Chapter 4: Legendary Snake (SAMPLE CHAPTER)

90.2K 621 84
                                    

CHAPTER 4: Legendary Snake

"K-KOYA.." Halos lumuwa ang mata ni Luningning habang nakatingin sa dragon niya.

"L-Luningning! Bakit ba hindi ka man lang kumakatok at bigla ka na lang pumapasok?!" inis na tanong niya sabay tayo at nagmamadaling kumuha ng tuwalya saka ibininalabal sa sarili.

"K-koya..." Tulala pa rin si Luningning. Malaki pa rin ang mga mata at sa matipunong dibdib naman niya napatingin dahil half-naked na lang siya.

"L-Luningning..."

"A-ahh..." Parang may bumara sa lalamunan nito at napapalunok habang lumalapit siya."Aaaaahhhhhhh!!! May ahassss!!!!" Saka ito late reaction na nagsisisigaw!

Natarantang nilapitan niya ito at agad na tinakpan ang bibig nito! Lalo lang nanlaki ang mata nito dahil na-realized nito na galing sa mahiwaga niyang banana ang kamay na pinanghawak niya rito. Doon na ito nawalan ng malay!

"BAKIT ba kasi nawalan ng malay itong kapatid mo? Kung kailan naman gutom na ako eh! Wala tuloy magluluto!" tanong sa kanya ng Tatay Bentong niya. Si Luningning lang kasi ang marunong magluto sa kanila.

Napakamot siya sa ulo at hindi na sumagot. Alangan namang sabihin niya ang totoo na nahuli siya ni Luningning na nagpapa-LIGAYA sa sarili kaya nahimatay ito? Speaking of Ligaya. Parang gusto niyang maiyak bigla dahil hindi pala ito ang unang makakakita sa kargada niya. Aminado siya na babaero at malandi siya pero hindi pa siya nakakatikim ng sarap. Virgin pa siya at ang masaklap lang ay ang kapatid lang pala niya ang unang makakakita ng kanyang itinatagong abrilata.

Maya-maya ay biglang nagmulat ng mata si Luningning.

"O, anak. Anong nangyari sa 'yo kanina? Bakit bigla kang nahimatay?" nag-aalalang tanong agad ni Tatay.

"May ahas... May ahas akong nakita!" sabi nito. Kinabahan naman siyang bigla. Baka ibuko siya ng kapatid. Nakakahiya.

"Ahas? Anong ahas Kuya?" Inosenteng tanong ng sampung taong gulang na si Nena.

"A-ahh, kuwann... Iyon 'yong hayop na gumagapang sa damuhan," pinagpapawisang sagot niya.

"Mayroon pang ibang ibig sabihin ang salitang ahas Nena, gusto mong malaman kung ano?" malisyosang pagsingit sa usapan ni Magdalena na labing apat na taong gulang naman. Pinanlakihan niya ng mata ang kapatid at tumahimik naman ito.

Binalingan niya si Luningning. Kinakabahan siya na baka magsumbong ito pero nang mapatingin siya ay nag-iwas lang ito ng tingin. Mukhang wala nang balak sabihin?

Tumayo si Tatay at bigla siyang pinalo ng diyaryo sa ulo. "Sinabi ko na sa 'yo na maglilinis ka ng maigi para hindi tayo pamuguran ng iba't-ibang klaseng hayop dito e! Hala, bilisan mo! Hanapin mo iyang ahas na iyan at nang hindi na makita pa ulit iyon ni Luningning! Kapag nakita mo ay siguraduhin mong mahahati mo sa kalahati ang ahas na iyon para hindi na makapameste!" Pagtataboy sa kanya ni Tatay Bentong at nang tumayo siya ay pinalo pa siya sa pwet.

Paanong kong puputulin sa kalahati ang pututoy ko? Peste raw ha, kung alam lang ni Tatay na ligaya ang dala nito sa mga babae, pilyong sabi ng isip niya habang kinakamot ang pwet na nangati pagkatapos nitong paluin.

Napatingin siyang bigla sa hawak na diyaryo na nadala pala niya kanina.

Maria Ozawa, the sex goddess...

Iyon ang nasa front page ng diyaryo na sagad. Punong-puno pa iyon ng mga hubad na larawan ng babae habang nakikipag-sex ito sa dalawang lalaki ng sabay!

Tinapon niya ang dyaryo dahil nalaswaan siya sa nakita. Siguro nga ay mahilig magsulat ng mga erotic stories si Joy pero naniniwala siya na hindi ito hahantong sa pagbebenta ng sarili. Pero birhen pa nga kaya si Joy? Dahil kung oo, paano itong makakapagsulat ng mga kwento na 'sing laswa no'ng nabasa niya sa computer nito?

Ah hindi. Naniniwala pa rin siya na disente itong babae. Kung anuman ang sikreto ni Joy kung bakit ito naging erotic writer ay aalamin niya iyon.

Agad na siyang kumuha ng pako at martilyo at agad na ginawa ang bumigay na palang lock ng banyo nila. Kaya naman pala nakapasok si Luningning kanina ay dahil maluwag na ang pagkakapako sa lock. At siya naman ay hindi rin iyon napansin kanina dahil malapit nang sumabog ang bulkan niya kanina.

Tsk... Napailing-iling siya.

Pero naiisip din niya na siguradong nagulat din si Luningning sa nakita nito. Labing anim na taong gulang na ito pero wala pa itong nagiging boyfriend kahit na kailan. Sobra rin kasi nitong hinhin kahit na sobrang ganda naman nito. Inalis na niya ang pag-iisip kay Luningning dahil hindi siya incest. Pinagdarasal na lang niya na sana ay iniisip talaga nito na nananaginip lang ito kanina kaya ang akala ay ahas lang talaga ang nakita nito.

KANINA pa nakatitig sa monitor si Joy. Pero kaiba sa palagi niyang panonood ng porn araw-araw ay ang mukha naman ni Blake ang pinagnanasaan niya ngayon. Hindi naman ito nakahubad pero pakiramdam niya sasabog agad ang dibdib niya kasama pati no'ng sa ibaba habang tinititigan niya ito.

"Bakit kasi nagbalik ka pang animal ka. Ano pa bang kailangan mo sa akin ha? Pagkatapos mo akong lokohin!" inis na pagkausap niya sa nakangiting larawan sa monitor. In-edit niya ang picture nito sa paint saka nilagyan ng itim na kulay ang pagitan ng ngipin nito kaya nagmukha itong bungal. "Iyan ang dapat sa 'yo! Dapat lang na pumanget ka dahil iyan lang naman ang maipagmamalaki mo!" sabi pa niya habang pinanggigilan ito.

Bumalik sa isipan niya ang nangyari kanina.

"Actually, nandito ako sa school na ito para makipagbalikan sa kanya. Alam ko na patay na patay sa akin ang babae na iyon. Hindi niya ako matatanggihan." Iyon ang naalala niyang sinabi nito kanina.

Ang kapal talaga ng mukha! Pero bakit nga ba iniisip pa niya ito?

Inis na kinalikot na lang niya ang mga drafts niya sa computer at napatingin siya sa erotic story na ginawa niya para sa kanila ni Andrew.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Nakagawa siya ng erotic story na iyon na si Andrew ang naiisip at hindi iyon inspired ng mga porn na katulad ng ibang nagawa niya. Ang ibig sabihin lang niyon ay may pagnanasa siya kay Andrew hindi ba? Pero bakit naiisip pa rin niya si Blake at kinakabahan pa siya kapag malapit lang ito?

Shit... Ito na ba iyong sinasabi sa kanta na 'Sana... Dalawa ang puso ko...' Napakanta pa siya sa isip. Tsk. Nagugulo nga ang isip at puso niya ngayon. Pero pwede ba iyon? Yung ma-in love ka sa dalawang tao ng sabay? Alam niyang may pagkamalandi siya pero hindi siya naniniwala noon na pwedeng ma-in love ang iisang tao sa dalawang tao ng sabay at sa magkaparehas panahon. Para sa kanya noon ay isang malaking pagkamakasarili niyon. Pero ano ngayon at parang ganoon nga ang nangyayari sa kanya ngayon?

Kalma lang Joy. Hindi ka in love sa dalawang ugok na iyon. Manloloko si Blake at jejemon si Andrew. Marami pang lalaki sa mundo! sabi ng isip niya.

Binuksan niya ang story nila ni Andrew at in-edit niya ang mga pangalan ng bida para hindi halata. Joy pa rin ang pangalan ng bidang babae at Blew naman ang edited name ng bidang lalake.

Napailing na lang siya sa sarili nang ma-realized na kahit sa pag-iisip ng pangalan ng bidang lalaki ay pinagsama pa niya ang pangalan nina Blake at Andrew.

Pinindot niya ang button na submit at awtomatikong na-publish na iyon sa kanyang website. Lumayo na siya sa computer at agad na naligo sa shower.

Naging malikot na naman ang imahinasyon niya at biglang sumulpot sa bula ng imahinasyon niya sina Blake at Andrew na kapwa nakahubad! Si Blake ay mabalbon at napakaputi ng katawan habang si Andrew naman ay moreno. Pero isa lang ang pagkaparehas ng dalawa. Parehas silang halos pumutok na sa laki ang dragon at six packed abs. Parehas matipuno! Matangkad, malapad ang dibdib. Parang kahoy sa katigasan ang katawan. Owemdyi. Basa na yata ang baba niya. Ang init kahit malamig ang patak ng tubig!

Lumapit daw ang dalawa sa kanya at agad siyang niromansa at halinhinan sa paghalik sa kanyang mga labi habang naglilikot ang kamay ng mga ito sa dibdib at hiyas niya...

Siya na mismo ang pumutok sa bula ng imahinasyon niya! Mahaderang imagination at gusto pa ng threesome! Pinatay na niya ang shower at agad nang lumabas ng banyo. Kung ano-ano na ang maduming pumapasok sa isip niya. Erotic online writer siya pero hindi siya fan ng mga group sex. She's not a slut kahit na ma 'L' siya.

Kung ano man itong kahibangang nararamdaman niya para sa dalawang unggoy ay dapat na niyang pigilan. Dahil siguradong hindi rin maganda ang kahihinatnan...

The Queen Of Erotica (Publised Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon