Love Dynasty

88 1 0
                                    

“Kringgggggggggggggggggg …”

Haaaay! Sa wakas natapos rin ang boring na klaseng to -_-

“Ui friend, mag try-out kami sa volleyball. Gusto mo sumama?”

Gustong-gusto ko noh!L

“Ayoko!”

“Di ba gusto mo maging volleyball player? Eto na yung chance. Halika na!”

“Tinatamad ako.”

“Ganun!? Osige, mauna ka na lang muna umuwi ngayon uh”

Ano daw? Wala ako kasabay umuwi? No way!

“Panoorin ko na lang kayo”

“Sure ka? Di ka ba papagalitan ni Tita kung late ka na makakauwi?”

Ang dami naman sinasabi ng babaeng to.

Pasalamat ka kaibigan kita kundi kanina ko pa tinahi bibig mo -_-

Di ko siya sinagot at naglakad na papunta sa gym.

“Hoy Bea, san ka pupunta?”

“Nandun lang ako sa bleachers.

Galingan mo uh!? Pag di ka nakuha kakalbuhin kita!”

Naglakad na ulit ako bago pa makasagot si Dennise..

Sa totoo lang, marunong ako mag-volleyball..

Pangarap ko maging isang sikat na volleyball player..

Gusto ko maging katulad ng AMING DADDY..

Sikat na varsity si Daddy nung high school siya.

Siya lagi ang nagiging MVP kaya ang daming naka display na mga trophies and medals sa bahay.

Iba’t ibang prestigious college schools ang nag-ooffer sa kanya ng scholarship makuha lang si daddy.

Ang napili ni daddy ay ----- University. Madami raw kasi chiks dun :3

Pero isa lang daw talaga ang ginusto niya at gugustuhin niya habang buhay.

Yung babae na yun daw ang dahilan kung bakit sinikap niya maging isang magaling na VB Player.

Dare daw kasi nila na pag naging MVP si Daddy, magiging sila na.

Kaya ayun, gusto ko ------- *boooogshhhhh*

Aray ko po!

Sakit ng ilong ko dun uh >.<

“Hey Sis, sorry. Naku nasaktan ka ba?”

Ayy hindi. Gusto mo try ko sa’yo? -_-

“Hindi naman masyado. Ayos lang”

I smiled J

A fake one L

“Sorry talaga uh. Anyway, bakit ka nandito? Magtry-out ka ba? Kailangan ka ng team. Sali ka na!”

Ano ba to! Daig pa si Dennise sa kadaldalan.

Try mo mag quit para makasali ako :3

“Naku! Hindi, papanoorin ko lang yung kaibigan ko na magtry-out.”

“Aubrey, yung bola!” sigaw nung isang player sa gitna ng gym.

“Ah ganun ba. Sige punta na ko dun uh. Pasensya ka na dun sa nangyari kanina.” Tumakbo na siya dun sa tumawag sa kanya.

Kamukha niya talaga si Daddy L

Siya yung dahilan kung bakit ayoko sumali sa VB Team ng school.

Naglakad na lang ulit ako at umakyat sa bleachers.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love DynastyWhere stories live. Discover now