ABD 01

41 1 1
                                    

[ 01 ]

VANESSA

"You. Are. So. LATE!" 

Yan lang naman ang naging pabungad sa akin ni Bebs ng makarating ako sa meeting place na pinakagkasunduan naming dalawa.

"Ang sabi ko magkikita tayong dalawa dito sa may tapat ng 7/11 at exatcly three PM, diba? Anong oras na, Nesh?"

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. "Four PM na?! Ang bilis naman ng - "

"Vanessa Mae Gimeno," tawag niya sa buong pangalan ko. She said it while gritting her teeth. "Ang oras hindi yan nagfa-fast forward, okay?" pambabara niya sa akin.

Hala?

Bakit ba ang init ng dugo ng best friend ko?

Hindi naman ganito kaikli ang pasensya niya tuwing nale-late ako noon, a? "Sorry na, Bebs! May tinulungan lang naman akong matanda - "

"Sino bang nagsabi sayong magpaka super woman ka at tulungan mo lahat ng taong nakapaligid sa yo?"

Sino nga ba?

Anak ng kalabaw naman, o! 

Ano ba namang klaseng tanong yun?

Masama bang mag magandang loob?

"Sabi sa Hebrews, Chapter 13, verse 16... Do not neglect to do good and to share what you have, for such sacrifices are pleasing to God!" pag dedepensa ko sa sarili ko gamit ang isang quote mula sa bible.

Sa sobrang holy ng sinabi ko pati siya napa holy silence.

"Bebs!" tawag ko saka ko siya siniko sa tagiliran niya.

"Ano?!" 

"Anong 'ano' ?! Ano ba kasing problema mo? Hindi ka naman ganito magtampo kung nale late ako, a!"

At sa muling pagkakataon, hindi nanaman niya ako inimikan.

Bakit ba kasi sumasabay ang mood niya sa global warming? 

"Okay ka lang ba, ha? Nag-away ba kayo ng labidabs mo?" pang-aasar ko sa single kong best friend.

"UHHG!" biglang ungol nito saka pinungot pungot pa ang buhok niya. "Nesh, hindi tayo nagkita para pagkwentuhan ang LOVE, LOVE, LOVE na yan, okay?!"

Okay... Siya na ang umuugaling ampalaya.

"Ser," biglang singit ng mamang guard ng 7/11 ng makalapit ito sa aming dalawa ni Bebs.

Tama ba yung narinig ko at nakita ko?

Binanggit niya yung salitang 'ser' habang nakatingin sa akin?

"Baka pwedeng pag-usapan niyong dalawa yang problema niyo sa ibang lugar. Medyo nakakaistorbo kasi kayo ng girlfriend mo sa mga customers namin."

"Girlfriend?" pag-uulit ko sa sinabi nito.

Nag jojoke ba siya?

Pero mas lalo akong nagulat sa sumunod na sinabi ng guard.

"Ah... E, Misis?"

Napamaywang ako. "Mi-misis?!" 

Bulag ba to o sadyang mapanghusga lang?

May gusto ba siyang palabasing hindi maganda?

"Excuse me?" mataray na sabat ni Bebs. "FYI, hindi pa po ako misis. And one more thing you should know... hinding hindi po ako magiging MISIS ng BABAENG to!"

A Beautiful DistractionWhere stories live. Discover now