PROLOGUE

6.6K 150 36
                                    

"KAIBIGAN, kasama ka na ba namin sa mga oras na 'to?" tanong ng pinakamatanda sa grupo na si Arn.

Kasalukuyang magkakahawak kamay at nakabilog ang lahat ng miyembro ng Student Artiste Society o mas kilalang St.Ar.S. sa malaking terrace ng Villa Dominga Resort. Ang isa sa pinakamagandang resort sa Cavite. Sinisimulan ang ika nga'y ritwal na pagtanggap sa mga bagong miyembro ng organisasyon. Ang official theater organization ng Cavite State Univsersity, kung saan pare-pareho silang nag-aaral.

"Kaibigan, nais kang makilala ng mga bagong miyembro ng ating organization," dugtong ni Urie, na isa sa mga senior company.

Senior company ang tawag sa mga orihinal na miyembro o mga taong bumuo ng StArS.

Ayon sa mga ito, si Kaibigan ay isa sa mga bumuo ng organisasyon. Sa kabila ng napakapangit na hitsura nito ay napakamasayahin naman ni Kaibigan. Kaya nagulat na lang ang lahat nang makita ang bangkay nito isang araw sa labas ng Office of Student Affair ng University. Ang balita sa buong university ay nagpakamatay  ito. Tatlong taon na ang nakakalipas buhat nang mangyari iyon, at ngayon, sa muling pagbuo nina Urie ng StArS, naniniwala sila na hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa ni Kaibigan. Dahil nais pa rin nito'ng makilala ang lahat ng magiging bahagi ng organisasyon.

"Kaibigan, nasaan ka na?"

Isang malamig na hangin ang tila umihip sa mga batok nila. Nila? Sino nga ba sila na magkakasama ngayong gabi? Nasa beinte yata sila lahat na bumubuo  ngayon ng isang malaking bilog. Labing isa ang lahat ng senior  member ng StArS na sina Arn, Urie, Jaymar, Cha, Cheann, Oteph, Ecko, Emrose, Joyce at Van na halos lahat ay graduating na. Sampu naman ang lahat ng natanggap bilang bagong miyembro na sina Yna, Renante, Paulo, Gemini, Chloe, Jarred, Ivory, Valerie, Joshua at Nikka.

'Nandito na...'

Imumulat na sana ni Yna ang mga mata dahil sa kakaibang bulong na naririnig nang maramdamang humigpit ang hawak ni Van sa kanyang kanang kamay.

"StArS, please don't open your eyes. Gusto namin na mag-concentrate kayo. Kaya please, ipikit ninyo lang ang mga mata ninyo," ani Van.

"StArS, ano man ang maramdaman ninyo, hwag na hwag ninyong bubuksan ang inyong mga mata. Si Kaibigan ay isang kaibigan. Kasama natin siya sa grupo na ito," si Urie naman ang nagsalita.

Ngunit tuluyan nang hindi  napigilan ni Yna na imulat ang mga mata sa malakas na pagtili na ginawa ni Ivory. May naramdaman kasi itong napakalamig na kamay na humawak sa sariling mga binti. Kasabay nito ay ang pagkamatay ng kandilang nasa gitna ng bilog. Ang nag-iisang bagay na nagbibigay liwanag sa terrace kung nasaan silang lahat. Madilim ang gabi, walang buwan at bituin ang maaaring magbigay ng kahit na anong liwanag.  Kaya nagsimula nang makalas ang bilog na kanina lang ay mahigpit na magkakahawak kamay at nagkanya-kanyang hawak at yakap sa mga katabi.

"StArS, don't panic. Si Kaibigan ay isang kaibigan. Hindi niya tayo sasaktan," it's Van again. Mahigpit pa rin ang hawak nito sa mga kamay ni Yna.

Halos sabay-sabay silang napalingon sa may hagdanan nang marinig ang mabibigat na yabag sa bawat baitang nito na tila may gumagapang doon na na nilalang na pataas sa kanilang pwesto.

"Kaibigan, hindi ka namin nais gambalain. Nais ka lamang makilala ng ating mga bagong miyembro," garalgal na ang boses ni Jaymar. "At alam naming nais mo rin silang makilala."

Lalong lumakas ang mga sigawan nang maramdamang malapit ng makataas nang tuluyan si Kaibigan. Ilang saglit pa bago tila kasabay ng paghinto ng ingay ng mga bagong miyembro ay ang pagtigil din ng ingay na ginagawa ni Kaibigan sa may hagdanan.

"Kaibigan..." Si Cha naman ang naglakas loob na magsalita sa kabila ng purong kadiliman na nakikita. "Kaibigan, nasaan ka?"

Lumuwag na ang yakap ni Yna kay Van kasunod ang pagbukas ng mga matang mariin niyang ipinikit. Sa wakas ay may lumabas na ang buwan mula sa pinagkukublihan nitong madilim na ulap. Pumapasok na ang munting nito  mula sa labas.

Unti-unti namang nag-adjust ang mga mata ni Yna sa dilim na hiniling niyang hindi na lang sana nangyari. Naaninag niya ang pigura ng isang tao, tao na kung hindi siya nagkakamali ay nakadapa hindi kalayuan sa pwesto nila. Pigura ng isang taong may napakalaking bukol sa may likuran.

"He's a.... Oh my..." Pilit niyang pinagsiksikan ang sarili sa katawan ni Van. Nakita niyang nagsimulang gumalaw ang katawan ni Kaibigan.

"B-bakit Yna? Anong nakikita mo?" nanginginig na rin ang boses ni Renante.

"R-Renante, p-papalapit na siya. P-papalapit na siya sa atin!" Hindi niya alam kung bakit tila sigurado siyang sa kanya ito lalapit.

"StArS, hwag kayong matakot. Kaibigan is one of us. He's one of us," pabulong na sabi ni Joyce.

"Joyce, p-papalapit na siya. P-papalapit na siya sa a-akin..." hindi na halos maintindihan ni Yna ang sariling sinasabi.

"Guys! A-anong gagawin natin? Ano?!" nagsimula ng tumaas ang boses ni Paulo. Hindi ito naniniwala sa mga kwentong kababalaghan, para dito ay mga panakot lamang iyon sa mga makukulit na bata. Ngunit maiiba yata ang pananaw nito ngayon.

"StArS, calm down. Hindi niya tayo sasaktan!" sagot ni Emrose.

'Kaibigan...'

Wala ng sinoman ang naglakas loob na magsalita na tila lahat ay nagpipigil na ng paghinga.

'Ikaw...'

Hindi sigurado si Yna kung boses ni Kaibigan ang kanina pa niya naririnig. Dahil pakiramdam niya ay kasabay ito ng nakakakilabot na hanging yumayakap sa katawan niya ngayon.

'Pwede ba kitang maging kaibigan?'

Ipinikit niya ang mga mata at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Van. Ramdam na ramdam niya ang paglapit ni Kaibigan sa pwesto nila...

Sa pwesto niya.

"StArS, si Kaibigan ay isang kaibigan. He's one of us. He's one of us," paulit-ulit na sabi ni Joyce.

Unti-unting tumahimik ang paligid ngunit ramdam pa rin ni Yna ang kakaibang lamig ng hangin.

"StArs, you can now open your eyes."

Narinig niya ang isa-isang pag-click ng switch ng ilaw. Pero nanatili siyang nakapikit.

"And meet Kaibigan." Kalmado na ang boses ni Jmar.

"Yna, relax. It's just him... Kaibigan," sabi ni Van.

'Ikaw... Kayo...'

'Lahat kayo...'

'Mamamatay...'

"Yna..."

Tanging  ang boses ni Van ang nakapaghikayat kay Yna na harapin si Kaibigan kaya dahan-dahang siyang humarap dito kasunod ang unti-unting pagmulat ng mga mata.

Isang nakapangingilabot na mukhang kahit kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Malapad ang noo nito at mangilan-ngilan na lang ang hibla ng buhok sa may bumbunan. May maliit ngunit nakakadiri itong pulang bukol sa may kanang pisngi na magkahalo ang kulay pula at berde na tila puputok na anumang oras. Bahagyang nakabuka ang bibig nito kaya kitang-kita niya ang maiitim na ngipin at mga labi nito. At wala ring tigil ang pag-agos ng mapupulang likido mula sa dilat at madidilaw nitong mga mata. Amoy  niya rin ang mabaho na tila nabubulok na karneng hininga nito at ang malansang dugo na walang tigil na lumalandas sa magkabilang pisngi ni Kaibigan.

'Ikaw na ang susunod.'
****
****

****

****

****

****

****

****

****

Ang sabi nila...

Walang sinoman ang gusto na maging kaibigan siya...

Dahil lahat ng nagiging kaibigan niya...

...

...

...

...

AY NAMAMATAY...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KaibiganWhere stories live. Discover now