Chapter Five

2.1K 40 11
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

The Sweet Battle Begins

Julia

Nagising ako nang paulit-ulit na magring ang cellphone ko. Tss, ano ba yan ang aga-aga pa nambubulabog na!

Tinignan ko na kung sino ang nag-text. Sino pa ba? Edi si Mr. Casanova na mukhang kwago na patpatin na kamag-anak ni Batman!

Grabe! Kahit kailan, BWISET sya sa buhay ko!Hassle sya ng bonggang bongga! Kahapon pa sya, simula nung halikan nya ako sa pisngi malapit sa li--, hays, ayoko nang ituloy! Ang sagwa isipin! Nakakasuka!

From: Bebe DJ ❤️

Bebe ko, gising na! Agahan mo pumasok sa school ha? See you later! :*

Oy ha! wag kayong assuming dyan at kiligin. Sya kaya yung nagpalit ng pangalan nya sa contacts ko! Pangalan nya kaya dati dun Haliparot King pinalitan nya lang kahapon! Dami daming arte sa katawan.

So, ayun na nga feel na feel nya ang pagtawag sa akin ng bebe! Ang laswa, nakakasuka.

Bakit Bebe? Kasi pangit na daw ang Babe, yun daw kasi ang tawag sa kanya ni Kathryn eh! Saka yun daw madalas na endearment nila ng mga EX's nya. Kaya, umoo nalang ako. Parte 'to ng plano kaya ko to ginagawa, okay?

By the way, ayun na nga. Parang kahapon ang sweet sweet nya sa akin. Hanggang ngayon! Bwisit nga eh, ang landi landi nya! Ang daming alam! Palibhasa sanay sa landian.

Ewan ko ba kung peke lang yung pinapakita nya o ganun lang talaga sya. Siguro kaya marami ang patay na patay dito kasi sweet sya sa mga babaeng gusto nyang maging syota. At malakas mambola!

I wonder, ilan na nga kaya ang nahalikan nyang babae or ilan na kaya ang naikama nya? I mean, imposible namang wala diba? Kasi napakarami nyang babae tapos ang landi landi pa nya. Pero teka, bakit ko nga ba yun iniisip? Hay! Whatever!

So ayun, binilisan ko na ang kilos ko para makapasok sa school. Alam nyo naman na as a GIRLFRIEND kelangan maging sweet sa BOYFRIEND nya! Eww! Nandidiri talaga ako sa mga sinasabi ko! Kill me now! Please!

Nasa school na ako ngayon at palinga-linga kung saan saan. Malapit na nga yata mabali yung leeg ko eh! Exaggerated much? Hehe.

Nakakabanas na kasi eh! Sabi nung mokong, agahan ko daw ang pasok ko tapos pagdating ko wala naman pala akong dadatnan! Paking teyp talaga!

Wait, ibig sabihin nag-aasume ako? Hindi, hindi! It's a big NO! Typo Error lang yun, okay?Saka naiinis lang ako kasi sinayang nya yung oras na sana itutulog ko pa! Imbyerna talaga.

So pumunta nalang ako sa may cafeteria namin at kakain nalang ako! Masarap ang buhay single no! Kaso hindi na ngayon! Kasi alam nyo na.

Habang kumakain ako bigla nalang tumunog yung speaker.

"All students, proceed to the auditorium immediately especially Ms. Montes."

Naks! Special mention! Pero takte, nakakakaba no. Hindi ko pa yata narinig na may special mention pag tumutunog yang speaker!

Hala?! Anyare? May ginawa ba akong hindi kaaya-aya at pinapatawag ako? Nakakaloka! Pag-pray nyo ako sa maaaring mangyari ngayon! Pano na ang pagiging first honor ko? Baka mabahiran ng pangit na image.

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon