Tell Me Your Name

29 0 0
                                    

Tell Me Your Name..

Hi! Ako nga pala si Sandra.Sandra Garcia.Isa pala akong accountant at nag tra-trabaho sa isang tanyag na Bangko,Marami na nga akong mga artista na naging kliente eh!

Mag wa-one year na ako dito,Sabi nga ng manager namin eh mahirap daw akong pakawalan kasi daw  mabait DAW ako,madali lang daw akong kausap o madaling makumbinsi ng mga kliente MAGANDA pa daw.Grabe mambola Manager namin nuh? Kasama ko palang nag tra-trabaho yung bestfriend ko si Gemma Agustin.Malaki utang na loob ko dyan eh! kung di dahil sa kanya di sana ako nakapasok dito.Di sana wala pa akong kotse walang sariling Condo at wala sanang Isang Market sila Mama.

Oh, nandito na pala ako.

"Sandy bakit ngayon ka lang? at nasaan kotse mo?"Tanong agad ni Gemma.By the way Sandy pala nickname ko.

"Eh na traffic kasi yung taxi na sinasakyan ko at nasa talyer pa kotse ko.Bukas ko pa makukuha."Sabi ko habang inaayos ang gamit.

"Teka.. wait!"Sabay pinaharap sa kanya.

Ano na naman?

"Di ka ata masungit ngayon.Blooming na blooming ah!? Congrats!" Kanina pa kasi ako naka ngiti. Unusual nga eh.Di naman ako pala ngiti simula nung.. arrghh wag na nga lang natin balikan.

"Di ko nga rin alam Em eh! di mawala-mawala ngiti ko."

"Baka may magandang mangyayari.Yes! may kapalit na si Jake!" Naguguluhan ba kayo sa sinabi ni Gemma? Si Jake.Jake De Vera ang First Love ko,First Boyfriend,First Kiss ko.

Kaya lang may nag hadlang sa pagmamahalan namin.Teka! bakit ko ba yun binabalikan? 

"Uy! nasaan ang name tag mo?Patay ka kay Mr. M!"Napahawak ako agad sa kaliwang dib-dib ko.Oh no! wala nga.

"Patay! na iwan ko sa drawer.Bakit ko ba yun nakalimutan? Aishh!!"Sabay dabog.

"Tumigil ka nga! Di mo na yun pwede balikan may client na paparating."Sabi ni Gemma sabay ayos ng upo.

Pumunta sa kanya yung client.

"Em Cr muna ako ha? aayusin ko lang 'tong palda ko,lumuwag bigla."Bulong ko sa kanya,nag nod lang sya at ako ay dumiretso na sa Cr.

Pagbalik ko parang may Shock kaya di ako nakagalaw. Like I was stunned.

Bakit nandito sya?

I was snap back to reality when Mr.M or our Manager spoke.

Tell Me Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon