Tips sa Pagrereview

33.3K 861 178
                                    

Lahat ng mga tao ay nagpagdaanan na ang mga napakahirap at maka-brainbleed na exams ng buhay estudyante. Yung tipong final judgment na ng mundo kapag kaharap mo na yung test paper. Yung kakabahan ka kung masasagot mo ba yung tanong sa number 1 o hindi. Yunghinihiling mo na sana ay nandun sa mga questions yung mga nireview mo.

Hindi ko masasabi na ako ay professional para magbigay ng tips sa pagrereview pero itong mga ibabahagi ko sa inyo ay ayon sa aking sariling experience.

1. Magreview 2-3 days before the exam – mas maganda kung mejo malapit sa exam date yung pagrereview para fresh pa sa utak yung mga nireview mo.

2. Gumawa ng sarili mong reviewer – kasi habang sinusulat mo yung reviewer, natatandaan mo na rin yung mga napag-aralan niyo kaya additional na rin yun sa pagrereview mo. And wag kang manghiram ng reviewer ng iba kasi hindi mo kabisado yung mga pagkasunod-sunod ng mga items. For example, kapag may tanong sa exam, matatandaan mo yung sagot sa sinulat mong reviewer “Ah! Alam ko na yung sagot! Dun yun sa likod ng reviewer, sa bandang baba.”

3.Kapag gagawa ng reviewer, limit the words. Yung mga keywords lang dapat para madaling tandaan.

4. Right time at the right place. Mas magandang magreview sa tahimik na lugar like library o kaya naman kapag nasa bahay, sa kwarto. Basta anywhere na comfortable ka at yung makakapagconcentrate ka.

5. Alamin kung anu-anong type ang mga tanong sa exams like Multiple Choice, Matching Type, Enumeration, True or False, Fill in the Blank at marami pang iba.

6. Kapag may enumeration, gumawa ng keywords sa mga unang letter ng mga sagot. Halimbawa: 16 Cities in NCR: Caloocan, Las Piñas, Manila, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasay, Pasig, Parañaque, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig, and Valenzuela. The Keyword will be CLM6 N P4Q S TV. (Pwede niyong basahin as “Clam 6 Na P4Q sa TV!”

7.One day before the exam, magrelax pero wag masyadong gumawa ng activities na medyo makakagulo sa mga nireview mo like manood ng movies, maglaro ng games etc. Mas maganda kung magrerest ka lang at magrereview ng kaunti (bago matulog)

8.The day ng exam, kailangan magrelax ka lang, pwede kang bumili ng candy para makatulong tapos magscan ka na lang ng reviewer mo.

9.Pray. 

-Thanks :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga tips/techniques sa pagrereviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon