Paano kung ayaw niya na?

521 1 1
                                    

Paano kung ayaw niya na?

            Nakangiti ka ngayon. Masaya at kuntento sa buhay mo na kasama siya. Isa siya sa mga taong naglalagay ng kulay sa iyong mundo. Para sa ‘yo, siya na ang gusto mong makasama habang buhay. Mahal na mahal mo siya. Pero darating ang pagkakataong magsisimula na siyang magbago. Nanlalamig na ang pakikitungo niya sa ‘yo. At ang unang tanong na maiisip mo ay PAANO KUNG AYAW NIYA NA?

            “Ayaw niya na? Saan?” Malamang ay itatanong mo ‘yan sa sarili mo. Syempre, sa ‘yo. Sino pa nga ba? Panigurado, tatanungin mo ulit ang sarili mo… Saan ba ako nagkulang? ‘Yan naman talaga ang madalas mangyari eh. Tinatanong natin ang sarili natin kung saan tayo nagkamali. Kung meron ba tayong nagawa na hindi niya ikinatuwa.

Pero kung iisipin nating maigi, we will realize na siguro ay hanggang doon na lang talaga. Na kung pipilitin pa nating ayusin ang mga bagay-bagay ay lalo pa itong gugulo at mas lalo pa tayong masasaktan. May mga bagay na kahit anong effort pa ang ibuhos mo, kung hindi naman talaga ito para sayo, wala ding patutunguhan yung paghihirap mo. Paano na nga ba talaga kung ayaw na niya? Paano kung wala na talaga kayong pag-asa? Syempre, normal lang na umiyak ka. Malamang, masakit kaya. Kung nagmamahal ka nang totoo, asahan mong hindi ka ligtas sa sakit. Isipin mo, siya na ang gusto mong makasama forever tapos BOOM! Nawala na lang bigla. Wala na siyang nararamdaman sa ‘yo. Wala ng spark, kumbaga. Well, hindi naman natin ‘yan mapipigilan. Darating at darating din kayo sa puntong ganyan.

Parang guguho ang mundo mo, ‘di ba? Pero wala na eh. Wala ka nang magagawa. Alangan namang habulin mo pa siya? Ano ka? Aso? Tao ka. Tandaan mo ‘yan. Oo, nagiging tanga tayo minsan. O mas magandang sabihin, nagiging tanga tayo madalas pagdating sa pag-ibig. Masisisi mo ba sarili mo eh, nagmahal ka lang naman ‘di ba? Pero kung ayaw na niya talaga, isa lang ang sagot sa tanong na yan.

ACCEPTANCE. Big word ‘di ba? Pero ‘yan lang talaga ang solusyon eh. Accept the things that you cannot change and move on. Tanggapin mo na lang na wala na talaga. Na hanggang dun na lang talaga ang love story nyo. Oo, mahirap kalimutan ang mga nangyari sa inyong dalawa. Pag sinabing MOVE-ON hindi ibig sabihin na kakalimutan mo lahat-lahat. Ito yung kahit naaalala mo pa rin siya, pero hindi ka na nasasaktan. Dahan dahan lang. Take it slow. Chill. Tandaan mo, hindi ginawa ang break-up para ika’y masaktan at lumuha. Ginawa ito para ilayo ka sa maling taong akala mo ay tama.

Dapat ka pa ngang magpasalamat sa kanya dahil atleast ‘di ba, nalaman mo nang mas maaga na hindi pala kayo meant to be. Kaya mo ‘yan. Malay mo, ‘yung tao pala na para sa ‘yo ay hinihintay lang na mag-break kayo, ‘di ba? ‘Wag maging bitter teh. Nakakastress ‘yan. Ngumiti ka lang kahit nasasaktan ka na. As the sayings go, you have to kiss a lot of frogs before you find your PRINCE and you have to go through thousands of feet before you find your CINDERELLA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano kung ayaw niya na?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon