One Hot Thesis Partner (One Shot BS)

134K 931 127
                                    

 

EDITED VERSION: NOVEMBER 2, 2013

PINALITAN KO RIN PO ANG PANGALAN NG LEAD FROM JANELLA TO KRISTINE! BAKA MALITO KAYO EH! HUEHUEHUE

--

 KRISTINE's POV’s POV

Nakatingin ako sa Computer ngayon. at nakaface palm, Langya Kristine bakit sya pa kasi ang pinili mong Thesis Partner? langya ikaw tuloy nahihirapan ngayon. paano gagawin yang tally na yan ha? Pagmomonologue ko sa sarili ko. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko? Di naman kasi no choice ang peg..

Bakit ba ako lumapit sa Ice na yun para sabihin na "Ano.. Ice.. uhmm. pwede ba kitang maging Thesis Partner?" Aish! Kairita much! diba? kung di din ako pinanganak na malandi eh, ewan ko ba sarili ko para akong shunga na ewan!

Pumayag naman sya ang bright pa nga ng ngiti eh. Paano di sya mahihirapan kasi ako ang partner nya. Ano ang benefits ko as his Thesis Partner? magiging seatmate ko sya for 2 whole quarters, OO na crush ko sya bakit masama? Masama bang magkacrush sa Gwapo, mabait, musically gifted at Campus Hearthrob. siguro para sa isang chubby, Nerd at Negrita  na tulad ko.

Pinatay ko na lang ang Computer at natulog

Lumipas ang isang buwan,walang ginawa tong thesis Partner ko kundi matulog. pag pagsusulatin ko ng Notes sa thesis. dun sa babaeng may crush sa kanya nya pinapagawa, eh ang pangit ng sulat nun. Kairita! Sumasakit ang ulo ko. shetlaks! "Seatmate, ako na magpapasign ng Survey forms natin?" sabi nya sa akin kasabay nun ay ang ngiti nya. Naku bakit ba ang gwapo mo para kang si Oh Sehun napapa Ooh talaga ako sayo "sige.. ay penge pala 200 bibili ako ng materials" sabi ko sa kanya na naka Poker face. "150 muna wala akong pang gas eh.. samahan mo ako magpasign" sabi nya sa akin,  kasabay hila sa akin sa labas ng room.

wala na!.. hinila na ako, edi ako na kinikilig... Paano kasi ang kamay nya nakahawak sa akin. Alam mo yung tumutulo ang laway ko habang naglalakad kaming dalawa. Pumasok sya sa isang classroom, Tapos may lumapit sa amin na babae at kiniss sya  "Ice, napadaan ka?" tanong nung magandang babae na malamang ka batch ko at GF nya.

"wag mo ikiss may kasama ako oh" sabi naman ni Ice sa babae, tama yan. nagseselos ako Charot? Pero nagseselos talaga ako pag may mga babae na pretty ang lumalapit sa kanya Nagpacute muna sya syempre "Sarah. pasagot naman oh. bigay mo sa limang magandang girls sa loob" sabi nya dito at kinindatan nya namula naman ang babae at saka tumingin sa akin

"Okay.. who's that girl Ice?" tanong nung babae. "My new Girlfriend" sagot nya sa babaeng iyon. Para akong nahimatay sa sinabi nya sa akin "that girl? She's what... ewww"sabi nung babae "aba! Sumusobra ka na ata! Ice pigilan mo ako.. sasakalin ko to!" sabi ko. hinawakan ni Ice ang kamay ko.

"It's okay Honey, wag na.. psagot na lang nung forms.. we will wait here" sabi nya sa akin. sabay wink.  Natigil naman ako doon, tinawag ba nya akong honey? As In Honey bee? Yung Pulot pukyutan, ano ba ako bulaklak at siya ang bee? 

One Hot Thesis Partner (One Shot BS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon