Birthday Gift (One-shot Story)

15.7K 267 94
                                    

 BIRTHDAY GIFT

BY: SUPERNINJADOO

ALL RIGHTS RESERVED 2013 J

CHELLE’s POV

Mahigit limang taon na rin nung huli kaming nagusap ni Kyle, ang best friend ko. Nagaway kami dahil sa girlfriend nya na hiniwalayan din naman sya. Ngayon ako ang sinisisi nya. Di ko rin naman sya masisi dahil 3 taon rin ang tinagal nila at 12 taon naman ang pagkakaibigan namin..

Di ko nakakalimutan ang friendsarry namin at ang birthday nya. Taon - taon akong nagpapadala ng regalo sa kanya. ngunit taon taon rin itong bumabalik sa akin kundi naman bumabalik nakikita ko sa basurahan ng labas ng bahay nila.

Di lang kaibigan ang tingin ko sa kanya, mahal ko sya... MAHAL na MAHAL. 

Ngayon nakatayo ako sa harap ng bahay nila at hinihintay syang lumabas. nagulat ako ng makita ko si Dianne yung GF nya na pinagaway kami. naghahalikan sila at mukhang nagkabalikan na. Natuwa ako dahil sa pangyayaring iyon malaki ang chance na mabalik namin ang friendship namin. Nilabas ko ang regalo ko. iyon pa rin yun, gusto ko kasi talaga mapasakanya ito. kaya kahit ilang beses nyang itapon o ibalik ibibigay ko pa rin.

Lumabas sila ng gate..

Ngumiti ako at lumapit sa kanila. "Kyle" tawag ko sa pangalan nya. gusto ko na kahit sa huling pagkakataon ay tanggapin nya ang regalo ko.

Lumingon sila sa akin nakita ko ang pagkabanas nya nung nakita nya ako "Ano bang ginagawa mo dito?" tanong nya sa akin

Ngumiti ulit ako "Ano.. kasi.. Happy Birthday" sagot ko sa kanya sabay abot ng regalo ko. tiningnan lang nya yun tapos kinuha nya

"Sana tanggapin mo naman yan. I'm Sorry talaga, gusto ko lang naman magkaayos na tayo eh" ako.

*Blag*

Tunog ng nalaglag na regalo. hinagis nya yun sa lupa at tumingin sa akin. naluha na lang ako "wala lang ba sa yo yung friendship natin" ako.

"Tinapon ko na... I cannot trust you" sya. 

"Okay naman na kayo diba? baka pwedeng tayo rin Kyle" ako. he just looked at me and smile sabay sipa ng Carton "Nagkabalikan nga kami pero nasira na ako sa mata ni Dii" sya.

Ano yung pinagawayan namin? simple lang.. I Kissed him. I was madly inlove with him pagkatapos nun nagalit sa kanya yung GF nya at siniraan ako sa pamilya ni Kyle pati kay Kyle narin. pagkatapos nun hiniwalayan nya si Kyle at pinagkalat sa Eskwelahan na may masamang reputasyon ito.

Pero bakit sa akin sya galit? eh di naman ako nang tsismis... All I did was love him...

"Kyle, please. tanggapin mo na to? kahit di na tayo magbati.. tanggapin mo lang, if you want you can throw it.. tanggapin mo lang o kaya buksan mo lang" ako.

Birthday Gift (One-shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon