Mga kakatwang karanasan....

412 3 1
                                    

Foreword: hello po sa mga mambabasa... First time ko pong magtry na magsulat dito... Hango po ito sa mga karanasan ko at mga kakilala ko... Sana po magustuhan niyo...

Ang dating bahay

Ang lumang bahay namin ay di mo matatawag na luma na dahil ginawa ito mga 1980's, 1983 to be exact kaya hindi mo aakalain na makakaranas kami ng mga kakatwang karanasan dito. Narito ang ilang karanasan namin sa bahay namin....

THE BLACK LADY

Umuulan nang araw na yun nang pauwi na kami mula sa school. Medyo ginabi kami kasi hinintay pa na mapuno ang jeep sa paradahan bago bumiyahe pauwi sa bayan namin. Mga 1 hour din ang biyahe mula sa city hanggang sa bayan namin. Di namin kasama ang isang kapatid ko kasi di siya nakapasok sa school dahil may lagnat. Naiwan siya sa bahay kasama ng Mama namin. Habang nagpapahinga siya sa salas, nakarinig siya ng pagaspas ng mga dahon sa labas ng bintana, di niya pinansin dahil inisip niya na dahil yun sa hangin...

Mama: Mervin ank, maiwan ka muna dito ha?? Hihintayin ko lang sa waiting shed ang mga kapatid mo dahil umuulan. Wala pa naman silang dalang payong... Kung nagugutom ka na eh may pagkain naman diyan sa mesa..

Mervin: Opo Ma.. Hihiga lang ako dito sa sofa. Manonood lang po ako ng tv.

Mama: O siya sige, ako'y lalabas na at baka dadating na ang mga kapatid mo, baka mabasa pa sila ng ulan pag di ko nasundo

Mervin: okay po... Ma, bilhan niyo na rin ako ng kendi sa tindahan.

Mama: O sige. Pahinga ka na lang muna diyan.

Lumabas na nga ang Mama namin para maghintay sa pagdating namin... Naiwang mag isa ang kapatid namin sa bahay.. Malapit lang naman yung waiting shed sa bahay namin... Nanonood siya noon ng tv nang marinig niya ang pagaspas ng mga dahon. Di na lang niya pinansin dahil baka hangin lang yun dahil nga umuulan... Nakarating na yung jeep sa babaan namin at sinalubong na nga kami ng Mama namin.

Habang naglalakd kami pauwi, bigla naming narinig na may sumigaw ng malakas mula sa bahay namin. Kinabahan ang Mama namin dahil nga naiwang mag isa yung kapatid namin doon. Nagpasya kaming takbuhin na lang yung daan papunta sa bahay namin...

Nagulat kami pagdating namin doon kasi wala sa sofa yung kapatid ko at naiwang bukas ang tv.... Hinanap namin siya at nakita namin siya sa loob ng kuwarto at nakatalukbong ng kumot.... Takot na takot ang itsura niya at namumutla pa...

Mama: Mervin anak, ano ang nangyari at sumigaw ka??? At bakit mukhang takot na takot ka?? Namumutla ka na!

Mervin: Mama, may babae kanina sa bintana!!!

Mama: ano???? Sinong babae??? Imposible yun anak kasi isinara ko ang gate paglabas ko at kung may pumasok man, makikita ko mula sa waiting shed!!!

Mervin: Totoo po ang sinasabi ko Mama... Nandoon siya sa labas ng bintana na nasa tabi ng tv kanina... Nanlilisik yung mata niya at nakatingin sa akin... Tinatawag pa nga niya ang pangalan ko at sinabi niya na kukunin daw niya ako...

Tumaas ang lagnat ng kapatid ko nang gabing yun kaya magdamag siyang binantayan ni Mama.... Pinatingnan siya sa albularyo nang sumunod na araw at gulat na gulat si Mama sa sinabi ng manggagamot..

Sinabi nga manggagamot na may masamang espirito daw na babae ang gustong kumuha sa kapatid ko at kung di daw nabantayan nang nagdaang gabi, baka tuluyan daw itong nakuha.

ANG LIKOD BAHAY

Medyo malaki yung lupang kinatitirikan ng bahay namin kaya maaliwalas sa harap at may mga puno ng prutas sa likod bahay namin... Nag alaga ng mga baboy, manok, pato at iba pang hayop ang Papa namin.. Maliban sa mga native na manok, mayroon din siyang mga manok na panabong...

Ugali na naming magkakapatid na maglaro sa likod bahay dahil nga may mga puno at kulungan ng mga hayop dito... May puno ng aratiles, mangga, sampalok, at mga puno ng kamatsile... Mahilig kaming manguha ng mga bunga ng aratiles at kamatsile dahil nga matatamis ang mga bunga nito...

Isang araw, habang naglalaro kami ng habulan, nakita ko na biglang natumba yung isang kapatid ko na para bang may nabangga siya pero wala namang kahit na ano sa harap niya, kinantyawan pa namin siya na mukha siyang lasing kasi natutumba kahit walang kabanggaan... Nagpatuloy kami sa paglalaro at isa sa mga laro namin eh yung parang nasa sasakyan na hinihila... Sasakay yung isa sa amin sa isang kahon at tulong tulong kami sa paghila ng sasakyang kahon, hustong nakaalis lang kami sa kinatatayuan namin nang biglang may bumagsak na isang bote sa lupa kung saan ako dating nakatayo... Nagulat kami kasi yung apgbagsak niya parang talagang ibinato mula sa itaas ng puno ng kamatsile, nagtaka kami kasi wala naman tao sa itaas ng kamatsile para gumawa nun.. Di rin pwedeng galing sa labas ng bakuran kasi mataas yung pader sa likod bahay namin. Di na lang namin pinansin yun kasi tinawag na kami ng Mam namin para pumasok.

Makalipas ang ilang linggo, nagulat kami kasi parang tinubuan ng galis ang mga braso ng kapatid ka na natumba.. Nagkaroon ito ng mga sugat at parang pigsa sa laki ang mga ito at nagnanana pa.. Pinatingnan ng Mama ko sa doktor at niresetahan siya ng gamot. Di gumahualing yung sugat sa braso niya kaya nag alala na rin ang Mama ko. Nang magpunta ang kumpare ng Papa ko sa bahay para tingnan ang mga alaga naming hayop (beterinaryo kasi siya), nagulat siya nang makita ang kapatid ko. Buong braso na kasi ng kapatid ko ang may sugat at namamaga pa ito. Tinanong niya mga magulang ko tungkol dito at sinabi nila na pinatignan na sa doktor pero di rin maipaliwanag ng doktor ang nangyari. Pinatigil muna sa pag aaral ang kapatid ko kasi baka tuksuhin siya ng mga kaklase niya.

Sinabi ng kumpare ni Papa na di pangkaraniwan ang sugat na lumabas sa braso ng kapatid ko at may duda na siya kung ano yun. Kinausap niya sina Mama na maghanda ng mga kailangang sangkap at babalik siya kinabukasan. Nang sumunod na araw ay bumalik nga siya at may kasama siya na isang dalagita. Nagsindi sila ng kandila at nagsalita yung dalagita ng mga salita na parang wikang Latin. Hinawakan niya ang mga braso ng kapatid ko at idinampi yung kandila dun sa braso niya. Hinagod niya ito nga kandila at nagulat ako kasi may lumabas na parang mga balahibo ng aso sa mga sugat niya... Natakot ako kaya ipinasya kong lumabas na lang, paglabas ko ng pintuan, biglang humangin ng malakas kaya hinila ako ng kumpare ni Papa pabalik sa loob ng bahay.

Ipinaliwanag sa amin ng dalagita na may mga nakatira daw sa likod bahay namin na mga nilalang at natuwa lang daw sa kapatid ko. Natakot kami pero sinabi niya na mababait naman daw ang mga ito at bantay sila ng likod bahay namin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga kakatwang karanasan....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon