To WhereYou Are

24 4 8
                                    

12:30  am, madaling araw na ngunit nananatiling gising ang diwa ni Dindo. Nakatingin sa kawalan, unti unting bumabagsak ang mumunting luha sa gilid ng kaniyang mga mata habang hawak ang kamay ng kaniyang mahal na ina na ngayon ay nakaratay sa ospital. Isang buwan na halos na ganito ang buhay ng 17- anyos na binata na si Dindo. Hindi pumapasok sa eskwela at siya ang tumatayong Ama sa kaniyang nakababatang kapatid na si Ella. Hindi madali para sa kanya na gampanan ang ganon kabigat na responsibilidad at sa kasabay na pagkakataon ay nakaratay pa sa ospital ang kaniyang ina na si Aling Linda. Si Aling Linda ang mag-isang nagtataguyod sa kaniyang dalawang anak matapos siyang iwan ng kaniyang asawa isang taon pagkatapos ipanganak si Ella. Diumano ay nangibang bansa daw si Ricardo ( asawa ni Aling Linda) matapos nitong iwan ang kaniyang pamilya sa di malaman na dahilan.

Dala marahil ng mabigat na responsibilidad sa pagtataguyod sa dalawang anak ay unti-unting bumagsak ang katawan ni Aling Linda, madalas magkasakit at halos di na natutulog sa paglalabada at pagtitinda ng kung anu-ano sa araw.

Nakatulugan na ni Dindo ang pagluha habang tanagan ang kamay ng ina…

“Anak umaga na…”, wika ni Aling Linda sa anak.

“Inay, umaga na po pala. Do ko na po namalayan.”, sabi ni Dindo.

“Aba eh ikaw ay umuwi muna at tingnan mo ang kapatid mo…. Baka di pa kumakain si Ella, wag mo na ako masyado alalahanin dito. Inaalagaan naman ako mabuti ng maga nars eh..” ani Aling Linda.

“Talaga po nay?”

Oo anak, napakabuti nung mga nars ditto. Lalo na si Camille”        

“Mabuti naman po kung ganun nay”

Papaalis na si Dindo ng marahang bumukas ang pinto at isang magandang dalaga ang iniluwa nito. Balingkinitan ang katawan, morena, katamtaman ang taas, makislap ang malasutlang buhok na umaabot hanggang balikat at may nangungusap na bilugang mga mata. Napanganga sandali si Dindo sa paghanga sa kagandahan ng kaharap na nurse.

          “Para siyang anghel”, wika niya sa sarili.

          “Anak! Anak!” sigaw ni Aling Linda

          Baka matunaw si Camille niyan sa tindi ng titig mo?” patuloy ng matanda habang nakangisi at tinutukso ang anak…

          “Ah, eh…… habang kumakamot sa ulo si Dindo.

          “Goodmornig po Nay Linda”, Kailangan nio nap o kumain para makainom na kayu ng gamot ninyo.” “wika ni Camille sa matanda habang inaalalayan niya itong bumangon.

          “Ay maraming salamat anak.” Si Aling Linda

          “Sya nga pala Camille,  siya ang aking panganay, si Dindo” patuloy ni Aling Linda.

Napatungo si Dindo nang lingunin siya ng magandang nars.

          “Hi Dindo”, malambing na bati ng dalaga.

          “Ah….eh,,, hi Camille, ikinagagalak kitang makilala…..

To be continued………………………………

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To WhereYou AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon