Malanding Pusa [one shot]

439 15 16
                                    

This is a fanfic about Jung Taekwoon (Leo) of Vixx. 

Iba ang personality niya dito sa kwento sa personality siya sa totoong buhay,

Enjoy Reading.

~~~~~~

"Leo sabihin mo nga ang mga tipo bang lalaki ni Karen Maine ay pusang lalaki?" natatawang tanong ni N na naka tingin sa direksyon ni Karen habang may sinusundan na pusa. 

"Pabayaan niyo na nga lang siya. wala yang magawa sa sarili." sagot ko bago uminom ng cold brew.

"Sus, sabihin mo ayaw mo lang na pansinin namin si Karen dahil nagseselos ka." panunuya ni Ravi sabay akbay sa balikat ni Hyuk.

"Suntok gusto niyo? hindi ako magkakagusto sa baliw" mariin na sagot ko habang nakatingin pa rin kay Karen.

"hindi naman talaga baliw si Karen may saltik lang" tumayo ako sa kinauupuan ko para mabatukan si Kong pero ang loko tumakbo palayo at nagtago sa likod ni Ken.

Kababata ko si Karen Maine, simula bata palang kami lagi ko na siyang nakikitang may sinusundang pusa, at kahit na kababata ko siya hindi kami close dahil wala akong lakas ng loob na lapitan siya, sa simpleng tingin lang sa malayo ang kaya ko. Isa akong playboy pero pagdating sa kanya isa akong hamak na torpe.

"Isang notorious playboy ng grupo ay nagiging shy boy pagdating sa kanya hahaha." binato ko ng sapatos ni Hyuk si Ken bago pa makatakbo ng malayo at sapol sa puwet niya.

"Bahala kayo sa buhay niyo." umalis na ako at naglakad papunta kay karen para patigilin siya sa kakasunod sa pusa.

Naging ganito lang naman ako dahil sa kanya, baka sakaling mapansin niya din ako katulad nang unang crush niya na isang playboy. Sa kasamaang palad hindi niya ako napapansin dahil ang tingin niya lang sa akin ay isang uhuging bata.

Tatakbo na sana siya dahil tumakbo ang pusang sinusundan niya kaso hinigit ko ang likod ng bag niya kaya napahinto ito .

"Oi! bitiwan mo nga ako! malapit ko na siyang mahawakan o!" inis niyang sabi habang tinuturo ang pusang umakyat sa mataas na pader.

hindi ko siya pinansin at mas lalo kong hinila ang bag niya para mas makalapit sa akin, dahan dahan naman siyang lumingon sa akin kaya binitawan ko na ang pagkakahawak sa bag nito at nanlaki ang mga mata nito na mapupungay ng makita ako.

"Leo Jung long time no see" saka ito ngumiti na parang anghel.

wag kang ngumiti diyan dahil mas lalo kitang mamahalin

"Ano ba ang ginagawa mo?" tanong ko habang naka tingin ng diretso sa kanyang mapupungay na mata.

"Hinahabol ang pusa." sagot nito saka ngumuso. tsk!

"Pagabi na at nandito ka pa din? hindi mo ba alam na delikado para sa mga kagaya mong tingting na magpagabi"  umiwas ako ng tingin dahil kapag tinitigan ko pa siya ng matagal baka may magawa akong hindi maganda.

"Saan ang sundo mo?" tanong ko ulit habang nakatingin ako sa mga barkada ko na panay ang pag ngisi.

"Err... pinaalis ko na." napatingin ako sa kanya, ano bang pumasok sa utak nito at pina alis ang sundo niya?. 

"Bakit?"

"I won't go home 'till I catch the cat."

"Kung hindi ka pa titigil sa kaka-pout diyan hahalikan na talaga kita."

"May sinabi ka?"

"Ah wala." at umiwas ulit ng tingin sa kanya

Kahit kailan isip bata pa rin siya kahit na nasa kolehiyo na kami. 

Malanding Pusa [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon