TAL 2

114K 787 32
                                    

Chapter 2

"ARE you sure? I can fetch you later if you want?" tanong na naman ni Daryl. Simula ng makakain sila ng agahan, tinatanong na siya nito.

Natawa na lang si Cassandra at nilapitan ito. "I told you, I can take care of my self." hinawakan niya ito sa dibdib at inayos ang necktie. "I'll just call or text you from time to time." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Daryl.

"I'll miss you," he pull her closer and whisper those words in her ear.

Ipinaikot ni Cassandra ang mga braso sa baywang nito at isinandal ang ulo sa dibdib ni Daryl. "Kaya nga tatawagan kita lagi dahil alam kong mami-miss mo ako." napapangiti niyang sagot dito.

"Ah, ganon? Ako hindi mo mami-miss?" kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Daryl, alam niya ang ekspresyon ng mukha nito ngayon. Nakakunot-noo na naman.

"Hindi. Kasi at the end of the day, makakasama pa rin kita. Makakatabi sa pagtulog, mayayakap, mahahalikan katulad nito!" hinawakan ni Cassandra ang dalawang pisngi ni Daryl at hinalikan ito ng mariin sa mga labi.

They both move their lips in a passionate way. Bahagyang nanlambot na naman ang magkabilang tuhod ni Cassandra. Her knees always turn like jellies whenever he is kissing her this way. Ibang-iba sa naramdaman niya dati sa ibang mga lalaki. She know it sounds so wrong to compare Daryl to them dahil milya-milya ang layo ng asawa niya sa mga ito.

"Yam." Si Cassandra na mismo ang naunang kumalas sa paghalik ng asawa. Mahuhuli na silang pareho sa mga trabaho nila kung hindi pa sila titigil. Lalo na siya, for sure tambak na naman ang mga kailangan niyang gawin sa opisina. "I really need to go. May monthly meeting kami ngayon sa AGC."

Niyakap siya ng mahigpit ni Daryl. "Magpakabait ka doon ha! I know you." Bilin nito na ikinatawa ni Cassandra. Ilang beses na nitong sinasabi na 'wag na siya masyadong harsh kay Neliza. Ang tanong, magagawa niya ba 'yun?

"Oo na." tuluyan na siyang lumayo para kuhanin ang bag na dadalhin.

"Sabay kaya tayong mag-lunch? What do you think?" tanong muli ni Daryl ng nasa tabi na sila ng kotseng gagamitin ni Cassandra.

"I told you, we can't. Marami tayong mga trabaho na kailangang gawin. Remember, ilang araw tayong hindi nakapasok." They spent almost a week in the island. Nakilala rin ni Cassandra ang mga naninirahan doon, at nakita niya na simple man ang buhay na meron ang mga ito, masasaya at nagtutulungan naman ang bawat isa. Nakakainggit nga eh. She didn't know that kind of relationship with people do really exists. 'Yung pare-pareho man na salat sa buhay but they still find ways to make their situation a little better. They are always willing to offer their hands for help.

Kaya naman sinabi niya sa sarili na tutulungan niya ang mga ito.

"Okay, okay. Umuwi tayo ng maaga ha? No overtime." na tinanguan na lang ni Cassandra. Isa 'yan sa mga kakulitan ni Daryl, mamilit ng mamilit. Gagawa ng mga paraan para lang makuha ang gusto.

"Oo na." tinapik niya ito sa pisngi at hinalikan ng mabilis sa labi bago tuluyang sumakay sa kotse. Kinawayan niya na muna ito bago tuluyang sumibad palayo.

Pagkarating ni Cassandra sa AGC kung saan siya pumasok ngayon, ay pinagtitinginan s'ya ng mga tao. Paano ba namang hindi? Bukod sa aasahan ng sobrang ganda niya pa rin with her perfectly applied make-up, her extra expensive corporate dress made by her personal stylist, at siyempre her favorite limited edition Christian Louboutin pair of shoes, ay nakagulat pa sa mga nakakakita ang ngiti niya. First time na tila hindi galit sa mundo si Cassandra! In her months of working here in AGC as their CEO, ngayon lang siya pumunta dito na from ear-to-ear ang ngiti. Hindi nga malaman ng mga empleyado kung matutuwa sila sa nakikita o kakabahan. Para kasing may mali. Idagdag pang bawat bati ng mga ito ay ginantihan din ni Cassandra ng 'good morning, too!'.

Taming a LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon