NBSB (No Boyfriend Since Break-up)

40 0 0
                                    

Hi, ako nga pala si Raffie.

16 years old.

Icoming 1st year College sa isang skwelahan dito sa Davao.

Flashback *year 2008*

Konti nalang, graduate na ako sa elementary. Haha, malapit na nga pala pasukan. Sigurado akong       walang madaragdag sa amin sa section.

Nasa first section nga pala ako, Grade 6-A sa Captain Thomas University. 

May seatmate ako, si Lou. Sabay kaming uuuwi araw-araw.

Magkalapit lang kasi lugar namin

May mga barkada din ako. Sina Reese, Deb, Haz, Kim, at Sharlyn.

Lahat kami ay mga journalist, except kay Haz.

Meron din akong mga classmate na tinturing kong parang kapatid.

Si Julia, Mae, at Jaq.

Meron din akong friends sa ibang section.

Sina Hanna, Eren, Queen at si Peng.

Lahat yan babae. Hahahaha, di pa ako masyadong close sa mga lalake noon. Crush ko kasi mga lalake sa palibot ko. Hahahaha, isa a roon si Rael. One year ahead sa amin. 

Pero kahit na alam nating lahat na masyado pang maaga for lovelife eh may lumabas na issue tungkol sa akin. Sa amin actually ng friend ko.

Hahahahahaha, oo. May kumakalat na chismis na kami raw ni Peng. Pero di naman :) 

Lumipas ang mga buwan at naglaho rin ang issue tungkol sa amin. Pinagtatawanan nlg namin ang nakaraan.

Bilang ako, sabay sa uso. Hilig akog makipagtext sa kung sino sino lang. 

Isang araw may nagtext. "Hi, pwede makipagtextmate?"

Tinanong ko naman kung sino.

Sagot nya "Secret admirer mo."

Hahahahahahahaha, Jusko naman. Sa pangit kong to at sa katwan kong parang dambuhalang dolphin, may magkakagusto?!

Sinagot ko naman "Sira! Lang magkakagusto sa akin. Di ako maganda at di ako karapat dapat ibigin."

 Sagot niya, "Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

"Ano ba kasing pangalan mo?"

Sagot niya, "Joel Natividad"

Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung pinagloloko ako.

Siyempre, bilang makapal ang mukha ko, pumunta ako sa room at nagtanong sa teacher nila,

"Maam, sino si Joel Natividad?" Nang walang anu ano ay tinuro nang buong klase ang isang lalakeng nakaupo sa may gilid ng pinto.

Nahiya ako kasi nga nalaman kong totoo ang pinagsasabi niya kayat umalis ako. 

Ayun, nanligaw sya. Hahahahahahaha 

Iba naman ang style ko sa pagcontest ng true loove, tinanong ko sya.

"Gusto mo ba talaga ako?"

Sabi nya "Oo naman. Bat mo natanong?"

Tinanong ko uli, "Gano kalaki pgmamamahal mo para sakin? Sin laki ng bato o sin laki ng Sun?"

Hahahaha, syempre pinili nya ang sun. Mahal nya ako eh :) Hahahaha, kapal din ng mukha ko.

Feeling ko ang haba ng buhok ko nung nililigawan niya ako.

Kahit anong jeep sakyan namin, susundan nila para lang sabay kami sa iisang jeep.

Kahit na naiwan ang sapatos ng isa nilang kaklase sa pagmamadali.

Isa pang buwan ang nagdaan bago naging kami. 

March 19, 2009 - Naging Kami ni Joel Natividad

March 29, 2009 - Naghiwalay kami

Oo, naghiwalay kami. Nalaman kasi agad ng parents ko.

Masyado akong suplada noon. Pero sa totoo lang, nung graduation namin, gusto ko siyang yakapin. Medyo mahal ko na sya nun eh. Naudlot nga lang ang pag-iibigan namin.

Nagpatuloy sya sa panliligaw kahit magkaiba na ang skwelahan namin sa highschool.

Iniyakan ko siya, di nga lang nila alam. 

Pero may shinota ako sa text. Gago rin yun, pero quits lang. Ginawa ko siyang panakip butas, ganoon rin sya.

Hanggang sa ako na ang napagod sa paghihintay nya, sinabihan ko na syang maghanap nalang nang iba. 

2nd yr high school na ako nun. Nanliligaw pa rin sya. Pero...

.

.

.

.

.

Di ko naman inakalang tototohanin nya.

.

.

.

. Naghanap siya ng ibang paglalaanan ng panahon at atensyon. 

Hindi ko alam na nakahanap na pala sya, sa panahon pang babalikan ko na sana sya /3

.........To be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NBSB (No Boyfriend Since Break-up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon