First Love

492 15 8
                                    

Before kong ituloy ang maikling kwento o saloobin kong ito may tanong ako sa mga magbabasa nito.

Gaano mo kamahal ang magulang mo?

Higit ba sa pagmamahal nila sayo? 

Kung ako, sasabihin kong hindi ko napantayan yung pagmamahal nila sa akin. I even make them feel bad sa mga nagagawa ko. Nakakainis minsan diba? Yung gusto mo hindi agad nakukuha, marami silang pangako na hindi natutupad, they make promises para lang gumaan ang pakiramdam mo yet pag hindi nila natupad sinisisi natin sila, nagagalit tayo. Ang tanong, inalam mo ba kung bakit hindi nila yung natupad?

Maraming dahilan, hindi lang nila nasasabi or ikaw mismo ayaw mong intindihin dahil hindi nila natupad yung pangako nila sa yo. Ganun ako minsan eh, pero sa huli naiisip ko na kaya ganun kasi may dahilan.

Gusto kong magkwento about sa parents ko. Pwede ba? :)

Unahin ko muna yung Papa ko (Papa's girl ako eh).

First boyfriend ko.Lahat kaming magkakapatid dumaan sa pagtulog sa dibdib niya. Oo, yung nakapatong talaga kami sa dibdib niya Alam niyo ba, na sa tuwing umaga siya yung laging gumigising ng maaga para ipaghanda kami ng makakakain? Hinahatid kami papasok tapos susunduin, kapag malakas yung ulan at bumabaha na sa amin to the rescue siya kaagad. Naalala ko pa nga na shoot yung paa niya sa butas habang buhat buhat ako kasi baha so natumba kami, kapag tatay talaga anak ang laging iniisip kaya kahit halos masugatan na siya ako pa din yung inintindi niya. Masayahing tao siya, dinadaan na lang sa tawa ang lahat kahit mahirap ang buhay. Hindi kami mayaman sa pera pero mayaman kami sa pagmamahal ng mga magulang namin. Pero, dahil sa pagwewelding yung trabaho ni Papa nagkaroon siya ng sakit sa mata dati, yung namaga tapos hindi niya madilat? Basta ganun, maliit pa lang ako nun eh tapos narinig ko sila ate na umiiyak yun pala naghahabilin na siya nun pero buti na lang gumaling siya. THE BEST PAPA SIYA PARA SA AKIN. Kung papipiliin ako ng isa pang pagkakataon para mamili ng Papa, si Virgilio pa din pipiliin ko. :')))

Si Mama naman

Firts bestfriend ko. Napakatapang ng mama ko, hindi niya hahayaang maagrabyado kami. Yung ex ni ate sinugod niya kasi niloko si ate tapos sinipa niya yung gate kaso may tulis at hindi niya nakita kasi gabi na kaya nagkasugat siya, natahi pa nga yung paa niya nun eh. Tapos yung sumuntok sa may likod ko sinugod niya din! Hindi siya warfreak, protective kung idedefine ko yun. Kahit minsan nagkakatampuhan kami siya yung gumagawa ng way para magkabati kami. Si Mama madiskarte, kahit maingay at masakit sa tenga yung boses niya sobrang mahal na mahal namin yan. Di niya kami pinabayaan at sa kaniya ko namana yung pagiging moody, hehe. THE BEST MAMA SIYA PARA SA AKIN. Si Elisa :')))

Bakit ko ba to ginawa? Naantig kasi ako sa nangyari sa pinsan ko, nilibing yung papa niya sa mismong birthday niya. Hindi mo kasi masasabi diba? Kaya ngayon pa lang iparamdam na natin sa kanilang mahal natin sila, walang mawawala at mas masakit kung mawawala muna sila bago natin sabhihin ang mga katagang yun.

Lahat ng sakripisyo nila para sa atin, dapat naa-appreciate natin

Lahat ng binibigay nila wag na tayong maghanap ng higit pa kasi alam nating binigay nila yung best nila dun. 

Pag tumanda sila at nangailangan ng tulong natin, wag natin silang pabayaan. Sa kung anong pagtitiis yung ginawa nila sa atin ganun din dapat tayo sa kanila. Hindi responsibilidad ng anak ang mga magulang pero bilang pagtanaw ng utang na loob gawin natin silang priority pag naging maayos na yung buhay natin na dahil na din sa tulong nila.

Realizations shared. Let's love our parents. Kung gaano natin kadalas sabihin ang I LOVE YOU sa mga karelasyon natin na kung tutuusin ay ibang tao, dapat ganun din sa mga magulang natin :) Salamat sa pagbabasa.

Sana, sa kung gaanong panghihinayang yung nararamdaman natin pag may nawala sa ating ibang tao, wag sana nating maramdaman yun pag SILA ang nawala kasi alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat maipadama lang kung gaano natin sila kamahal

-Chamcham 

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon