Bakit Nga Ba The Best ang HPS?

3.4K 140 38
                                    

Nung nakaraang araw, nagpa-trend kaming mga PatNey ng #TheBestAngHPS sa Twitter, showing our support para sa Nobela-serye na His Personal Slave/Wife ni Ellaine Larena o kilala sa Pen Name na Modernongmariaclara. 

Pero ano nga ba ang HPS/HPW Series? 

Well, isa itong story sa Wattpad na tumatalakay sa storya ng isang babae na nagngangalang Kathryn Chandria Santiago, isang "socially-awkward-nerd" na napilitang maging slave ng isang Daniel John  Montenegro  na isang "playboy-badboy-girlplayer" dahil sa isang simpleng kasalanan, ang matapunan nya ng spaghetti ang polo ng binata na nagkakahalaga 'daw' ng P200,000. 

Masyado bang simple?

Dyan lang yan nagsimula. Sino nga bang magaakala na ang isang Campus Heartthrob ay maiinlove sa isang nerd? Maaaring cliche na to sa iba, pero ito ang one and only original. Marami siguro ang magsasabi na tila ang simple ng plot, pero hindi. 

Ang maganda sa story na ito ay kung paano nila pinaglaban ang pagiibigan nila. Silang dalawa yung tipong Against all odds talaga ika nga nila. Hindi sila nagpapigil sa mga sinasabi ng iba, kahit sa kamatayan ay wala silang takot. 

Pero ang book two ang best part nito. Bakit? Sa simula ay napag-alaman ni Kathryn na buhay pa pala ang mahal nya, si Daniel, ngunit hindi na sya maalala nito. Makikita mo talaga yung true love sa part na to. Kasi hindi sumuko si Kath. Sa bandang gitna, nandito na yung mga conflicts. Bea Salvador, etc. Hindi natuloy ang kasal, etc. Umextra pa nga ako dito bilang doktora. Pero hindi sila nagpatinag, hindi sila natakot.

FAVORITE PART: Yung tinutupad nila yung 26 wishes ni Kath. Cause na-realize ko dito na kapag mahal mo talaga yung tao, there is no such thing as impossible. Sino nga naman ba ang makakakita ng lalake na gagawin ang LAHAT. LAHAT LAHAT para mapatawad ka lang nya at ma prove yung pagmamahal nya. 

Kung sa author naman ang paguusapan, ELLAINE LARENA? Wala akong masabi. Mabait, maganda, matalino, masipag LAHAT NA!  Kahit nga pati pagiging lokaloka, kinuha nya na eh. (Peace tayo Bhebs.)  Sobrang bait and down to earth. Hindi mo aakalain na sya yung author ng 3million+ reads na story sa wattpad. Para lang din syang normal na fangirl tulad  natin. 

Things that I learned from HPS/HPW:

-TRUE Love conquers all.

-True love fears nothing, even death. 

-Hindi lahat ng masama tingnan, masama na talaga. May mga bagay at dahilan kung bakit sya ganun. 

-Everything's possible when you're talking about love. 

-Kahit mahal mo yung isang tao, di mo lang sya dapat ipaglaban basta basta. Dapat isipin mo din yung kung ano ang magpapasaya sa kanya. 

Iyon lang, sabihin nyo nang OA ako or anything. Pero gusto ko lang talaga malaman nyo ang dahilan kung bakit sobra ang pagka-addict ko sa HPS HPW. AT ITO ANG REASON KUNG BAKIT AKO NAGING AVID KATHNIEL FAN. Yun lang. Signing out. Mwahmwah. 

~Number 1 HPS/HPW FAN (Foreveryoung23) (Yna Alzate)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Nga Ba The Best ang HPS?Where stories live. Discover now