Chapter 8 - Truth Hurts

6K 134 17
                                    

Luminga-linga si Irma.

Natanggap niya kaya yung tawag ko? Nag-aalala niyang tanong sa kanyang sarili habang nakaupo sa may swing. Tumawag ulit siya kanina at sinabing sa may mini playground na malapit sa school na lang sila magkita.

Napatingin siya sa langit. “Ang dilim..” inilagay niya ang anyo na hawak-hawak sa loob ng kanyang bag.

Magtatatlong oras nang naghihintay si Irma alas kwatro nan g hapon, nang may maramdaman siyang patak ng ulan. ‘Di katagalan, dumami na nga ito.

***

Bumaba si Amiere ng kuwarto. Kararating lang ng mama niya galing labas.

“O ma, nandito na pala kayo.” Bati niya.

 “Haaay.. grabe, ang lakas ng ula sa labas.” sabi nito.

 “Umuulan ma??” tanong niya.

 “Oo. Biglaan nga eh.”

Napatingin naman si Amiere sa bintana.

***

Nakaupo pa din si Irma sa swing. Nangangatog na siya sa sobrag lamig dahil sa ulan.

Napatingin siya sa langit, at saka yumuko ullit. Napaangat lamang ang ulo niya nanag biglang nawala ang ulan. Nakit niya si Amiere na may dala-dalang payong at pinapayungan siya.

 Napangiti si Irma. “B-buti dumating ka…” nangangatog na sabi ni Irma.

 “Engot ka talaga! Bakit ka nagpa-ulan?” sabi ni Amiere. “Wala naman akong sinabing pupunta ako ah?”

Napangiti si Irma. “Pumunta ka naman eh. May gusto sana akong ibigay… at itanong.” Bumuwelo si Irma. “A-ang tanong ko… gusto mo din ba ako?”

 “A-ano?” tanong ni Amiere.

 “Bakit mo ginagawa ‘to? Bakit ang bait, bait mo sa kin?” titig na titig siya sa mga mata ni Amiere. “Bakit---“

   “Kasi naaawa ako sa’yo.” Sagot naman ni Amiere. “Na… nakaka-awa ka kasi eh. Edi.. kung hindi pa kita papansinin, edi super kawawa ka na. ‘yun lang yun. Wala nang iba pa..”

 “H-huh?” 

Patlang... nagkaroon ng napakahabang patlang sa kanilang pagitan.

“H-hindi kita gusto. Kaibigan lang ang turing ko sa’yo. Saka, bakit naman kita magugustuhan? Sa hitsura mong ‘yan? Na-nahihiya nga ako kapag kasama kita eh.” Sabi ni Amiere na hindi tumitingin sa mata ng kausap.

Parang nabiyak naman ang puso ni Irma. Ang taong nagugustuhan niya sa mahabang panahon, kailanman ay hindi magkakausto sa kanya.

 “Nahihiya ka... kapag kasama ako?” napatungo si Irma. “Kaya pala... ang engot ko talaga. Hindi ko naisip yun. Kaya pala kapag kaharap mo sila, hindi mo ako kilala.” Nangingilid na ang mga luha ni Irma sa mata. Tumulo na ito. “Pasensiya na ah, naabala pa kita.” Tumungo si Irma.

Kinuha na rin niya ang kanyang bag at may nilabas siyang panyo. Kinuha niya ang kamay ni Amiere at doon niya ito nilagay. “Gusto ko lang naman na ibigay ‘to sa’yo eh. Ikaw na ang bahala kung ano man ang gawin mo diyan.  Itapon mo kung gusto mo.” Ngumiti siya, sa huling pagkakataon. “Sige na, pasensiya na ulit ah…” pinunasan ni Irma ang luha niya at saka umalis.

Naiwan naman si Amiere na hawak-hawak lang ang binigay ni Irma. Ang totoo, nahulog na din ang loob niya dito ngunit hindi niya lang ito maamin sa kanyang sarili.

Patuloy pa din na naglalakad si Irma sa ulanan. Iyak to ng iyak...

Ang maganda lang kapag umuulan, walang nakakapansing... umiiyak ka na pala.

Kiss the Rain [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon