Chapter 1

1.5K 16 16
                                    

YOUNGJAE'S POV

Ilang months na rin simula ng hiatus ng grupo namin... 

Namimiss na namin magperform! Kumanta, sumayaw, umappear sa mga music shows, variety shows etc. 

Pero ngayon, siguro kailangan namin magpakatatag para sa mga BABYZ. 


"Youngjae hyung!" masayang bati sakin ni Zelo saka ako inakbayan, wala eh giant baby "Tara na! Naghihintay na sila sa van!" nagsimula na kaming maglakad papalabas ng dorm 

Magbabakasyon muna kami habang di pa kami nagpropromote. Kailangan namin ng peace of mind, relaxation kumbaga. 

Ang bilis ng panahon, parang nung debut namin papasok pa lang sa High School si Zelo pero ngayon Graduate na siya sa SOPA. 3 years na din pala ang grupo namin, at sana magpatuloy pa. 

"Jagi ang lalim naman ng iniisip mo" nagulat nalang ako ng bigla akong tinusok sa waist ni Daehyun "Tara dito, tabi tayo" hinila niya yung kamay ko para umupo sa tabi ng driver, siya sa dulo 

"Maka-jagi ka naman! Oh ayan cheesecake kumain ka" sinalpakan ko siya ng cheesecake na galing dito sa bag ko 

"Leggo! Let's party!" sigaw ni Himchan hyung bago umandar ng napakabilis yung van kaya ang resulta nasubsob siya pati na rin si Daehyun na puno ang bunganga ng cheesecake kaya ngayon ubo ng ubo "Hyung dahan-dahan naman po! My beautiful face oh!" turo niya sa muka niyang namumula na kasi nga nasubsob 

- - -

Haeundae beach, Busan

"I'm back baby! Wohoo!" masayang sigaw ni Daehyun habang tumatakbo ngayon sa mismong beach kaya basang-basa na siya "Ang lamig! Pero ang saya!" nagtatalon na siya saka tuluyan nagswimming 

Sumunod na din ang maknae line na sila Zelo at Jong Up. Wala na, dahil naka white shirt si Jong Up bumakat na yung abs. Nagtilian tuloy yung mga babae dito sa beach. 

"Jong Up oppa! Saranghae!" sabay na sabi ng dalawang babae saka sila nagform ng heart sign gamit ang mga braso nila kaya nginitian sila ni Jong Up saka kumaway

"Youngjae! Tara dito!" tawag sakin ni Yongguk hyung na nasa tubig na din pala kasama si Himchan hyung. Magkasama pala yung dalawa eh, BangHim na ito! 

"Mamaya nalang mga hyung, enjoy kayo jan!" kumaway nalang ako sakanila habang nakangiti saka tuluyang naglakad-lakad muna sa beach 

Buti pa sila kaya nilang magsaya, ako ewan ko ba kung bakit ang tahimik ko ngayon... 

- - -

Naglibot libot din kami sa buong city, masaya kami kasi di pa din kami nakakalimutan ng mga Babyz namin. Puro encouragement ang sinasabi nila samin tuwing makakasalubong nila kami. Nakakaginhawa ba ng pakiramdam!

"Jagi pasama naman ako sa convenience store, bili tayo ice cream!" kinaladkad na ko paalis ni Daehyun para pumunta sa malapit na convenience store dito sa tinutuluyan naming hotel 

- - -

Nang makarating kami sa isang convenience store, nakakita nalang kami ng eksena kung saan may pinagtritripan na isang matandang lalaki ng dalawang High School students, kinukuhanan nila ng pera yung wallet ng matanda na ngayon ay nanginginig na sa takot. Wala man lang may balak tumulong kaya tatakbo na sana kami ni Daehyun papalapit sa matanda para tulungan ito ng may sumulpot nalang babae na sinipa ang dalawang High School students. 

Nagpatuloy kaming tumakbo ni Daehyun papunta sa matanda saka ito tinulungan tumayo 

"Diba sabi ko ayusin niyo na ang mga buhay niyo? Bakit nanaman kayo umulit!?" sabi nung babae sa dalawa na ngayon ay nakaluhod sa harap niya "Pinagbigyan ko na kayo noon pero ngayon, tara sa police station!"  matapang niyang sabi saka kwinelyuhan yung dalawa 

Dug dug...

Nang hinawi niya ang buhok niya, kitang-kita na ang ganda pala nitong babaeng to. Para ata akong magkaka heart attack dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ganito? 

Parang nakita ko na siya, noon...

- - -

Pasensya na Babyz ngayon lang nakapag update si author, ngayon ko lang kasi naedit ng bongga hehe :D




Joko falls head over heels(B.A.P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon