Chapter 27: <//3

2.7K 41 5
                                    

Oryt! Last day ng summer class ko sa Monday kaya makakapag-update na si Moi ng maayos. HIHIHIHI <33

Pero mukhang 2 weeks lang ang bakasyon ko. Pipilitin kong mag-update ng mag-update para matapos ko na. Thank you sa mga patuloy na nagbabasa nito! :3

--Moi

 

Chapter 27

“Yie!” biglang nagtatalon si Mich nung makarating kami sa OP, dumiretso muna kami sa KFC. “Ang sweet, sweet ni Icki! Akalain mong ganon pala yon!”

“Anong ganon pala yon?” kumain ako ng fries

“Wala naman kasi yong pinapansin dati. Sayaw sayaw lang. Nung second year lang kasi siya nagtransfer sa school, pero parang ang kilala niya lang mga members ng Dance Republic”

“Ahhh” parang naging interesado na ko sa buhay niya ngayon… dahil sa ginawa niya? “Syempre magbabago naman yon pagdating ng panahon”

“Sabagay.” Ngumiti siya ng malapad “Tsaka… nakilala ka na niya eh!”

Ngumiti rin lang ako sa kanya. Ayoko mang aminin pero kinikilig ako. Tsk. Sino bang hindi kikiligin sa ginawa niya? Argh!

After naming kumain, naggala na kaming dalawa. Kung anu-anong stall ang pinasukan namin, marami rin kaming nabili. Binigyan ako ng pera ni Mommy para pang-shopping ko daw ngayong birthday ko, wag ko nalang daw sabihin sa Daddy ko dahil magagalit yon. Sanay na kasi ako na magshopping kapag ganitong araw, kasama ko syempre si Mom… kaya medyo naninibago ako ngayon.

“Kain ulit tayo?” yaya ko kay Mich. Pumayag naman siya kaya pumasok na kami sa Mcdo. Si Mich naman ang taya.

“Order lang ako. Hanap ka na table”

Umalis na siya kaya naghanap na ko ng vacant table. Pero iba ang nakita ko…

“Claide…”

“Anthony”

“Happy birthday”

Inabutan niya ko ng isang box na maliit tapos cake.

“Salamat”

From A DistanceWhere stories live. Discover now