Chapter 3: Selfie (SAMPLE CHAPTER)

110K 688 79
                                    

CHAPTER 3: Selfie

NANGINGINIG ang kamay niya habang papalapit ang ubod ng angas na si Blake. Nag-uunahan ang mga daga sa dibdib niya habang tinitingnan ang mukhang mabangong lalaki. Ramdam na ramdam niya na nag-iinit ang mukha niya. Sigurado siya na para na siyang kamatis sa pamumula!

Matangkad si Blake, umuumbok ang mga muscles sa simpleng damit nito at mestizo. Matangos ang ilong nito at clean cut ang buhok nito. Madalas pa itong magsuot ng mga itim na damit kaya mas lalong lumalabas ang kaputian nito.

At nang ngumiti ito sa kanya? Hesusmaryosep! Parang nalaglag ang panty niya! Tinititigan na siya nito!

Nagpabalik-balik naman ang tingin sa kanila ni Andrew. Para bang nakakahalata ito na may tensyon sa pagitan nila ni Blake.

"Hoy, ikaw! Anong tinitingin-tingin mo sa darling ko? Ako ang boyfriend niya kaya hindi mo siya pwedeng ligawan!" parang batang pagsingit ni Andrew na pumagitna pa sa kanilang dalawa ni Blake.

Tumawa lang si Blake. Para bang nakarinig ito ng isang malaking joke. "At talagang iniisip mo pa na sa kapangitan nitong girlfriend mo ay may magtatangka pa na ibang lalaking umagaw sa kanya? Anong grado ba ng mata mo Brad?" pang-iinsulto ni Blake na parang diring-diri sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. Ang kapal din naman ng mukha ng hudas na 'to. Talagang hindi na siya nakilala ay nilait pa siya! Pero sabagay, nakakadiri naman talaga ang face niya ngayon. Pero kahit na! Hindi pa rin dahilan iyon para manlait ng tao!

"Dahan-dahan ka sa sinasabi mo! Wala nang mas gaganda pa sa darling ko sa mundong kinatatayuan mo! Pwede nga siyang maging model ng FHM eh!"

Lalo lang natawa si Blake sa sinabi ni Andrew. Napahawak pa ito sa tiyan nito na parang wala nang katapusan ang pagtawa nito. Pakiramdam nga niya ay parang mapapaiyak na ito sa sobrang tawa. "Okey, okey. Sabi mo eh. Malala ka na talaga." Saka nito tinapik-tapik sa balikat si Andrew na halatang nang-aasar lang. Para namang napikon si Andrew pero bago pa tuluyang makasagot ay siya naman ang binalingan ni Blake. "But you know what, ugly girl? You really remind me of someone. Napakapanget mo pero nakikita ko sa 'yo ang ex-girlfriend ko. In fact, narito ako ngayon sa school na 'to para makipagbalikan sa kanya. Alam ko na patay na patay sa akin ang babaeng iyon kaya hinding-hindi niya ako matatanggihan," sabi nito saka tumawa na naman.

Nandilat na lang ang mga mata niya. Hambog pa rin talaga kahit kailan ang lalaking ito! Siguro kung nakakamatay lang ang masamang titig ay kanina pa itong bumulagta sa sahig!

Ang yabang-yabang! Nako, kahit gaano ka pa-kagwapo na tukmol ka ay hinding-hindi na kita babalikan ulit! Over my dead gorgeous badey! sigaw ng isip niya. Alam naman kasi niya na siya ang tinutukoy nito. Naumay tuloy siyang bigla at nawala ang kaba na nararamdaman niya kanina. Gusto niya na ngayong tirisin ang lalaki na 'to!

"Wala akong pakialam diyan sa girlfriend mo basta huwag na huwag mong lalapitan ang darling ko! Akin lang siya naiintindihan mo?" Patuloy pa rin sa pakikipag-away si Andrew. Sa inis niya kay Blake ay hinila na niya paalis doon si Andrew. Hinawakan niya ito sa kamay at napasunod na lang ng tingin sa kanila si Blake at Mang Kanor.

Makikipagbalikan daw siya sa akin? Pero bakit niya gagawin iyon? Akala ko ba ayaw na niya sa akin? Anong gagawin ko kapag lumipat na nga siya rito sa Phoenix University? sunod-sunod ang tanong na tumatakbo sa isipan niya. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mataranta.

Bumalik lang siya sa reyalidad nang higitin siya ni Andrew at hinawakan sa mukha palapit dito.

"Girlfriend na ba kita darling kong mahal? Nag-holding hands na tayo pagkatapos hindi ka pa umalma no'ng sinabi ko sa lalaking iyon na boyfriend mo ako. Sabi ko na nga ba, hindi ka rin makakatiis at mahuhulog ka rin sa alindog ko," mapang-akit na sabi ni Andrew saka unti-unting lumapit ang labi nito sa labi niya.

The Queen Of Erotica (Publised Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon