Chapter 6.

82 9 1
                                    

★: First of all, pasensya na at ngayon lang po ako nakapag-update. Busy sobra eh. 5 months na kong hindi naka pag update. Hehe. But I can't promise na palagi na akong maguupdate from now on. Inactive ako ngayon lalo na at may pasok. Sem-break ngayon kaya lulubusin ko na ang paguupdate. ENJOY! And feel free to ask for dedications and book covers :) For other requestssss, just PM me or post on my message board. 

CHAPTER 6.

ELA'S POV

"Oh ano?" sabi ni Impakto.

"Anong 'oh ano?' mo jan?!" 

"Sakay na!"

Nga pala, nasa parking lot na kami. Nasa harapan na kami ngayon ng sasakyan niyang panget.

"Di mo man lang ba ako ipagbubukas ng pinto?" nakahawak pa ko sa bewang ko habang sinasabi ko yan. 

"*smirk* Kaya mo na yan!" tapos pumasok lang siya ng sasakyan niyang panget.

What the eff?! Hindi talaga gentleman! >.<

Pumasok na ko ng sasakyan niya at sinara ang pinto ng sobrang lakas. Akala niya lang ha!

"Grabe! Di ka lang pinagbuksan ng pinto, galit ka na agad?"

"Syempre! Sinong matinong babae ang hindi magagalit dun?! Lalaki ka at responsibilidad niyo ang alagaan kaming mga babae! Hindi ka ba tinuruan nun?! O ipinanganak ka lang talagang hindi gentlema --- ohmm!"

"Oh. Kainin mo yan ang inggay mo"

Bigla ba namang pinasok ang donut sa bibig ko! Bastos talaga!

Kinain ko nalang yung donut. Wala eh. Nasa bibig ko na. Sayang din pag hindi ko kinain. 

"Hoy" sabi ko sa kanya pag-ubos ko ng donut.

"Ano?" sabi niya.

"M-may donut ka pa?" nahihiya kong tanong.

Syempre! Sa masarap eh!

Narinig ko namang tumawa siya at may kinuhang box ng donut. Ewan kung saan niya kinuha yun. Basta masaya ako kasi may donut ako! Bwahahahaha!

"Oi" sabi niya.

"What?" - ako

"Penge ako!" -siya

Inabot ko sa kanya ang box ng donut ngunit tininggnan niya lamang ito at nagpatuloy sa pagddrive. Aba! Loko to ah!

"Kukunin mo ba o hinde?" mataray kong tanong sa kanya.

Nakakairita kasi eh! Sasabihing 'penge ako' tapos titinggnan lang yung donut at dedemahin ito?! Kawawa ang mga donut ano!

"Paano?! Eh sa nagddrive ako!" sabi naman niya.

"Ah. SO ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?! HOY tsong! Tandaan mo, ikaw tong nanghihinggi sakin ng pabor!"

"HOY kadin! Nasa sasakyan kita at ako ang nagmamayari ng donut na yan! Kaya may karapatan akong magalit"

"Sus highblood. So anong sinasabi mo? Susubuan kita? Ganun?" pabiro kong sabi sabay kagat ng donut. 

"Ganun nga" sabi niya ng nakangiti.

"Ah! Sus! Ganun lang pal --- *tapon donut. EW* YACK! ASA NOH! I'LL NEVER BE CAUGHT DEAD FEEDING YOU! NO! AYOKO. MANIGAS KA JAN!" at nagpatuloy ako sa pagkain ng natirang donut na kinakain ko kanina.

"*Mapangkonsensya at nakakaawang boses* Grabe ka. Ipinagdrive na nga kita na dapat ngayon eh may gagawin pa akong importante pero hindi ko yun ginawa kasi inuna kita. Tapos pinasakay pa kita sa sasakyan ko. At pinakain pa kita ng donut na dapat ay akin. Hindi pa kasi ako nakakapag-lunch at dinner. Pero okay lang, kung mamatay man ako ngayon at least masaya ako kasi may natulungan akong tao"

Nangonsensya pa!

"Tapos ka na?" sabi ko sabay tinggin sa kanya ng nakataas ang isang kilay.

"Oo"

"Oh" tinapat ko sa kanya ang donut "Pwede mo namang sabihin ng maayos na gusto mo. Nangonsensya ka pa! Oh open" sabi ko at binuksan niya naman ang bibig niya at kinain ang donut.

"Thank you ha"

"Oh. Tahimik ka jan at kain lang. Open!" 

"Yes boss!"

Tapos ayun nga, sinusubuan ko siya habang nagddrive siya.

Ya think this is sweet? Oh no. This is torture. DX

Asar | On-goingWhere stories live. Discover now