One.

42.6K 335 23
                                    

"Sir, we'll go ahead."

"Sure."

The door closed and the eerie and cold silence once again took place.

"Uhh...sir---"

"I'm busy."

Itinikom muli ni Christal ang kaniyang bibig.

For the nth time, binara na naman siya ng boss niya. Kanina pa siya kating-kati na sapakin ito kung hindi lang niya boss ang pinaguusapan dito.

Napabuntong hininga siya at tinitigan ito habang nagta-type ng kung ano sa laptop nito.

Hindi niya alam kung bakit siya pinatawag dito. Hindi niya rin alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring pinagagawa sa kaniya ang boss niya. Was it because she did something really bad? But if that's the case, bakit hindi pa rin siya pinagagalitan, sinesermunan o kaya naman ay sinesesante? Uhh, hindi naman siguro ganu'n kasama na sesantihin pa siya. Parang masyado naman yatang hard kung ganoon nga ang mangyayari sa kaniya.

Saka isa pa, wala naman siyang natatandaan na ginawa niya o sinabi niya na pwedeng maging dahilan ng pagpapatawag sa kaniya rito.

She sighed again, for more than a hundred a time.

She look at her wristwatch and saw that it's almost seven in the evening. Kaya naman pala nag-alisan at nagsipaalam na ang mga empleyado dahil masyado nang gabi.

She's working at one of the most successful company handled by her boss, Jake Evans, who's one of the most sought-after bachelor in the country. He got the looks, the money, the ability to run more than 10 companies. He got it all! He's also witty, he stood 6'2, broad shoulders, luscious pink lips, roman nose, sexy eyes.

"Christal, stop staring at me. That's rude." halos mapatalon pa siya nang magsalita ito.

Parang namula naman ang mukha niya nang maintindihan kung ano ang sinabi nito.

Napatitig na pala siya rito nang hindi niya namamalayan. Bakit ba kasi nakakatulala ang kagwapuhan ng boss niya? Teka, diba nasa laptop ang atensiyon nito? How did he knew that she was staring at him? At inamin niya pa talaga sa sarili niya na tinititigan nga niya ito.

"Uhh, sir," mula sa laptop nito ay umangat ang tingin nito sa kaniya, at last.

"What?" parang iritableng sagot nito.

Parang naumid naman ang dila niya. He really got those powerful eyes na nakakapagpahinto sa kaniya sa pagpapasalita everytime she looks at it. It's so deep and mysterious and so...inviting.

She cleared her throat at nag-iwas ng tingin.

"Are you blushing?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at napalipad muli ang tingin niya rito.

Boss, I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon