1

919 14 2
                                    

Author's Note: I tried to write something new. You will encounter mean girls and high school stereotypes. :) I hope you will like it. Siningit ko lang po ang pagsusulat nito sa busy kong schedule kaya pasensiya na po kung matatagalan panigurado ang pag post ng mga parts. Baka next month pa ang sunod na part. Hehe.  Ayun lang po, salamat!

Photo Credit(cover): http://www.flickr.com/photos/9906695@N08/4400420534/

****************************************************************

Xander’s POV

Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa cafeteria. Agad-agad akong pumasok, may isang babaeng napakalakas ng sigaw. Pinilit kong sumingit sa mga taong nagkukumpulan. Noong nakita ko na iyong nasigaw,  natapunan pala siya ng juice. Nakita ko rin si Mika, ang best friend ko.

“Ano’ng meron?” tanong ko kay Mika na gulat din.

Oh sh*t. Nakatingin ang lahat ng tao sa akin, o sa amin?

Napatingin ako kay babaeng matangkad. Masama ang tingin niya sa akin. Siya iyong sumigaw kanina.

Kinabahan ako sa tingin niya, kinuha niya ang isang bote ng tubig na hawak-hawak ng kasama niya.

“Freshmen? Transferee?” tanong niya pagkalapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na tumigil ang mundo sa cafeteria dahil sa amin.

Amoy orange juice siya at kita mo ang kulay ng orange juice na natapon sa may tiyan niya. Kinakabahan ako sa tingin niya.

“Transferee…” sagot ko.

Binuksan niya ang tubig na hawak-hawak niya at binuhos sa akin.

“The next time you messed up with us, transferees and freshmen! You know what will happen to you.” sigaw ng babaeng nagbuhos ng tubig sa akin.

Tumawa ang mga tao sa paligid, at napansin ko ang mga iilang mukhang takot at gulat gaya namin ni Mika.

“Welcome to MCS, freshmen.” sabi ng isang lalaki, at tinapik pa ako sa balikat noong nagaalisan na sila. Tss, mga tsismoso lang pala.

Panaginip lang ba ito? Malamig ang tubig na binuhos sa akin, nararamdam ko. Gising ako. Totoo bang nangyari sa akin ito?

“Xander, sorry.” lumapit sa akin si Mika.

“Tara, hanap tayo cr.” pagyayaya ko.

“Sorry talaga, Xander, hindi ko naman kasi alam na hahantong tayo sa ganito eh.” sabi ni Mika habang pinupunasan niya ng tissue ang basang polo ko. Sa girl's c.r. ako dinala ni Mika. Hindi na ako nakaangal.

“Ganito ba ang initiation dito?” tanong ko.

“Hindi ko alam, hindi ko naman sinasadyang mabanga si Belle eh,” pagkukuwento niya.

“Belle? ‘Yung babaeng may gawa sa akin nito?”

Tumungo si Mika. Nag-init ang dugo ko noong naalala ko ang mukha niya. Kinuwento ni Mika na nabangga raw niya si Belle, at natapon ang baso ng orange juice niya kay Belle. Maganda sana si Belle, kaya lang, bully.

Kakalipat lang naming ni Mika ng school. Kung bakit kami lumipat ay isang mahabang kuwento.

“Hoy! Pakibukas naman po! Ihing-ihi na ako!” sigaw ng babaeng katok nang katok sa pinto ng cr.

“Huy, buksan mo ‘yun!” utos ko kay Mika. Kami lang ang tao dito sa c.r. na nakita ni Mika. Kasi naman, ang laki ng school na ito. Halatang pang-mayaman.

“Shunga ka ba?! Girls c.r. ito! Tapos nandito ka pa sa loob!”

“Eh ‘di lalabas na ako!” sabi ko at naglakad para buksan ang pinto. Bakit ba kasi sa girl’s c.r. niya ako dinala?

Perfectly Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon