Girl in a Green Skirt. [One-Shot]

457 7 8
                                    

Ang lakas ng ulan. Baha nanaman. Problema talaga dito sa Manila konting ulan lang baha na kaagad. Mga university naman magdidismiss lang ng klase kung kailan baha na. Hirap pa naman mag abang ngayon ng jeep. Bahain kasi sa lugar namin kaya ayaw magbyahe doon ng mga jeep.

Andito ako ngayon nagaantay sa tapat ng KFC. Isang oras na akong nagaantay ng jeep pero wala talagang bumabyhe. Inip na inip na nga ako, gustong gusto ko ng umuwi.

"Excuse me Kuya, taga saan po kayo?"

Babae. Naka'FEU uniform, ung kulay green ang skirt. Hindi man siya sobrang kagandahan pero malakas naman ang dating. The moment na nakita ko siya, alam ko sa sarili kong nagustuhan ko siya kaagad. Crush.

"Dapitan, ikaw?"

"Ah! Dapitan din po. Hehe, salamat naman at nakahanap na ako ng kasama. Kanina pa ako paikot ikot dito, wala daw jeep na dumadaan."

"Wala nga, baha kasi dun ngayon. Masyado daw mataas ang tubig kaya di sila makabyahe."

"Ah, kaya pala..."

Sa wakas may dumaan ng jeep. Sumakay na kami dahil gabi na din. Dalawang oras din kaming naghintay. Sa dalawang oras na yun, tumambay lang kami sa tapat ng KFC. Masaya naman siyang kausap, makulit kasi. Nadadala na nga ako sa kwento niya eh. Sa sobrang pagkadala ko... hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Secreeeet! Ikaw muna!"

See? Sabi ko sa inyo makulit siya eh. Hehe.

"Sasabihin ko lang pangalan ko sayo pag may gusto na ako sayo at dahil sa gu---" sto na kita, sasabihin ko na sayo.

Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya kaso pinutol niya kaagad. Oo, aaminin ko na sana kaagad. Crush lang naman eh.

"Pwes sasabihin ko lang din sayo ang pangalan ko kapag minahal na kita!"

"Mahal? Agad agad?!"

"Oo. Ibig sabihin lang nun hindi mo malalaman ang pangalan ko."

"Sigurado ka diyan ha!"

"Ha! Forever and ever and ever!"

"Sige, tignan nalang natin."

Nginitian niya lang ako bilang sagot. Nagpaalam na din siya sa akin dahil kailangan na niyang bumaba.

After that night, hindi ko na ulit siya nakita.

1 week...

2 weeks...

3 weeks...

3 months...

Dumaan ang mga mauulang araw pero hindi padin siya nagpapakita. Aaminin ko, lagi siyang nasa isipan ko. Minsan akala ko siya na ung nakita ko pero pag lalapitan ko na, nagiiba na ung mukha. May time pa nga na hindi ko sinakyan ung huling byahe ng jeep nung bumaha nanaman dahil umaasa akong makakasama ko siya ulit pero bigo ako. That made me realize na...

I like her.

-----

nababawil na ata ako at dino drawing ko ung scene kung saan naguusap kami ni Girl in green skirt. at un na din ang ginawa kong caption. wala kasi akong magawa tapos ang sarap pa ng hangin.

"Nakikita ko, magmamahal ka ng lubos!"

Nabigla ako sa matandang lumapit sa akin at parang baliw na sinisigaw ng paulit ulit ang mga salitang yan. dahil din sa pagkagulat ko ay nilipad ang papel ko at parang tinangay papasok sa bintana nung dumaang jeep.

Girl in a Green Skirt. [One-Shot]Where stories live. Discover now