Bogart says 24

13.3K 796 61
                                    

*listen intently to the song. it has special meaning to me. >>

Ang taong may malusog na kidney ay sumasala ng mahigit 1,500 litro ng dugo araw-araw. Hindi tayo mabubuhay kung ang mga maruruming substance mula sa kidney ay hindi mailalabas. Ang mga taong may problema sa kidney ay nakakaranas ng pag-iipon ng dumi sa kanilang dugo. Kung walang dialysis, lalala at dadami ang maruruming substance sa dugo na maaring makapagdulot ng kamatayan o coma.

Kahit na nakakatulong ang dialysis, hindi nito lubusang mapapalitan ang normal na functions ng kidney. Ang mga pasyenteng naka-dialysis ay kailangang maging maingat sa kanilang kinakain at iniinom. Magiging normal ang pamumuhay nila basta may dialysis medication at treatments na available.

Isa  rin sa mga consequences ng pag-u-undergo ng dialysis treatment ay ang pagkabaog – mapalalaki man o babae.

Ang kidney transplant naman sa kabilang banda ang higit na makapagbibigay ng magandang resulta.Ang mga transplanted kidney ay maaring manggaling sa kamag-anak, sa ibang donor o di kaya sa deceased donor. Ang donor at ang donee ay kailangan munang dumaan sa mga extensive testing upang maging successful ang pagtra-transplant. Kinakailangan dito ang suitability at compatibility kung kaya madalas ang mga nagiging donor ay yung mga kamag-anak. Ang mga kidney donors ay mayroon pa ring parehas na life expectancy at general health tulad ng iba.

Ang procedure ay tumatagal ng tatlong oras ngunit nirerequire ng ospital ang apat hanggang pitong pamamalagi para sa follow-up. May tendency na i-reject ng kidney ng recipient ang transplanted na kidney kung kaya kinakailangan nya ng immunosuppressant medication kung saan, nirerequire ang pagmomonitor ng BP.

Nagpunta si Eiji sa chapel at nanalangin. Ipinagdasal nya na tulungan sila sa pag-iisip kung anong mabuti para kay Buknoy; nanalangin din sya na patatagin si Buknoy para sa mga nagmamahal sa kanya; at ipinagdarasal nyang wag mangyari ang minsang na kwento ni Buknoy na storya. Ayaw nyang mamatay si Buknoy. Hindi nya kakayanin.

Pinunasan nya ang luha at naupo mula sa pagkakaluhod nang matunugan nyang may pumasok rin sa chapel. Nilingon nya ito. Isang nanay,duguan ang damit ang nakaluhod, humahagulgol, tumatawag sa Dyos, nagmamakaawa.

Hanggang sa maalala nya ang papel sa bulsa. Ito ang pangalawang letter na natanggap nya mula sa lalaki. Ang una ay ang retreat letter na sya nyang pinalaminate. Kinuha nya ito’t binasa.

“Para sa aking sinisinta (oo na ang korni),

Gusto kong malaman mo na kahit nabugbog ako, gwapo pa rin ako. Hehe!...” Umikot ang mga mata ni Eiji pero napangiti sya dito. Sya’y nagpatuloy.

“…Ito na magseseryoso na po. Eiji wag kang magagalit ha? Pero kasi…gwapo talaga ako e! haha!”

Nahampas ni Eiji ang noo sa sobrang inis. “Tulad pa rin nang dati.”  Bumalik sya sa pagbabasa.

“…Hindi, ito na talaga hanybee. Di na kita go-good time-in. Ang totoo nyan, may sakit ako. End-stage renal disease…”

“Alam ko na ngayon!” sagot ni Eiji na parang kaharap nya lang si Buknoy.

“…Akala natin simpleng dehydration lang ito. Hindi ka nagkulang sa paalala. Hindi ako nagkulang sa pag-inom. Akala ko magaling na ako. Hindi pala. At hindi na kailanman. Sabi ng doctor sakin, sa susunod na atake daw ng sakit, mas malala na. Baka raw ikamatay ko na. So, siguro habang binabasa mo ito, wala na ako…”

“Bawiin mo nga yang sinabi mo!?” tugon naman ni Eiji, nagsisimula na namang mangilid ang mga luha.

“…Alam mo masakit para sa akin yung ginawa ko sayo. Yun bang sabihing hindi na kita mahal. Natatakot kasi ako sa katotohanang maaga akong mawawala, na maaga kitang iiwan, na di na tayo kasamang tatanda. I’ve seen your loneliness before kaya nga,  I want you to be forever happy. But forever is what I don’t have. Kaya ko ‘to ginawa. I want you to hate me so that when you do, it would be easier for you to move on and it will be less painful for me to die. I’m sorry Hanybee if it’s not fair. But this I can assure, mahal na mahal kita. Peksman. Mamatay man…Nagmamahal , ang pinaka-Awesome na unggoy/impakto/ulupong/alupihang dagat.”  Isinara nya ang papel. Nainis si Eiji sa sarili sa pagbasa ng sulat. Bakit ko pa binasa!?

Ang Multo sa Manhole 2 - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon