Chapter 3.5

4.3K 53 12
                                    

"A-ahh.. k-kasi..."

"May ipinadala kasi si Binibing Catalina sa akin na isang liham ng pasasalamat sa pagligtas ko sa kanya kahapon."Paliwanag ko.

Kailangan swabe lang. Para di mahalata na nagsisinungaling. Mukhang di kasi marunong magsinungaling si Catalina eh.

"Ganoon 'ba? Mabuti pa at pumunta na kayo sa hapag kainan at doon hintayin si Francisco" magiliw na sabi ni Donya Victorina.

Dito pala kay Donya Victorina nagmana si Catalina. Parehas silang masayahin.

Sumimangot naman si Catalina pagkabanggit ni Donya Victorina kay Don Francisco. Galit ba siya sa Ama niya? Binasa ko kasi yung libro tungkol sa mga Montreal. Nakalagay na malapit sa isa't isa si Catalina at Don Francisco.

Bakit kaya mukhang nagtatampo siya?

"Oh, Nandito ka na pala, Ginoong Nathaniel!"bati ni Don Francisco sa akin. Mukhang kakadating lang niya, may mga bitbit din siyang mga prutas.

"Magandang umaga po, Don Francisco"bati ko.

"Magandang umaga din, Maraming salamat din pala sa ginawa mo kahapon para sa amin ng anak ko. Napaka tapang mo, Ginoong Nathaniel. Yan ang tipo ng mga manugang na gusto ko para sa anak ko!"biro ni Don Francisco.

Namula naman bigla si Catalina. "Ama! Hindi ka dapat nagsasabi ng ganoong bagay, nakakahiya. Baka maniwala ang... Ginoo"mataray na sabi niya.

Tumawa na lang kami. Hahahaha. Kakaiba siyang mainis, nakakatuwa siyang pagmasdan.

"Halika na, maupo na kayo sa hapag kainan. Habang hinahanda ko ang niluto ko para sa inyo" sambit ni Donya Victorina at kinuha ang prutas na dala ni Don Francisco.

Pagkaupo ni Catalina ay inabot ni Don Francisco ang pasalubong niya. Pang-ipit sa buhok ata yon? "Sigurado akong matutuwa ka diyan anak, alam kong mahilig ka sa mga ganyan."

Kinuha naman ni Catalina. "Salamat po, ama. Maganda nga po ito."matipid na sabi ni Catalina.

Halatang nagtatampo pa si Binibining Catalina. Sa tono ng pananalita at kilos pa lang halatang halata na.

"Ah, Ginoong Nathaniel. Saang pamilya ka nga ule galing? Nakakapagtaka lang na pareho ka pa namin ng apilyedo?"paguusisa ni Don Francisco.

"Sa bayan po ng San Antonio sa Nueva Ecija po. Ang pamilya ko ay mayroong sariling sakahan. Ngunit dahil sa pagkakaroon ng kompetensiya sa negosyo ay namatay na ang aking Ama at ang Ina ko naman ay namatay sa sobrang kalungkutan"

Parang nabigla naman ang lahat sa kwento ni Jeaus. Medyo may katotohanan naman yon kahit papaano sa isip isip ni Jeaus.

Nagmistulang negosyo ng mga Pilipino ang Pilipinas at nalugi nila ang bansa kaya unti unting namatay at nawala ang pagiging Pilipino sa bansa natin.

Katulad ng papa ni Jeaus na namatay dahil sinusubok lumaban sa naluging pilipinas.

Pero ditto sa negosyong pinasukan ko.. hinding hindi ko pwedeng hayaan na malugi ako.

Ang puhunan ko ay ang buhay ng tatlong Montreal na kaharap ko ngayon.

Don Francisco, Donya Victorina at Catalina...

Dapat pala hindi ko na ilapit yung sarili ko kay Catalina. Kahit ano namang mangyari dadating din yung araw na papatayin ko sila. Hindi ko dapat kalimutan na sila ang dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas. Sa kanila nagmula si Presidente Albert Montreal.

Kailangan matigil ang kapalaran.

Kailangan mabago ang kapalaran ng mga taong namatay dahil sa kanila. At sa mga anak at apo ni Catalina magsisimula 'yon.

Gusto kong bigyan ng iba at bagong buhay sila Mama, Papa, Heneral Martinez at iba pa.

"Oh! Iho? Ayos ka lang ba?"tanong ni Don Francisco.

Hindi ko namamalayan na nabasag na pala ang basong hawak ko sa higpit ng hawak ko. Nadala kasi ako kanina pa ako nag-iisip.

Tumayo si Catalina at lumapit sa akin. "Ginoong Nathaniel! Ayos ka lang ba?"sambit niya at agad na hinawakan ang kamay ko. Kumuha siya ng panyo at tinapal sa palad ko at binuhol yon.

Agad kong kinuha ang kamay ko. "W-wala namang malalim na sugat.. Galos lang"

Umiwas ako ng tingin. "M-mauuna na ho ako, P-pasensya na ngunit biglang sumama ang pakiramdam ko.."

"Tatawag muna kami ng mangagamot, Ginoong Nathaniel"nag-aalalang sabi ni Donya Victorina.

"H-hindi na po kailangan..."

Bigla akong tumayo. "Ah! Catalina, mabuti pa at imbitahan mo na lang si Ginoong Nathaniel sa iyong kaarawan sa susunod na linggo."

Nahihiyang tumingin sa akin si Catalina. "M-maari ka bang dumalo sa kaarawan ko?"tanong niya.

Ngumiti at tumango na lang ako.

Sisiguraduhin ko na yon na ang magiging huling kaarawan mo at huling araw ng mga magulang mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TADHANAWhere stories live. Discover now