Patayin sa sindak si LORNA

559 6 5
                                    

"PATAYIN SA SINDAK SI LORNA.

Created by: BUBOY MAGTANGGOL ( LOUIE TAN )

Isang gabing may kalakasan ang ulan.

Pilit nagmamadali si LORNA na makauwi agad sa kanyang bahay.

Dala ng pagkabagot ay napilitan siyang dumaan sa isang daan na makakadali sa kanyang paroroonan.(short cut)

Matataas na talahib ang kanyang sinusuong. Dama ni LORNA ang pagkatakot. Mga balahibo sa kanyang katawan ay nagtatayuan.

Sa bawat hakbang ni LORNA ay napansin niya kakaibang YABAG na tila sumusunod sa kanya.

Nagmadaling humakbang si LORNA ng pabilis ng pabilis, dama ang pagkatakot.

Isang sulyap ang kanyang ginawa at sa kanyang paglingon ay isang BABAE na nakalutang sa hangin ang kanyang nakita at pilit inaabot ang kanyang kamay.

Nagmadaling tumakbo si LORNA at nakarating sa kanyang bahay.

Dala ni LORNA ang malakas na tibok sa kanyang dibdib. At isang hinga na malalim ang kanyang ginawa. At sa pagpasok sa loob ng bahay ay nakadama na si LORNA ng kaligtasan.

Nilihim ni LORNA sa kanyang asawa ang kanyang nakita. Alam niyang pagtatawanan lang siya sa kanyang sasabihin.

"KINAGABIHAN"

Sa loob ng bahay. Nakaupo si LORNA sa gilid ng tabing bintana. Hinihintay dumating ang kanyang asawa. Palinga linga at tila naiinip.

Isang BABAENG duguan ang nagpakita sa harapan ng bintana.

NASINDAK si LORNA sa kanyang nakita. Hinawi niyang pasara ang kurtina at sabay takbo sa loob ng kanyang kwarto.

Takot ang nadadama ni LORNA sa mga sandaling yun.

Narinig ni LORNA ang mga YABAG sa loob ng kanyang bahay. Papalapit sa harapan ng pintuan ng kanyang kwarto, At sa ilalim ng siwang ng pinto ay nakita niya ang anino na humarang sa liwanag ng ilaw. At sa pagbukas ng pinto ay napasigaw ng malakas si LORNA, sabay yuko upang di makita ang sinomang papasok sa loob ng kwarto.

Nakadama ng kaligtasan si Lorna ng marinig niya ang isang pamilyar na boses.

(Ang kanyan Asawa)

Niyakap si LORNA ng kanyang asawa at sa pag angat ng kanyang mukha ay nakadama ito ng kaligtasan.

Umiyak si LORNA at ipinagtapat lahat ang KABABALAGHANG kangyang nakikita.

Binalewa ito ng kanyang asawa at pinagtawanan pa siya..

Tabing nahiga ang mag-asawa.

Yumakap ng mahigpit si LORNA sa kanyang asawa at sa kanyan pagtulog ay isang panaginip ang pumasok sa kanyang isip.

Muling nagpakita ang BABAENG DUGUAN at tila nagmamakaawa at humihingi ng KATARUNGAN.

"KINAUMAGAHAN"

Habang sabay kumakain ng almusal ang mag-asawa ay may mga KATOK sa pintuan ang kanilang narinig.

Tumayo si LORNA at binuksan ang pinto.

Mga PULIS na nakapaligid sa kanilang bakuran ang kanyang nakita.

Nagpumilit pumasok at DINAMPOT ang kanyang ASAWA.

Ipinagtapat ng PULIS ang nagawang KRIMEN ng kanyang asawa.

Ang asawa ni LORNA ang gumahasa at pumatay sa isang BABAE na di kalayuan sa kanilang tirahan.

Napaiyak si LORNA sa kanyang narinig. At naalala niya ang damit ng kanyang asawa na may MANTSA ng DUGO.

Isang malakas na ihip ng hangin ang sumagi sa kanyang balat at isang BULONG ang kanyang nadinig.

Nagmamakaawang ipasuko sa mga pulis ang DUGUANG damit ng kanyang asawa.

THE END.

Ok ba guys? Gabi na naman. Ingat lang sa mga matataaas na talahib. Baka kayo ay mabiktima din ng gumagalang rapist.hehehe

PATAYIN SA SINDAK SI BUBOY HEHEHE.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jun 15, 2013 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Patayin sa sindak si LORNAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz