Together Forever

378 16 6
                                    

“Kasalanan ba ang mahalin kita?” Tanong ko sabay takbo papalayo.

Iyon na ang huling sinabi ko kay Lester. Hindi ko alam ang gagawin ko matapos kong banggitin ang mga salitang iyon. Mahal ko siya simula pa noong highschool hanggang sa mag-college kami. Matalik kaming magkaibigan. Halos lahat na nga ng sikreto namin ay alam ng isa’t isa. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Pero hindi nagtagal, natapos din ang maliligayang araw ko.

Noong ika labing-walong kaarawan ko ay inamin ko ang lahat kay Lester. Tahimik lang siya at walang kibo. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Naisip ko tuloy na ito na ang huling araw ng pagiging close namin sa isa’t isa.

Tama ang hula ko. Simula noon ay hindi na niya ako gaanong pinapansin. Hindi na rin siya sumasama sa akin pag may groupings sa klase. Iba na rin ang sinasamahan niya sa lunchbreak at pati sa uwian ay hindi na niya ako hinahatid. Naisip ko tuloy na sana hindi ko nalang inamin ang lahat. Na sana matalik na magkaibigan parin kami ngayon. Pero bakit nga ba siya umiiwas?

Ayokong ipag-siksikan ang sarili ko sa kanya. Hindi ko naman sinabi iyon para ipilit na mahalin niya rin ako. Gusto ko lang namang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko. Masyado na kasing masakit ang one-sided love na ito pero ano nga bang magagawa ko?

Nawalan ako ng kaibigan. Nawalan ako ng karamay. Nawalan ako ng masasandalan. Ganito pala kahirap kapag nagtapat ka sa isang taong malapit sa iyo pagkatapos ay wala siyang kibo. Gusto kong malaman ang nararamdaman niya pero takot akong masaktan sa maririnig ko.

Kinausap ko siya at sinabi kong kalimutan na lang niya ang mga sinabi ko noon. Ibalik na lang sana namin ang nakaraan. Pero tumanggi siya. Tinanong niya ako kung inaantay ko ba ang sagot niya. Siyempre naman! Pero hindi ko iyon sinabi sa kanya.

“Hindi naman iyon isang tanong. Ipinaalam ko lang sa iyo ang nararamdaman ko.” Sabi ko. Natigilan ako nang marinig ko ang sunod na sinabi niya.

“Sorry.”

Isang salita lang iyon pero napakasakit pakinggan. lumakas ang tibok ng puso ko. Tumalikod ako. Ayokong makita niya ang naluluha kong mga mata.

“Bakit ka naman magso-sorry? Wala kang kasalanan. At isa pa, kalimutan mo nalang lahat iyon. Hindi naman ako seryoso nang sinabi ko sayo yon. Masyado lang siguro akong masaya noong debut ko kaya kung anu-ano ang nasabi ko.” Humarap ako sa kanya. “Please kalimutan mo na lang ang lahat.” Dagdag ko.

“Hindi ko kayang ibalik sa dati ang lahat, Sophie.  Nabigla ako sa ipinagtapat mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakailang kasi.” Sabi niya.

“Bakit? Ano bang masama sa sinabi ko?”

“Mahal mo ako.”

“Kasalanan ba ang mahalin kita?” Tanong ko sabay takbo papalayo.

Ano bang nakakailang doon? Ikinahihiya nya ba na may gusto ako sa kanya? Bakit kailangang ganoon ang reaksyon niya sa mga sinabi ko? Bakit kailangang magbago ang lahat dahil lang doon?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Sorry”

Out of nowhere ay nasabi ko ito sa bestfriend ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya matapos niyang aminin sa akin na mahal niya ako.

“Hindi ko kayang ibalik sa dati ang lahat, Sophie.  Nabigla ako sa ipinagtapat mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakailang kasi.” Sabi ko.

I’m an honest person kaya sinabi ko sa kanya ang totoo. Nakakailang kapag may gusto sa iyo ang isang tao lalu na’t hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa taong iyon. Gusto ko si Sophie pero bilang isang kaibigan lang. hindi kailanman sumagi sa isip ko na maiinlove siya sa akin.

Together ForeverWhere stories live. Discover now