Uy, Brian (One Shot)

2.6K 120 47
                                    

Uy, Brian.


Alam mo ba? Ang dami nang pinagbago mula noong iniwan ... noong iniwan kita. 

Sabi mo nga noong araw na 'yun,"Kung iiwan mo ako, ayos lang. Ang inaalala ko lang, ikaw. Paano ka na ngayon? Matututo ka kayang mabuhay ng walang ako na tutulong sa'yo?"

Pero kahit na ganun ang sinabi mo, alam mo ... noon lang kitang nakitang sobrang lungkot. Pagkatalikod ko sa'yo noon, lumingon ako. Nakita mo ba? Ako, napansin kita. At nakita kang sinusuntok ang posteng malapit sa kinatatayuan mo. May basang tumutulo sa pisngi mo.

'Wag mo nang ikailang ulan 'yun. Oo nga't umuulan noon, pero nasa silungan ka kaya noon. Bry, umiyak ka noon, di'ba?


Alam mo bang ... umiyak din ako noon?

Ewan ko kung bakit. Desisyon ko naman ang iwan ka para kay Max eh. Pero pagkakita ko sa'yo ... bigla na lang sumulpot ang luha sa mata ko. 

Malay ko bang ang ibig sabihin noon, mahal pa rin kita?


Si Max, sobrang bait n'ya, Bry. Oo nga. Mas gwapo, mas talentado, mas mayaman s'ya sa'yo. Pero ... ibang-iba pala 'yung ikaw.

Two months into our relationship, and I found myself bored. Diba dapat mas in love kapag mas tumatagal? Pero ako, nabored kay Max. Bigla na lang akong nanlamig. Na-infatuation lang ata ako, Bry. 


Isang moment noon, noong December, nasa McDonald's kami, kumakain. Nagpapatawa noon si Max at pinipilit kong ngumiti man lang kahit na sa isip ko, gustung-gusto ko nang umuwi. 

Nagkunwari akong naka-receive ng text mula sa nanay ko na pinapauwi na ako. Nag-oblige naman si Max at hinatid ako pauwi. Kaso sa sidewalk, natapilok ako. Ang sakit noon, sobra.

Bry, mahirap pa ring makasanayan itong prosthetic na leg na 'to.

Si Max? Kahit na kitang-kita sa mata kong hirap na hirap ako at sobrang sakit, pinaakbay lang n'ya ako sa kanya. 'Yun lang, hanggang makauwi ako.

Ewan, bigla na lang kitang naalala noon, kahit na sobrang sakit noong paa ko. Ikaw kasi, kapag sumasakit 'yung matino kong paa o nadisgrasya ako, papasanin ako. Kahit sabi mo, sing-bigat ako ng tatlong sako ng bigas, binubuhat mo pa rin ako. Kahit na pagod na pagod ka na galing sa praktis ng basketball, pinapasan mo pa rin ako pauwi.


Pasensya na nga pala, ha? Kasi iisa lang ang binti ko at nahirapan ka sakin. Alam mo namang naaksidente kaming pamilya noong bata pa ako, diba? 'Yung pumailalim 'yung dalawang paa ko sa kotse namin. Buti nga at naisalba pa 'yung isa kong paa eh. Pero 'yung isa, bye-bye ...

Sensitibo ako sa topic na 'yun, Bry. Kasi parang sobrang imperfect ko kapag pinag-uusapan 'yung nawawala kong binti. Oo nga't wala nang ibang nasaktan sa pamilya ko bukod sakin noon, pero sobrang halaga sakin ng paa ko eh. Dati akong mahilig magsayaw, Bry. Nakita mo naman ako noong sinubukan ko noong cheerdance di'ba? Pero wala eh. 'Di ako natanggap. May kulang daw sakin eh.


All this time, ikaw lang pala 'yung tumanggap sakin, Brian. Pero akala ko talaga noon, mas okay si Max. Siguro, nabulag lang ako. Inakalang s'ya na 'yung prince charming ko, samantalang s'ya lang pala 'yung payaso. 'Yung prince charming ko pala, 'yun pa ang tinaboy ko.

Bry, noong nakita kita habang magkasama kami ni Max ... parang gusto kong tumakbo pabalik sa'yo. Oo, 'di ko kayang tumakbo dahil sa kondisyon ko, pero sa isip ko, nakikita kong ginagawa ko 'yun. Sa isip ko nga lang.

Gusto kitang yakapin ulit. Gustong sabihing, mahal na mahal pa rin kita. Pero 'di ko ginawa. Kumapit lang ako sa kamay ni Max habang nakatingin sa'yo. Na nakatingin din sakin, pero nakangiti. Nakangiti ng pilit. 

Uy, Brian (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon