Panagutan Mo 'Ko! *7*

43.5K 894 140
                                    

Panagutan Mo 'Ko! *7*

Takbo. Takbo. Takbo. Hindi na 'ko lumingon. Sige lang ang takbo ko para 'di nila 'ko maabutan.

Ano kayang ipinakain nung bakla na 'yun kay Cherry? Sobrang suportado! Tama ba namang samahan pa sa paghihintay sa labas ng classroom ko? Humanda 'yung si Cherry sa 'kin kapag nagkita kami. Kukutusan ko talaga siya!

Pagdating ko sa labas ng school, pinara ko 'yung unang jeep na nakita ko at sumakay sa harapan. Buti na lang puno na 'yung jeep at umalis kaagad. Kung nagkataon kasing hindi pa puno, malamang nag-stay pa 'yun sa tapat ng school para maghintay ng pasahero at baka abutan pa ako nina Cherry.

Sinuswerte pa rin ako.

Pagdating sa kanto namin, pumara na ako. Kung dati nilalakad ko mula kanto hanggang sa bahay namin, ngayon nag-tricycle na 'ko. Mas makakauwi nang mabilis mas mabuti. Pagpasok ko ng bahay nakita ko si Nanay sa kusina na nagluluto. 'Yung bahay kasi na inuupahan namin pagpasok mo, kita mo agad lahat, sala, kusina, tapos may dalawang maliit na kwarto.

"Nay, nandito na po ako." Lumapit ako kay Nanay 'tsaka humalik sa pisngi.

"Gutom ka na ba? Malapit na 'tong maluto," sabi niya.

"Medyo po. Napagod po 'ko kakatakbo kanina eh," wala sa sariling sagot ko.

"Kakatakbo? Bakit hinabol ka ba ng aso? Napagtripan ka ba ng mga tambay dyan sa may kanto?" Alalang tanong ni Nanay.

"Nay hindi po! Sa P.E. po namin. Pinatakbo po kami sa P.E. namin kanina," palusot ko. Syempre 'di ko naman pwede sabihin na may tinakbuhan akong bakla na pilit akong sinasabihan na panagutan ko siya.

"Ah, ganun ba? O, sige magpahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita 'pag kakain na tayo." Sabi ni Nanay kaya pumasok na 'ko sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Lumabas din ako agad at nagpunta sa sala para manuod ng TV. Lipat ako nang lipat ng channel, wala namang mapanuod na maganda. Paano naman kasi tatlong channel lang ata nasasagap nitong antenna ng TV namin. Daming choices 'no?

Habang lipat pa rin ako nang lipat ng channel, nagbabakasakaling may masagap na bagong channel 'tong TV namin may kumatok sa pintuan.

"Alex, tignan mo nga kung sino 'yun," utos ni Nanay sa 'kin.

"Opo!" sagot ko naman, kaya tumayo ako at naglakad papunta sa may pintuan. Pagbukas ko ng pintuan, isinarado ko kaagad nang makita ko kung sino 'yung nasa labas.

"Hoy! Alex! Bakit mo ako pinagsaraduhan! Hoy Bes!" sigaw Cherry, habang kumakatok.

"Hindi kita papapasukin, kasi baka may kasama ka d'yan!" sagot ko naman.

"Wala na! Umuwi na! Ako lang 'to!" Sumilip naman ako sa may bintana, para makasiguro. Siya nga lang mag-isa.

"Nak si Cherry ba 'yan? Bakit 'di mo papasukin?" Narinig ko namang sabi ni Nanay. Syempre wala akong choice kundi papasukin.

"Opo," sagot ko, kaya binuksan ko na 'yung pintuan. Tumingin pa 'ko sa paligid. Sa kaliwa, at sa kanan para sure talaga na walang kasama 'tong si Cherry.

"Wala akong kasama, ang OA mo Bes." At ako pa ngayon ang OA? Hindi ko pinansin 'yung sinabi niya. Tumingin-tingin pa rin ako sa paligid.

Pagkatapos kong makasiguro, tinignan ko naman si Cherry. "Pasok na," medyo inis kong sabi.

"Sungit mo Bes," at siya pa may ganang magtampo pagkatapos nang ginawa niyang kataksilan sa 'kin kanina?

"Ako masungit, ikaw naman balimbing ka. Makatawag ka ng bes sa 'kin, pero kung ibenta mo naman ako sa baklang 'yun kanina, wagas. Uy, huwag ka maingay kay Nanay ha." Bilin ko sa kanya. Madaldal pa naman 'tong si Cherry.

"Opo." Pumasok na siya at dumeretso sa kusina at binati si Nanay. "Hi po tita!" Sabay kuha ng isang pirasong saging mula sa piling na nakapatong sa lamesa namin.

"O Cherry, nabisita ka? Malapit na 'ko matapos magluto. Dito ka na maghapunan," yaya ni Nanay sa kanya. Alam ko na isasagot niya. Si Cherry pa, tatanggi sa pagkain? Imposible.

"Talaga tita? Thank you! Miss ko na nga po luto niyo!"

"Pumunta ka lang ata dito para makikain eh." Sinimangutan ako ni Cherry dahil sa sinabi ko.

"Tita, inaapi ako ng anak niyo," at nagsumabong pa. Nangiti lang si Nanay sa 'min.

"Nay, sa kwarto lang po muna kami." Paalam ko at hinatak ko na paalis ng kusina si Cherry.

Pagpasok namin sa kwarto umupo agad si Cherry sa kama ko. "Ang bad, bad mo Bes" Nakasimangot pa siya niyan, at naka-cross arms.

"Bad, bad ka d'yan, eh 'yung ginawa mo sa 'kin kanina, hindi masama?" Tumabi ako sa kanya saka ko siya pinitik sa noo.

"Aray, Bes ha! Masakit 'yon!" Reklamo niya habang hinihimas 'yung noo niya.

"Dapat lang sa 'yo 'yan. Tama bang isama mo hanggang sa klase ko 'yung baklang 'yun. Pinagod niyo 'ko kakatakbo."

"Ba't ka kasi tumakbo? Eh 'di sana 'di ka napagod."

"Ang pilosopo mo Che, gusto mo pa ng isang pitik?" Inambaan ko siyang pipitikin uli kaya umilag naman siya agad.

"Eehhh.. Bakit mo ba kasi tinatakbuhan si Brenda? Bait, bait kaya nung tao," at pinagtanggol pa niya.

"Anong mabait don?" Hina-harass niya 'ko, tapos mabait?

"Bait niya kaya. Hinatid niya pa ako hanggang sa 'min. Ganda ng kotse niya Bes," tuwang-tuwa si Cherry habang nagkwekwento. "Tapos ang bango-bango sa loob. Pakiramdam ko nga kumapit 'yung amoy sa damit ko. Ay dapat pala 'di muna ko nagpalit para naamoy mo."

Nakatingin lang ako sa bestfriend ko, gusto ko maiyak sa kwento niya. "Hinatid ka niya hanggang sa inyo?" Namromroblemang tanong ko.

"Oo nga.. Paulit-ulit?"

"Cherrrryyyy!" Nagulat siya sa pagsigaw ko.

"O bakit?! Makasigaw ka naman ng pangalan ko parang ang layo ko sa 'yo." Nagtaka pa siya?

"Hinatid ka niya hanggang sa inyo, eh 'di alam na rin niya kung tiga-saan ako?!" Naiinis ako! Wala rin palang saysay 'yung pagtakas at pagtakbo ko kanina! Ang daldal din kasi nitong si Cherry. Kinuwento niya kay Brenda kanina na magkapitbahay lang kami.

"Oo, tinuro ko pa nga 'yung bahay niyo eh. 'Di ba mauuna 'tong sa inyo bago 'yung sa 'min?" Kung sumagot siya, parang wala lang 'yung ginawa niya. Napasapo na lang ako sa noo ko. Magwala man ako, alam na ni Brenda kung saan 'yung bahay namin. Ipagdadasal ko na lang na huwag niyang maisipan pumunta dito sa 'min.

'Di ko pa nauumpisahang ipagdasal, biglang kumatok si Nanay sa pintuan ng kwarto ko.

"Alex, may bisita ka. Ano nga pala ulit pangalan mo?" Narinig kong sabi ni Nanay. At gumuho ang mundo ko sa sunod na sinabi niya, "Nak, si Brenda raw."

A/N: Short update, yan lang nakayanan. :)

Panagutan Mo 'Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon