Panagutan Mo 'Ko! *8*

43.1K 892 154
                                    

Panagutan Mo 'Ko! *8*

"Si Beshy!" Excited na sabi ni Cherry. Nakatayo na agad siya mula sa pagkakaupo sa kama at papunta na sa may pintuan, kaya hinawakan ko siya sa braso para pigilan. Tinignan ko siya nang masama. Siya kasi may kasalanan kung bakit nandito 'yung baklang bakulaw na 'yun.

"Lagot ka sa 'kin mamaya," banta ko. Nakaturo pa 'yung hintuturo ko sa kanya. "Wala kang ipapaalam kay Nanay tungkol sa baklang 'yan ha." Tumango-tango naman si Cherry.

Huminga muna ako nang malaming bago buksan 'yung pintuan ng kwarto ko. Binuksan ko lang ng kaunti 'yung pintuan at nakita ko si Nanay na nakatayo sa labas ng pinto, habang si Brenda naman nakaupo sa sofa namin na nakadikwatro pa! Papunas-punas siya ng panyo sa mukha niya at halatang init na init siya. Pasensya naman hindi di-aircon 'tong bahay namin at ang electric fan namin dalawa lang. Isa sa kwarto ko at isa sa kwarto ni Nanay na minsan nilalabas namin 'yung isa sa sala kapag nanonood kami ng TV.

"Nak kaibigan mo raw siya. Akala ko manliligaw mo, matutuwa na sana ako, kaso nung nagsalita bakla pala," bulong ni nanay sa 'kin. "Sayang na bata, gwapo pa naman."

"Nay," kasi naman si Nanay, kulang na lang ipamukha sa 'kin na nanghihinyang rin siya sa 'kin. Na 'yung anak niya na halos ipagmalaki niya sa lahat kung gaano kaganda, tomboy pala.

"Naku.. 'to namang anak ko. Sige na labas na diyan at harapin mo na 'yung bisita mo."

"Opo," kaya lumabas na 'ko ng kwarto habang si Cherry naman nakasunod sa 'kin.

Napatingin naman agad si Brenda sa 'kin. Tumayo siya at sa pinakamatinis na pambaklang boses niya tinawag na naman niya kong, "Hon—" pero hindi niya natapos sabihin dahil pinandilatan ko siya ng mata. Marunong rin pala siyang matakot.

"Ano raw 'yun Cherry? Hon.. Honey ba 'yung sasabihin niya?" tanong ni Nanay kay Cherry.

"Ah ano po Tita.. Ang ibig pong sabihin ni Brenda hon.. hon.. hondito ka na pala.. Kapampangan po kasi 'yang si Brenda. Opo, opo, ganun nga po. Kaya minsan may H siya kahit dapat wala," palusot ni Cherry kay Nanay. May nagawa rin siyang maganda para sa 'kin sa araw na 'to.

"Ah ganun ba? O sige, diyan na muna kayo maghahanda na muna ko ng pagkain para makakain na tayo."

"Sige po Tita, samahan ko na rin po kayo. Nagugutom na nga po ako," naglakad na papunta ng kusina si Nanay at Cherry. 'Tong bestfriend ko talaga. Tama bang iwan ako sa baklang 'to? Dapat siya humarap dito eh. Kung hindi niya itinuro kung saan 'yung bahay namin, 'di naman mapapadpad 'tong si Brenda dito sa 'min.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Ang sama ng mukha ko dahil badtrip talaga akong nandito siya, "At pwede ba tigilan mo 'yung kalandian mo sa 'kin sa harapan ng nanay ko?"

"Kalandian ba 'yun? You're my honey naman talaga," paninindigan niya talaga yung honey. Kabwisit!

"Isang honey pa d'yan. Sasapakin na talaga kita."

"Why ba? Ayaw mo ba ng Honey? Sige, palitan na lang natin."

"Ewan ko sa 'yo. Hirap mo kausap at ang manhid mo. 'Di mo ba ramdam na ayoko sa 'yo?" Tinakbuhan ko na nga siya, nakahabol pa rin.

"Magugustuhan mo rin ako Honey." Mapilit siya masyado.

"Nakuu!" Akma ko siyang sasapakin nang bigla siyang tumili at pinangharang 'yung dalawang kamay niya sa mukha niya. May kasama pang pagtaas ng mga paa. Napatakbo tuloy sina Nanay papunta sa 'min at inabutan kami sa ganoong ayos.

"Nak, ano yan?!" tanong ni Nanay na nakalapit na sa 'min.

"Ah, wala po Nay. May lumilipad na ipis po kasi. Huhulihin ko sana," palusot ko. Nagkunwari pa kong hinahanap 'yung imaginary ipis.

"Yuck Bes, huhulihin mo talaga 'yung ipis?" maarteng tanong ni Cherry.

"Oo, huhulihin ko, at saka ko iiitsa sa 'yo."

"Sungit!"

"Naku hijo, pasensya ka na. Nakakahiya naman sa 'yo. Nak, hanapin mo nga 'yung ipis na 'yun at patayin mo." Hiyang-hiya si Nanay. Kung alam lang niya 'yung baklang bakulaw na 'yan ang gusto kong patayin nang wala nang manggulo sa 'kin.

"Oo nga Bes, hanapin mo 'yung ipis, nakakahiya kay Brenda," gatong din 'tong si Cherry.

"Wala na 'yun! Kumain na nga lang tayo, gutom na 'ko. At ikaw," tinuro ko si Brenda, "Pwede ka na umuwi. Tapos na tayong mag-usap."

"Nak, meron ka ba ngayon? Bakit ang sungit mo?" Tinignan ako ni Nanay na parang sinasabing tumigil ako. Tapos tumabi siya ng upo kay Brenda, "Hijo dito ka na kumain."

"Talaga Mommy?" Ano raw? Mommy? Kapal! Ang kapal kapal niya! Kanina lang si Cherry tinawag niyang beshy, ngayon naman Nanay ko tinawag niyang mommy!? Ano sa susunod mga kapitbahay ko tatawagin naman niyang neighbors?! Tapos makikipag-close siya at makikipagchismisan na rin sa may kanto?!

"Ang sosyal, tinawag niya akong mommy," natawa pa si Nanay. Pati si Cherry, palihim na tumatawa, samantalang ako, bagsak lupa ang panga.

"Can I call you Mommy?" malanding tanong ni Brenda. Feel na feel naman niya.

"Si Cherry kasi tita ang tawag sa 'kin, pero sige na nga, minsan lang maging sosyal 'tsaka wala naman akong anak na lalaki." Napasapo na lang ako sa noo, nagustuhan pa ata ng nanay ko.

"Diyan na nga kayo!" Nauna na 'kong maupo sa harap ng hapagkainin namin. Ikakain ko na lang 'yung bwisit ko.

Sa lamesa ang upo namin, ako at si Cherry ang magkatabi, sa tapat ko si Brenda at si Nanay. Si Nanay todo asikaso sa kanya. Tuwang-tuwa naman si Brenda at tawag nang tawag ng mommy sa nanay ko. Ngayon lang daw siya napagsilbihan ng nanay kasi 'yung mommy daw niya namatay pagkapanganak sa kanya. Kahit bwisit ako sa kanya, nakaramdam naman ako ng awa. Hindi ko kasi alam kung anong magiging buhay ko kung wala si Nanay. Ang hirap ng walang nanay.

"Paano pala kayo nagkakilala ng anak ko? Kailan pa kayo naging magkaibigan? Kasi ngayon lang kita nakita. Hindi ka naman kinukwento sa 'kin ni Alex," tanong ni Nanay. Umiinom pa naman ako ng tubig kaya bigla akong nasamid nang marinig ko 'yung tanong niya.

"Ok ka lang Bes? Ito tubig o inom ka muna," patawa naman si Cherry, sa tubig nga ako nasamid, tapos tubig ulit? Napatingin na lang ako kay Brenda nang simulan niyang sagutin 'yung tanong ni Nanay.

"Uhm, ganito po 'yun Mommy. Nag-meet kami ni Alex sa party ng friend ko, then nagkwentuhan, sharing ng problems, tapos –"

"Tapos wala na Nay, 'yun lang po," pagsingit ko sa usapan nila.

"Ah yung party ba na pinuntahan ni Alex nung nakaraang araw?" tanong ni Nanay.

"Correct Mommy! Doon nga po, tapos—"

"Tatapusin kita subukan mo lang magkwento," bulong ko na mukhang narinig naman niya at buti hindi narinig ni Nanay. Wala na siyang ibang kinuwento tungkol sa 'min, puro na lang tungkol sa kanya. Mayaman pala talaga sila, kasi ang dami nilang negosyo. Nakapag-aral din daw siya sa ibang bansa. Tapos kinuwento na naman niya 'yung tungkol sa restaurant niya. Pinuri rin niya 'yung luto ni Nanay. Si Nanay naman tuwang-tuwa, lalo nang itanong sa kanya ni Brenda 'yung recipe ng Adobo niya. Kumuha pa talaga si Brenda ng papel at ballpen at sinulat lahat ng ingredients pati step by step kung paano lutuin. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ginagawa niya lang 'yun para mapalapit kay Nanay, para makuha niya 'yung loob tulad ng ginawa niya kay Cherry. Pero ako, kahit anong gawin niya, ayoko sa kanya!

Nang matapos kami maghapunan, nagpaalam na siya. Hinatid pa nga siya ni Nanay hanggang sa labas, tapos si Cherry sumabay na rin sa kanya. Nakita ko nga 'yung kotse niya na sinasabi ni Cherry, at mukhang mamahalin nga.

"Bye Brenda! Balik ka ha!" Paalam ni Nanay sa kanya, at pakaway-kaway pa. Teka, anong sabi ni Nanay? Pinababalik niya si Brenda?

'Nay naman. Kainis naman. Pati ba naman ikaw?

A/N: Pasensya sa update, medyo lusaw pa utak ko.. haha! XD

Panagutan Mo 'Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon