapunta ka dito.” Ngumiti lang ako at kinuha ko ang dala kong panulat at papel, nagsulat ako at tinupi ito ng katulad sa eroplano. Pinalipad ko ito patungo sa kanya.

Oo, wala kasi ang mga nagbabantay sa akin eh, kaya tumupad ako sa pinag-usapan natin.” Umupo ako sa damuhan at naghihintay ng tugon niya. Hindi nagtagal ay ibinalik niya muli sa akin ang papel.

Bumubuti na ba ang lagay mo?

“Oo naman, wag ka ng mag-alala. Ayos lang ako.” Naubo ako pero ipinadala ko parin ang mensahe ko sa kanya.

“Hindi eh! Wag ka namang magsinungaling sa akin.” Ibinalik niya sa akin ang papel na may lungkot sa kanyang mukha.

“Len… May aaminin ako sa iyo.”Ang tanging naisulat ko. Binasa niya ito ng may kaba sa muhka.

Ano iyon?

Huminga muna ako ng malalim at pinagpatuloy ko ang nais kong sabihin.

“Siguro, ito na lang ang huli nating pagkikita.”

Labis ang pagkagulat sa mukha ni Len nang binasa niya ang sinulat ko.

“Bakit?” Nag-aalangan man akong sabihin ay itinuloy ko na rin.

“Ang sabi ng mga doktor, bilang na ang mga araw ang aking itatagal.”

Kasabay ng pagtangay ng hangin sa eroplanong papel, ay ang pagbagsak ng aking mga luha.Nagulat na lamang ako nang tangkaing wasakin niya ang mga kableng nagpapahiwalay sa amin, ngunit hindi niya ito maalis bagkus nasaktan lamang siya; sa pisikal at emosyonal. Nakita ko na lamang na dumugo ang kanyang mga kamay sa malatinik na kableng ito.

“Hindi maaari iyon!” Sigaw niya habang tuloy-tuloy ang paghagulgol niya. Nagsulat na lamang ako sa papel at ipinakita ito sa kanya.

“Itigil mo na iyan! Masasaktan ka lang. Pasensya na Len.” Tatakbo na sana ako ngunit sumigaw siya na mas lalong nakapagpabigat sa puso ko.

“Hihintayin kita, Rin, kahit habangbuhay pa ako maghihintay. Pangako ko sa iyo, hinding hindi ko iwawala itong mga liham mo. Maghihintay parin ako sa iyo…”

-

Maraming mga tubo ang ikinokonekta sa katawan ko. Pahina na rin ng pahina ang pandinig ko at tuluyan na akong hindi makapaglakad at magsalita. Ano na kaya ang nangyari sa iyo? Sana, nasa mabuti kang lagay. Habang binabasa ko ang mga liham mong pinalipad mo sa ere, biglang dumating si Papa at nahuli ang ating komunikasyon noon. Labis ang galit sa kanyang muhka nang malaman niyang sa iyo ito nangaling. Hindi ko lamang maintindihan kung bakit galit siya sa iyo. Wala ka naming ginawang mali hindi ba? Patuloy lang ang pagsigaw ni Papa sa akin; wala ring kwenta sapagkat hindi ko lamang ito maririnig. Hindi ko man marinig, ay naluluha na lamang ako, dahil nararamdaman ko ang galit sa bawat salita niya. Nagulat ako nang pinunit niya ang mga liham mo. Nagsulat si Papa sa isang blankong papel na siyang nakapagpakirot sa dibdib ko.

“MAMAMATAY NA SIYA MAMAYA. PINAPAHIRAPAN NA SIYA NG MGA KAWAL. HINDI KO MAINTINDIHAN SA IYO KUNG BAKIT KA NAKIKIPAGKAIBIGAN SA KANYA, ISANG HAMAK NA BILANGGO LANG SIYA.”

Hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi ni Papa, pero bakit naman siya gagawa ng storya na syang ikasasama ng kalagayan ko?

-

Iilang buwan na ang lumipas. Ang tanging mga liham mo na lamang ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay, kaya lang pinunit ni Papa ang ilan sa mga sulat mo at ang mga natira ay hindi ko na mababasa. Gusto kong malaman, kung kakamustahin mo ako dito, sa madilim na silid na ito. Malapit na akong kunin ng Itaas… Kaya, ang huli kong kahilingan sa Kanya, na makita ka muli… Ikaw na ngumingiti sa kung saan ka man naroroon… Gusto kong makita ka muli…

Naaninag ko na lamang si Papa na tarantang nakikipag-usap sa mga doktor at mga nars. Ano na ba ang nangyayari? Sinilip ko ang makina, pabagsak na ang linya. Nandilim na lang ang paningin ko. Kung ito na ang katapusan, sana, hayaan mong pumunta ako kung nasaan ka man.

-

Nagising na lamang ako, wala na ang kwartong balakid sa atin. Nandito ako sa may tagpuan natin. Pero, parang may iba… Wala na ang mga kableng nagpapahiwalay sa atin. Ang tawag siguro dito ay paraiso… Wala na ang sakit ko, wala na ang mga nagbabantay sa akin, wala na ang mga tubo, wala na ang mga masasakit na alaala. Tanging nandito ay ang ating tagpuan, at ang mga masasaya nating mga sandali. Natatanaw ko na lamang na masaya kang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Sa wakas… Nakita uli kita.

“Hindi na tayo magkakahiwalay, diba?” Bungad kong tanong sa iyo. Niyakap mo ako ng napakahigpit.

“Hindi na.”

~Wakas~

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now