Chapter 2- Heck No!

3.7K 84 1
                                    

"Marami tayong pag-uusapan, RJ." sabi ng Presidente sabay harap sa kanya. Revealing the most handsome, most arrogant and the one she loved 3 years before.

Her ex-fiancée.

Kumurap-kurap pa siya para lang mapatunayan na hindi siya namamalik-mata. At kinurot pa niya ang sarili sa pag-aakalang nananaginip pa siya ngunit nasaktan lang siya. So, siya nga ang nasa harap ko. Sa isip-isip niya. Naiyukom niya ang kamay niya. Hindi ito maaari.

"Wala tayong pag-uusapan Mr. President." buong tapang na sabi niya dito. Taas noo pa siyang tumingin dito. Pinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya titiklop once na magkita ulit sila ng landas. Tatalikod na sana siya dito nang bigla itong magsalita. "Alam mong ayaw kong tinatalikuran ako Engr. Cruz." nasa himig nito ang galit. Natatakot siya pag ganun ang tono nito, pero dahil na rin sa nangyari noon tuluyan na siyang umalis sa opisina nito.

Paglabas niya ng opisina nito ay hindi inya napansin na may tumutulo nang mainit na likido sa kanyang mata. Damn this eyes and this tears. Kahit kailan talaga traydor ang luha niya pagdating sa lalaking iyon. Mabuti na lang at nakikipagdaldalan si Xeena sa ibang kasamahan nito noong lumabas siya, kung hindi ay anong masabi nito.

Nasira ang momento niya nang narinig niyang nagtatanong ang Acting President sa sekretarya nito kung nasaan na siya. Nanlaki ang mata niya. Sht! No effin' way! Hindi niya dapat ako maabutan! Natataranta na siya. Hanggang ngayon kasi ayaw pa rin bumukas ng elevator. Kung maghagdan kaya ako? Napaisip siya. 86th floor na ang elevator according sa indicator bali dalawang floor na lang. Kung magha-hagdan siya ay aabutin sya ng siyam-siyam at mapapagod pa siya. Kaya pinili na lang niya ang maghintay. Bilisan mo!

Bigla siyang kinabahan. After 3 and a half years ng nangyari...

No Rhias. Ilabas mo ang bagong 'ikaw'. You're strong baby... pagpapatapang niya sa sarili.

Pagbukas ng elevator ay agad siyang pumasok dito. Pinindot niya ng pinindot ang 'close button' para lang makaalis na siya agad sa floor nito. Nakita pa siya nito at nagtangkang habulin siya pero bigo ito. Nakahinga siya ng maluwag.

Pakiwari niya'y hindi magiging madali para sa kanya ang mga susunod na araw.

×-----*****-----×

"ANO?" gulat na tanong ng bestfriend ni Rhias na si Jan Mikael o mas kilalang JM ng buong Engineering Department ng Harris Energy. Pero dahil bestfriend niya ito, 'Sweety' ang tawag niya dito. Kaya lang ang ibang colleagues nila ay 'couple' ang tingin sa kanilang dalawa. Hindi kasi sila mapaghiwalay na dalawa kapag nasa canteen na sila o kaya free time. Marami rin kasing umaaya sa kanyang ibang lalaki pero mas pinipili niyang sumama kay JM. Si JM kasi alam nito ang lahat sa kanya, lalo na ang masaklap na nakaraan ko.

At hindi sila talo! No HARD FEELINGS involve.

"JM! Pakihinaan mo nga 'yang boses mo. Nakakahiya." saway niya dito sabay subo ng Adobong sitaw. Ay... Heaven!

"Sorry naman Tart." Since Sweety ang tawag niya dito, nag-isip din ito ng itatawag sa kanya, at sa lahat ng mapipili nito 'Tart' pa. Nung una nainis siya pero 'di naglaon ay nakasanayan niya na rin ang pagtawag nito sa kanya ng ganoon. "Nagulat lang ako. Akala ko magkapangalan lang sila, pero hindi ko akalain na siya pala talaga yun."

Uminom siya ng apple juice nang mapagtanto niya ang huling sinabi nito. Tumingin siya ng masama dito. "Anong ibig mong sabihin?"

Sumubo muna ito ng kanin bago sumagot. "Kasi nagpunta siya dito last time, tsine-check kung ayos lang tayo at saka magpapakilala na rin siya ng pormal." sabi nito.

My Boss is My Ex-Fiancé (Pocketbook Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon