American Love (American Rain sequel)

733 33 14
                                    

{ Here's the American Rain sequel and I hope hindi kayo ma-disappoint sa akin, mga readers. Don't expect too much na lang :) Sa taong nagsabi sa akin na I should write this sequel, I'm dedicating this chapter to you. @morningskies, this one is for you! I hope you like it! Sa iba, don't forget to write your comments below. Let me know what you think ;) Thank you so much -- Gretell }

mickey, should I talk to her?

That was it. The letter just gave me the simplest question yet, the hardest one to answer. I mean, simpleng 'oo' at 'hindi' lang ang isasagot ko pero feeling ko nabitin ako sa tanong nya. Medyo matagal-tagal ko rin tinitigan yung papel na iyon sa kamay ko kagabi, nonetheless, sesendan ko rin sya ng simpleng 'yes' sa tanong nya. Confronting a feeling or an opinion is still the best thing to do rather than keeping it all to yourself.

My watch read 6:03 AM.

Medyo nagpupunga-pungas pa ako kahit na nasa biyahe na ako papuntang school. Kahit na medyo malakas pa rin ang ulan hanggang ngayon, kelangan ko nang maging maaga sa school kasi: Una, ilalagay ko ang reply ni Mickey sa may drawer. Second, ayaw ako ni Tita Adelaid na nasa bahay. Imbes na may tirahan ako na pinaglulugaran, ang step mom ko na mismo ang nagpapaalis sa akin sa bahay. Hindi naman ako makareklamo kasi kung hindi dahil sa kanila, malamang wala na ako sa mundong ito. Iniisip ko na lang na utang na loob ko ito kay daddy sa pag-ampon sa akin.

"Manong Fred!" bati ko kay kuya guard na nakabantay na kaagad sa gate. Nakabusangot pa ito at halatang inaantok pa rin, "Good morning!" bati ko dito. Tumango lang ito saka ako nginitian. Pinapasok na rin ako kaagad ni kuya.

Madilim pa ang mga hallways ng school grounds. Pero una ko kaagad na pinuntahan eh yung office ng The Pen kasi dun malapit yung drawer ni Hidden Mickey. Nilabas ko kaagad yung susi sa bulsa ko at binuksan na yung drawer. Laking gulat ko na lang nang may makita akong isang tuyong bulaklak ng Tulips sa drawer. Nakakahinayang naman at doon inilagay sa loob. Paborito ko pa naman ang mga ito.

Inipit ko na mismo yung bulaklak sa notebook ko tapos itinapon ko naman yung stem sa basurahan. As much as possible, kelangan hindi mahalata. Baka kasi makita ako na may bitbit na bulaklak nung taong nagbigay nun kay Mickey. Ibinalik ko na rin yung reply ko sa drawer para makuha narin ng tagabigay yung sagot ko.

KABLAAG!

Nakakapangilabot na ingay ang narinig ko mula sa labas. Lalo pang lumakas yung ulan at sunod-sunod nitong pag-kidlat. Mukhang may bagyo na nga, tsk, ba't ba hindi kasi ako nanunuod ng balita?

Bumaba ulit ako para puntahan si Manong Fred sa may gate. "Manong Fred!" sigaw ko sa pangalan nya. Agad naman akong nilingon ni kuya, "May pasok ba?"

"Di ko alam! Ika-cancel yata ng DepEd ang klase ngayon, hija!" sagot naman nito. Napatango na lang ako at sumilong doon sa may bubong. "Umuwi ka na, America. Baka hinahanap ka na sa inyo," dugtong ni Manong Fred.

Gusto ko sanang matawa sa sinabi ni kuya. Sus, hinahanap ako? Maging puti muna ang uwak bago ako hanapin ni Tita Adelaid, kuya. "Hintayin ko na muna humina ang ulan... Hindi ako makakalabas school kapag ganito kalabas ang ulan," sabi ko. Saka isa pa, mas gusto ko na munang mag-stay dito kesa naman sa bahay na puro panlalait lang ang naririnig ko. Who says my life is perfect?

"Kuya, dun muna ako sa office ng The Pen ha," paalam ko kay Manong Fred.

Tumango ito, "Kapag may kelangan ka, hanapin mo lang ako dito sa ibaba." sabi niya. Nginitian ko na lang si kuya saka nagmadaling umakyat papuntang office.

Sinalubong ako nang malamig na hangin at ng pakiramdam ng pag-iisa nang pumasok ako sa silid. Ito sa tingin ko ang kelangan ko, ang alone time para sa sarili ko. Napaupo ako sadesk ko saka napayuko. Itutulog ko muna saglit ito.

American Love (American Rain sequel)Where stories live. Discover now