Be My Girl - cHappy nineteen

2.6K 62 7
                                    

Be My Girl – cHappy nineteen

 

MARA’s pov

“Mukhang close na close kayo ni Lester ah. May something ba sa inyo?”

Nagulat naman daw ako sa biglaang tanong nitong si Cornelia. Kasalukuyan nga pala kaming naglalagay ng decorations. Inaabot ko sakanya ‘yung mga paraphernalia, siya ang taga-dikit sa taas.

“Sana nga meron eh.” Nagmamaktol kong sabi. Natawa naman siya.

“Libreng mangarap, ‘teh. Osiya, speaking of the devil.”

Ayun nga, palapit na sakin si irog. “Tapos na ba kayo? Dinner time na daw sabi nila Ken.” Nakangiti na naman siya. ‘Yan na yata ang hindi mawawala pag nakikita mo siya. Palaging nakangiti.

“Sige, konti na lang naman matatapos na kami eh.”

Nagpatuloy sa pagdidikit si Corn. Ako naman eh nakatingala lang sakanya.

“I’ll help. Para mapabilis na—“

“Hep!”

Nakita kong naglalakad papalapit samin si Ash. “Tama na ‘yang panliligaw, Les. Tumakas ka na naman. Tss~ Oy, hiramin ko muna ‘tong crush mo ah. Kbye!” tapos bigla-bigla niya na lang hinila si Lester palayo samin.

“Ayun naman pala eh, nanliligaw naman pala sa’yo ‘yung tao. Bakit ayaw mo pang sagutin?”

“Hindi nanliligaw sakin ‘yun ‘no.” ungot ko. Sa hindi naman talaga eh. “Magkaiba kami. Haynaku! Tapusin mo na nga ‘yan. Dakilang tsismosa ka rin eh no?”

“Curious lang. Duh~”

Pagkatapos naming magkabit, naglinis na kami ng kalat at pumunta ng Cafeteria. ‘Buti na lang pinayagan akong mag-overnight. Grabe, ganito pala maging coordinator. Sobrang nakakapagod. Yaan na. Matatapos na rin naman kami eh. Tapos na kami sa decorations, magrerehearse na lang kami para sa mga event like Kilos-awit, Balagtasan, Prinsipe’t Prinsesa ng Wika at marami pang iba. Friday ngayon at next week na ‘yung mga event na sinasabi ko.

Pagkapasok namin sa loob nagkakasiyahan na sila. May kumakain, kumakanta, natutulog, nagtatumbling, naghe-headbang, nagkakatol at kung anu-ano pa. Mga baliw lang eh~

“Dito ka na maupo.” Hila sakin ni Lester. Umupo naman ako tapos nagsimula na kaming kumain. Ewan, sa sobrang pagod hindi na ko makakibo. Antok na ko. Kanina pa kami busy-ing busy.

“Antok ka na?” tanong niya sakin. Ang lambing talaga ng boses niya. Arkilahin ko kaya ‘to ng isang araw hehehe~ XDD

“Medyo.”

“Tara lakad-lakad muna tayo para bumaba ‘yung kinain mo at makatulog ka na.”

“Pero hindi pa pwede...” marami pa kaming gagawin.

“Akong bahala.” Tapos hinawakan niya ‘yung kamay ko at naglakad-lakad na kami sa labas. Nakarating kami sa front field.

“Hindi ka ba nilalamig?”

“Hindi. Ang init-init nga eh.” Global warming talaga, oo! Kahit gabi mainit pa rin. Muntimang.

Be My Girl [TSCM series 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon