Chapter 8 = Night Talk and promisees =

11 0 0
                                    

~ Rick's POV~

Napakatraffic talaga pagganitong oras. Hay, matatagalan talaga ako maihatid si Ley. Speaking of Ley, ang tahimik niya ngayon. Talagang na saktan siya nung makita niyang may kahalikan si kuya.

"Okay ka lang ba Ley? After what you saw earlier?" pagtatanong ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango. Pero alam kong fake smile 'yun. Ayaw niyang ipakita sa akin na malungkot siya dahil sa nangyari.

"Rick, I have to ask you a question. Bakit ganun. Bakit nakaramdam ako ng konting selos ng makita ko 'yun? Wala naman akong gusto kay Geoff. Hindi ko naman siya close. Ba't  ganun?" nalilitong tanong niya. Halos maiyak na siya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bahala na.

 "Isa lang ang ibig sabihin nyan. You're secretly admiring him." sagot ko. Nabigla siya sa sinagot ko. Matagal rin bago siya nagsalita ulit.

"Bakit nasabi mo 'yun Rick? D--Diba sinabi ko naman sa'yo na wala akong gusto sa kanya?" Hindi agad ako sumagot. "Rick, sagutin mo ako."

"Okay. Eh kung wala kang gusto sa kanya,bakit nagseselos ka? Ley, alam ko namang may gusto ka sa kuya ko.Matagal na.Natatakot ka lang sigurong makasakit ng tao at masaktan. Pinipigilan mo ang sarili mong magmahal sa kanya. Kaya akala mo wala kang gusto sa kanya." I answered her seriously.

"Yeah, you're right. Natatakot ako kaya pinigilan ko ang sarili ko. Pero hindi ko naman inexpect na ganito ang magiging reaksyon ko kapag makikita kong may kasama siya eh?"-Ley.Now may tumulong luha na sa kanyang rosy cheeks.I feel sorry for her. Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort. Huminto muna kami sa 7/11. Nakayuko siya habang umiiyak.

"Ley dyan ka muna. May bibilhin lang ako, Okay? Tahan na." Tumango lang siya. Bumaba na ako para bumili ng comfort food. Ano kaya ang gusto niya? Ah... alam ko na noodles na lang. Wala na kasi akong ibang maisip. Binayaran ko na ito. At agad na pinuntahan si Ley sa sasakyan. "Naisipan kong ibili kita ng comfort food. Wala kasi akong alam kong anong gusto mong kainin eh. Kaya naisipan kong ibili kita nang noodles. Sana naman maibsan nito ang kalungkutan mo kahit papaano. Ayaw kasi kitang nakikitang nagkaganyan dahil sa kapatid. ko" Pinilit niyang ngumiti at hinarap ako.

"Okay lang ako Rick. Salamat sa concern mo. At tsaka, Sorry if naging pabigat ako ngayon. Hayaan mo babawi ako."sabi ni Ley with a fake smile on her face. Namamaga na ang mata niya sa kakaiyak. Naawa na talaga ako sa kanya. Hindi ko na talaga alam paano siya icomfort. "Rick, can you do me a favor?"

"Sure what is it?”-me.Siguro about kuya.

"Pwedeng wag mong sabihin sa kuya mo ang nangyari? I don't want to ruin his relationship with that girl. Can you keep it a secret?" Bumuntong hininga ako. I'll do it for Ley.

"Okay. But you have to promise me na hindi mo na siya iiyakan pa.Maawa ka naman sa mata mo. Namamaga na sa kaiiyak mo dyan." saad ko.Ngumit siya at tumango.

"Okay promise. Hinding-hindi na ako iiyak."Ngumiti na lang ako. Ang ganda niya kapag nakangiti. Sana hindi na siya magiging malungkot.

"Sige, kainin mo na 'yang noodles mo. Para maihatid na kita sa inyo. At makapagpahinga ka na rin." Tumango lang siya habang kumakain ng noodles niya. Napatitig ako sa kanyang kumakain. Hindi pa rin nawawala ang admiration ko kay Ley hanggang ngayon. I admit it. Nagkagusto ako kay Ley noon. Pero like lang hindi love.

"Oh bakit ganyan ka kung makatitig sa akin? May dumi ba yung mukha ko?" tanong niya.Agad ko namang iniwas ang mata ko sa kanya.

"Ha? Wa---Wala naman. May naalala lang ako." saad ko. Nahuli na niya pala akong nakatitig sa kanya. Hindi ko man lang na pansin.

"Eh ano naman 'yung naalala mo? At talagang tinitignan mo ako ng ganyan?" pagtatanong niya habang kumakain pa rin.

"Basta. Akin na lang 'yun.” Nagpout siya. Ang cute niya. Parang ganito lang siyang nagpout. (^3^). Ang cute diba. Natapos na siyang kumain. Inihatid ko na siya sa bahay nila. Pagdating namin dun ay nakita ko sina Mr. and Mrs. Jiminez na nag-aantay sa labas ng bahay nila. Nauna akong bumaba para poagbuksan si Ley ng pinto.

Secretly loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon