Meet Ms. NBSB

8.6K 49 18
                                    

Hello guys! :) Eto ang first time kong magsusulat so sorry kung di nyo sya magustuhan but I hope magustuhan nyo. :)

Sa mga magbabasa nito na kilala ako, please don't expect too much, basahin nyo na lang, libre din comment. :))

Enjoy reading! :D

~~~~~~

*UNANG KABANATA.

“Bakit ngayon ka lang ha?” bungad na tanong agad sakin ng papa ko pagkapasok ko pa lang ng bahay.

 

Eto na naman tayo.

Nanunuod si mama ng tv, tumingin lang sakin pagkapasok ko ng sala, tapos balik ulit ang mata nya sa tv, nanunuod na naman siguro ng balita. Tumingin ako sa orasan na nasa dingding ng sala. 9 pm na pala, panigurado sermon na naman ako nito, 5 pm kasi ang labasan ko eh.

“Umupo ka nga muna dito at mag-usap tayo saglit.”

*tantanantanan.

Eto na naman po tayo, tsk. Sabi sa inyo eh. Umupo naman ako sa stool na tinuro nya para wala ng gulo. Di na lang ako sasagot at mahirap na baka may masabi pa ko, sa utak ko na lang ako sasagot. :D

“Anong oras na? Uwi ba ng matinong babae yan? Ikaw bata ka ah, mas inuuna mo pa ang lakwatsa kesa sa pag-uwi ng maaga para makatulong ka dito sa bahay pero ano? Pinipili mo pang gumala? Lagi ka na lang ginagabing umuwi. Meeting, meeting na yan! Di na ko maniwala sa’yong bata ka, puro ka kasinungalingan! Mas inuuna mo pang barkada mo kesa mapirmi dito sa bahay!”

Di na lang ako sumagot kahit deep-inside nag-iinit na ang ulo ko at gusto ko ng magmaldita para sagutin ang tatay ko pero nanahimik na lang ako tsaka inaantok na din naman ako sa pagod at haba ng byahe ko bago nakauwi.

“..subukan mo pang umuwi uli ng gabi, makikita mong hinahanap mo, wag mo kong susubukan.”

Blah-blah..pasok sa kabilang tenga, labas sa kabila. Nagsasawa na rin akong marinig ang dialogue na to sa tatay ko, ilang beses ko na rin naman to narinig sa kanya pero wala naman nangyayari kaya di na ko natatakot.

When Ms. NBSB (No Boyfriend Since Birth) Gets Torn Between 2 Lovers [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon