Panagutan Mo 'Ko! *9*

43.1K 853 103
                                    

Panagutan Mo 'Ko! *9*


"Nay, bakit niyo naman po sinabihan pa 'yung bakla na 'yun na bumisita uli rito sa 'tin?" Medyo inis at kunot-noo kong sabi kay Nanay habang papasok na kami ng bahay. Kasi naman, ayoko nang tatapak pa ulit 'yung baklang bakulaw na 'yun dito sa bahay namin. Nabwibwisit talaga ako sa kanya, at kung makikita ko pa siya uli, masisira na naman ang araw ko. Sa tuwing nakikita ko pa naman siya, isa siyang malaking paalala nang katangahan ko.

"Bakit naman? 'Tsaka anak may pangalan 'yung tao. Huwag mo siya tawaging ganyan at hindi ba kaibigan mo siya?" sagot naman ni Nanay.

"Ayoko po sa kanya. Masyadong feeling close. Parang isang beses pa lang kaming nagkita," at sa isang beses na 'yun may nangyari pang 'di maganda! Bwisit talaga! "Kung makaasta akala mo matagal nang kakilala. Feeling bestfriend agad kay Cherry. Tapos feeling anak naman siya sa inyo," dagdag ko pa. Feeling naman talaga siya 'di ba?

"Naku, nagseselos ata ang anak ko," hirit ni Nanay sa 'kin. Niyakap niya pa 'ko sa may braso at hinalikhalikan sa gilid ng ulo ko.

"Nay, hindi po 'ko nagseselos. Ako magseselos sa bak-, sa Brenda na 'yun?"

"Huwag ka mag-alala 'nak, ikaw lang naman ang nag-iisa kong unica hija. Naaliw lang talaga ako kay Brenda, kasi naman ang daldal, ang daming kwento at ang sarap kausap. Tapos sabi niya sa 'kin, isasama raw niya ko mag-mall, tapos magpa-spa raw kami, kasi mukha na raw akong.. Ano nga ba 'yung sinabi niya?" nag-isip pa saglit si Nanay. Nakatingin pa nga siya sa taas. "Hag.. haggard ata 'yun. Kailangan ko rin daw mag-relax. O, 'di ba ang bait niya?"

"At naniwala naman po kayo sa kanya? Papadaan kayo sa suhol niya? Naku, ayokong malalaman na sumama kayo sa kanya ha." Ano ba naman kasi 'yung ginagawa niya? Dadaanin niya sa yaman si Nanay? Kanya na 'yung pang-shopping at pang-spa niya! Pwede naman kaming mag-relax na dalawa ni Nanay. Bakit magmo-mall pa? Andyan naman ang Divisoria at kahit isang libo lang ang dala naming pera, marami na kaming mabibili. Bakit magpapa-spa pa? Andyan naman si Manang Rosa na manghihilot. Pwede ka na magpamasahe, may kasama pang ventosa. Na-relax ka na, natanggal pa lahat ng lamig mo sa katawan.

"Bakit naman? Sayang naman 'yun at bakit mo naman nasabing suhol 'yun anak? Wala naman siyang hininging kapalit."

"Basta Nay, huwag kayong sasama sa kanya. Ayoko po." Pero nginitian lang ako ni Nanay. Anong klaseng sagot 'yun?

****

"Kasalanan mo talaga Che." Nasa library kami ngayon at sa halip na nagre-review ako si Nanay at 'yung pagkagiliw niya kay Brenda ang naiisip ko. Kasi naman 'tong si Cherry pahamak talaga. Kung hindi niya itinuro kay Brenda 'yung bahay namin eh 'di sana hindi siya nakilala ni Nanay.

"O! Ano na namang ginawa ko?" Nagtaka pa siya.

"Yan, basahin mo." Itinapat ko sa mukha niya 'yung cellphone ko at ipinabasa ko sa kanya 'yung text ni Nanay.

"Ang daya! Ba't sila lang?! Hindi tayo sinama!" Nainggit pa!

"Wow.. Ang ganda ng reaction mo Che ha. Nakuha mo pa talagang mainggit?" Samantalang ako namromroblema.

"Eh nakakainggit naman talaga. Imagine habang nandito tayo sa school at nagsusunog ng kilay, si Tita at si Beshy nagbo-bonding. Magsho-shopping sila tapos may spa pa. Huwag na kaya akong pumasok at sumunod ako sa kanila sa mall? Baka makalibre din ako ng shopping!" Nanlalaki pa ang mga mata ni Cherry sa excitement at ngiting-ngiti. Kapag usapang libre talaga 'yan, hindi pahuhuli.

"Magtigil ka Che. May long quiz mamaya tapos aabsent ka, makalibre lang? 'Tsaka hindi ako natutuwa na kasama ni Nanay ngayon si Brenda. Mas lalo silang nagiging close. Paano ko pa ipagtatabuyan palayo si Brenda kung ganyan siya kadikit sa nanay ko?!" Simula kasi nang mapunta sa bahay si Brenda, sinunod-sunod na niya. Hindi niya 'ko pinupuntahan dito sa school, pero sa bahay naman inaraw-araw niya ang punta at kung ano-ano pang pagkain na galing sa restaurant niya ang bitbit niya. Minsan naman dinaratnan kong magkasama sila ni Nanay sa kusina at nagluluto.

Panagutan Mo 'Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon