Gat Andres Bonifacio

199 5 0
                                    

Dahil sa pagnasang baya'y makaalpas

laban sa dayuhang lubhang nagpahirap,

mula Pugadlawin katapanga'y kumislap

sa dulo ng tabak na laya'y pangarap.

Nang dahil sa iyong sinimulang laban

piping Inang-baya'y natutong sumigaw,

Indiong pinintasan natutong humawak

ng rebolber,tabak,biyas mg kawayan.

Di lang sa'yong tapang ikaw ay dakila

dahul sa pagalab ikaw ay makata

isang manunulat na ang obra't tula'y

naging  inspirasyon upang makidigma.

At bago ang lahat, ikaw'y gintong butil

dahil sa pagapi'y naging isang pangil

isang bayaning dugo'y ititigis

upang Inang- baya'y hindi na magsakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gat Andres BonifacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon